ONE: ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO
I'm hoping that I will have a nice day.
"Cadie, can you please call your sister?"
Napatingin naman ako kay Mama."She's not my sister, Mama," sabi ko nalang sa kan'ya.
Totoo naman, hindi ko kapatid si Anirema napulot lang ito ni mama sa kung saan. Only child nalang ako because my sister passed away seven years ago. Sobrang tagal na, but my mother said that she's still alive at ang kaluluwa niya ay napunta kay Anirema. It's a crazy talk, right?
Pero 'yon ang pinaniniwalaan niya. Tutol ako sa pagtira rito ni Ani. Hindi naman ako nakapalag nang dalhin siya rito nila Mama. If you'll ask me, hawig niya nga ang little sister ko, but I know that she's not her. Hawig lang pero hindi siya ito. Ibang-iba ang ugali ni Ani sa kapatid ko.
"We already adopted her so she's your sister," napailing na lang ako sa sinabi ni Mama.
"Fine," sabi ko na lang. I go upstairs to call Anirema, katulad nang in-utos sa akin ni Mama.
Nang makarating ako sa pinto ng kuwarto ni Ani ay agad akong kumatok, "Sandali," narinig kong sabi niya sa likod ng pintong 'to.
"Tawag ka ni Mama," sabi ko na lang at saka umalis sa lugar na 'yon. Bumaba ulit ako at saka lumabas ng bahay.
Alam ko naman na narinig ako ni Ani kaya bababa na lang siya.
Ilang buwan na nga ba si Anirema sa bahay namin? Maybe, six months? I am not sure pero matagal-tagal na rin and I could say na mabait naman talaga siya pero minsan naiinis ako dahil nga pakiramdam ko ay pinalitan ni Mama ang nakababata kong kapatid.
Pinalitan sa puso niya.
Pumasok ako ng kotse ko at saka nag-drive papunta sa bahay ni Geo. Geo used to be my bestfriend. Highschool pa lang kami ay talagang in good terms na kami.
Friends lang. Walang iba.
Hindi namin naiisip ang tungkol sa mga love-love na porke opposite s*x eh puwedeng ma-in-love. Sa tingin ko, may some cases pero hindi naman lahat.
Like us, walang romantic involved sa relasyon namin bilang magkaibigan. Naging study buddies na rin kami noong school days.
Nagsimula ang closeness namin noong nakilala namin ang iba pang R's. Which is ang ginawang circle of friends ni Keith Armalana.
Nagsimula ang pagkakaibigan namin nang pinagbantaan niya akong magnanakaw sa campus na hindi naman totoo. No'ng nalaman niya na hindi naman talaga ako ang nagnakaw ay lumapit siya sa akin and she said sorry to me.
When she asked about my name, sinama niya ako sa group na kasapi rin siya. At ito ang R's. Doon ko lang na-realize na pareho-pareho pala ang simula nang mga apilyedo namin.
Nakilala ko roon si Keith ARmalana, Kate ARmalana, Arsye and Mathilda ARilliano, Geo Mila ARceva at ako, Cadie ARciego.
Wait, meron pang isa. Ang dating girlfriend ni Kate Armalana na umalis ng bansa, nawalan kami ng balita sa kan'ya ng ilang taon.
Si Richsza ARjunco.
Kaming pito ang parte ng R's. Hindi lang kami basta group, marami kaming foundations, charities. Marami kaming tinutulungan.
Anyway, kaya ako pupunta sa bahay ni Geo ay dahil sa kagustuhan niya. May ipapakita raw siya sa akin, hindi ko alam kung ano. Kahit matagal na kaming magkakilala ni Geo hindi ko pa rin talaga alam ang takbo ng utak niya.
Minsan, hindi ko siya maintindihan. Tatawa na lang tapos biglang iiyak, I will ask her why, isasagot niya lang sa akin na nag-iinarte raw siya kasi bored siya.
May pagka-baliw talaga ang kaibigan ko na 'yon.
Habang nagmamaneho ako ay napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nag-flash doon ang pangalan ni Mama. Agad ko namang kinuha 'yong cellphone ko at saka sinagot ang tawag.
Wala sana akong balak na sagutin pero mapapagalitan niya ako kapag 'yon ang ginawa ko. "Where are you?" bungad niya sa akin.
"I thought nagpaalam po ako sa iyo?" I grimaced.
"Anong nagpaalam? Hindi ka nagpaalam sa akin! I'm asking you, nasaan ka?!"
Lalo lang akong napangiwi. I don't know pero bakit ganito pa rin ang trato niya sa akin? Lahat ng galaw ko kailangan alam niya. Hindi naman na ako bata, I am already 29 years old.
"Ma, hindi na ako bata," sabi ko sa kaniya.
"Kahit na! Magpaalam ka sa akin dahil kasama mo pa rin ako sa bahay?! Nasaan ka nga?" may galit na talaga sa boses niya.
"Nasa kotse," I paused and sighed. "Pupuntahan ko si Geo."
Suminghal siya, "How many times do I need to tell you that you should avoid her?!"
Okay, here we go again. Ewan ko kung ano ang problema niya pero ayaw niya kay Geo. Ayaw niyang maging kaibigan ko ito. Kahit noong unang kung pinakilala sa kaniya ang kaibigan ko ay halata na talaga na hindi niya gusto ang bestfriend ko.
"Ma, again, I am not a kid anymore, I have my own decision now," I said. "And she's one of my closest friends. You know that, kapatid na ang turing ko sa kan'ya."
Na-i-imagine ko na napapapikit siya ngayon nang mariin. "Bago ka umuwi," mariin na sabi niya. "Bilhan mo si Ani ng laptop, nasira 'yong laptop niya ngayon."
Ngumiwi ako at napatango na lang. Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ang tawag, nang patayin ko ang tawag saka naman ako nagulat nang bigla na lang may tumawid na babae.
Nasa loob na ako ng isang village kung saan nandito ang bahay ng kaibigan ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. Bigla na lang may tumawid na babae at alam ko na nabangga ko siya!
Dali-dali akong lumabas ng sasakyan ko at saka tiningnan kung may nabangga talaga ako. Pero hindi ko pa man din nakikita ay one-hundred percent sure ako na may nabundol ako.
At tama nga ang hinala ko. Nakita ko siya na naka-upo sa harap ng kotse ko. Hawak niya ang balakang niya at halatang nasasaktan siya. Dali-dali ko siyang nilapitan at saka tinulungang makatayo. Todo alalay ako sa kan'ya. Halata na nay masakit sa kaniya.
"Are you okay, Miss?" I asked her. Anong dapat gawin ko? Eto ang unang beses na may mabangga ako! T*nga! Dapat ko siyang dalhin sa hospital.
"M-Mukha b-ba a-aray!" hawak niya pa rin ang balakang niya. Tapos tinulak niya ako papalayo sa kaniya at saka nag-stretch siya. Tinitingnan ko lang siya habang panay stretch na animo'y normal lang na nag-e-exercise.
After a second, she turned to me, ang talim ng mga titig niya sa akin, "Hoy! Animal ka?! Mukha ba akong okay? Ang kapal ng mukha mong tanungin ako kung okay ba ako? T*nga ka ba, ha? Nakita mo nang nabangga mo ko! Tumama sa balakang ko 'yang sasakyan mo tapos tatanungin mo lang ako kung okay lang ako? Aba, p*tang*na! Halika rito, suntukan na lang!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Isang salita lang ang pumapasok sa isip ko, palengkera siya. Napahawak ako sa sentido ko.
"I'll take you to the hospital, come on." I tried to grab her arm pero umiiwas siya sa akin.
"'Wag mo nga akong hawakan?!" nanlalaki ang mga mata niya at salubong na salubong ang mga kilay niya.
"I said, I will take you to the hospital." Sinusubukan ko talaga ang sarili ko na maging mahinahon kahit na wala puro paninigaw siya sa akin.
"Ayaw ko nga!" sabi niya nang pasigaw na naman. Nagkibit-balikat naman ako.
"Okay, I gotta go," sabi ko at tinalikuran ko na siya. Kung puro siya sigaw, aalis na lang ako. Ako na nga itong nagmamagandang loob siya pa talaga ang magagalit? Anong klaseng tao siya?! Tss.
Ayaw ko sa lahat ay 'yong maingay. Mas malakas pa ang boses niya sa boses ni Geo kapag sumisigaw.
Pero bago pa man ako makasakay sa kotse ko ay binato niya ako nang kung ano. Medyo masakit iyon, nang tingnan ko ay iyong dala niyang bag ang binato niya sa akin.
Ngayon ko lang din napansin na naka-office attire siya.
"Ang kapal ng mukha mo talaga, eh, 'no?!" nanggigil siyang lumapit sa akin. Hawak ko na ngayon iyong bag niya, marahas niya itong inagaw sa akin. Kung titingnan mo sa kilos niya ay parang okay na siya kaya no need na talaga na dalhin ko siya sa hospital.
"Ayaw mo namaㅡ" she cuts my sentence off.
"Matapos mo 'kong banggain tatalikuran mo lang ako?! Napaka-kapal talaga ng mukha!" inis na sabi niya.
I tried to calm down again. "Look, Miss, I need to go, may importante pa akong gagawin."
Lalo niya lang akong sinamaan ng tingin. "So, you're saying na I am NOT important? Naghahamon ka ba talaga ng away?! Ang kapal ng mukha mo!"
Napangiwi naman ako. Bakit sa lahat-lahat ng tao sa mundo katulad niya pa ang makakausap ko. Napaka-ingay. Palengkera.
Pero base sa itsura niya, mukha siyang mayaman. Pero mayaman ba ang ganiyang pananalita? Nang titigan ko siya ng diretso sa mukha. Naka-sense ako ng familiarity na parang nakita ko na siya dati.
I don't know. I don't remember and I don't care.
"Can you please lower down your voice, nakakahiya," I said to her nang mapansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga taong napapadaan ngayon.
Marahas siyang napabuga ng hangin na animo'y hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yon. "Nakakahiya?! Bakit hindi ka mahiya sa sarili mo?! Nasaan ang good manner and right conduct mo?! Buti nga hindi na kita pinagbabayad! Ang akin lang! Mag-sorry ka!"
"Buti alam mo 'yong good manner, sa tingin mo ba may good manner ka sa tono ng pananalita mo?" mahinahon pa rin na sabi ko sa kan'ya.
"MAG. SORRY. KA," mariin na sabi niya sa akin. Sorry lang ba? Para matapos na 'to?
"Fine, I'm sorry," she crossed her arms.
"Hindi sincere," this time, hindi na siya pasigaw. Nag-iwas siya sa akin ng tingin.
"Look, Miss, I am really sorry. Hindi ako nag-iingat, kasalanan ko. Again, I am really sorry." I said, trying to be sincere. Well, gusto ko naman talagang mag-sorry sa kaniya kaso nga nakalimutan ko sa kakasigaw niya.
Nakakawalang-ganang mag-sorry kung 'ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO’ agad ang bungad 'di ba?
Napa-iling-iling ako. Tinalikuran ko na siya at tuluyan nang sumakay sa kotse ko. Hindi naman na niya ako pinigilan pero ang sama nang titig niya sa akin hanggang sa makalayo ako.