TWO: THE PERSON I SAW ACROSS THE STREET

2902 Words
"What the hell?!" Agad akong inirapan ni Tabi. "Don’t what the hell-what the hell me!" sabi niya at saka pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Look what you've done!" naninising sigaw niya sa akin. Si Tabitha, also known as Tabi ay ang napakabait kong pinsan. Si Daddy at ang Daddy niya ay magkapatid. So ang buo niyang pangalan ay Yannie Tabitha Montinelli. Halos lahat naman ng nasa angkan namin ay may mga second name. Ako lang talaga ang naiiba. Kasi ang pangalan ko ay Fe, just Fe. I am Fe Montinelli. Pero wala namang kaso sa akin kung two letters ang pangalan ko. Actually, in favor pa nga ako kasi hindi ako nahirapang magsulat ng pangalan ko noong bata pa ako. I mentally laughed. Pero back to present time, may pinag-aawayan kasi kami, isa-isa nang nagsi-si-alisan sa amin ang mga investors sa amin. Hindi naman puwede iyon, at lalong-lalo nang 'wag niya sa akin isisisi ang nangyayari. Sungalngalin ko siya ng cupcake eh. Anyway, parang gusto ko na namang kumain ng cupcake kahit na halos kakakain ko lang. "Wala akong kasalanan, okay?" Pinilit ko lang i-kalma ang sarili ko. Baka hindi ako makapagpigil ay masigawan ko rin siya ng bonggang-bongga. Ayaw ko naman na mag-away kami ng pinsan ko na si Tabi kahit na minsan ay may pagka-baliw siya. I mean, kadalasan. Baliw talaga ang isang 'to, feeling ko kapag nag-pa-checkup ito, mas lalong maku-kumpira na baliw talaga siya. Malamang sa malamang ay mabilis siyang tatanggapin sa mental institute. "This wouldn't have happened if you had not gone to Paris and just focused here!" naiinis na sabi niya sa akin. Tumayo siya sa pagkaka-upo sa visitor's chair at pagkatapos ay halos mahilo na ako sa ginawa niyang paglakad pabalik-balik sa harap ko. Parang baliw. Anong aasahan ko? Baliw na talaga siya. Magka-edad lang kami ni Tabi. Ay hindi, matanda ata siya sa akin ng isang taon. Isang taon lang. Hindi ako sigurado kasi hindi ko naman saulo ang birthday niya. Basta ang naalala ko lang ay third year college ako nang gum-raduate siya. Basta, mas matanda siya sa akin— iyon ang alam ko. "Alam mo, Tabi?! Kumalma ka! Umupo ka ulit dito kung ayaw mong sampalin kita!" inis na sabi ko. Hindi ko naman kailangang sagutin siya in English kaya bahala siya sa buhay niya. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa paglalakad ng pabalik-balik habang nakahawak pa siya sa sentido niya. Frustrated na frustrated na naman siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi ko sa kaniya. Humarap siya sa akin ng diretso at sinamaan ako ng tingin. Dinuro niya ako. "Don't you dare talk to me like that!" I rolled my eyes. Kadalasan din talaga ay nakakapikon siya. Hindi na lang ako sumagot at bumaling na lang ulit sa computer ko habang rant pa rin ng rant si Tabi about sa investors na nawala. Baka raw maging dahilan pa ito nang pagbagsak ng Montinelli Company. Napapailing-iling na lang ako sa kaniya at hindi ko na lang siya pinansin. Mas lalo lang akong mai-stress. Once na nalaman ni Kuya Boss na panay siya paninisi sa akin, pagagalitan siya nito. Siyempre, sa akin kampi ang Kuya ko. Tsaka may valid reason naman talaga kung bakit ako pabalik-balik sa Paris. Kuya Boss got into an accident. Iyak ako nang iyak noon, akala ko mawawalan na ako ng kapatid. Mas minabuti ko rin na wala na munang makakaalam. Months later, bago nalaman nila Daddy na na-aksidente si Kuya. Anim na buwan ang tinagal ni Kuya Boss sa hospital para magpagaling. Masaya naman na ako ngayon dahil fully recovered na siya. Actually, kababalik niya lang ng Pilipinas two days ago. Binilhan niya naman agad ako ng Zechya nang malaman niya na itinikom ko ang bibig ko nang malaman ko kay Jana, ang secretary niya na may nangyaring hindi maganda sa kaniya sa Paris. Hindi ko rin talaga pinagkalat, kahit na kating-kati ako. Noong una ay nagalit sa akin sila Mommy, bakit daw hindi ko sa kanila nasabi kaagad. Sino raw ang nag-manage ng dapat i-manage ni Kuya Boss sa Paris? I sighed. Sino pa ba? Sino ba ang nagpabalik-balik sa Paris? Edi ako. Ginagawa ko ang trabaho rito but at the same time ay ginagawa ko rin ang trabaho ng kapatid ko sa Paris. Buti na lang tinulungan ako ni Rhys nang malaman niya ang nangyari kay Kuya. Pero siyempre, eighty percent ng trabaho ay napunta sa akin. Si Rhys ang ang nakababatang kapatid ni Tabi. Kasama siya ng Kuya ko na nagpunta sa Paris. Medyo naging magulo rin ang sitwasyon, kasi unang-una. Inisip niya na kaya biglang nawala si Kuya Boss ay dahil umuwi na siya ngTastotel. Nagbabalak na kasi talaga ang kapatid ko na bumalik sa Tastotel, ilang oras bago mangyari ang aksidente. Hindi ko naman sinabi sa kaniya, nalaman niya na lang. At katulad ng ginawa ko, hindi rin pinagsabi ni Rhys ‘yon. Kahit nga sa mga kapatid niya na si Tabi, Tharina at saka si Rance. Halata naman na hanggang ngayon ay wala pa rin alam si Tabi. Pati rin sila Mommy, hindi na rin pinagkalat ang nangyari kay Kuya. Kaya nga pinaparating niya sa akin na ang t*nga ko sa part na nagpabalik-balik ako sa Paris. Ang hindi niya alam ay napakaimportante ng ginagawa ko sa Paris. Akala niya siguro lumalandi lang ako. Tsk! Wala na nga akong oras para roon, eh. Halos nilaan ko na ang mga natitirang buhay ko sa kompanya namin. Isa nga rin pala sa dahilan kung bakit nagdesisyon ako na 'wag na muna talagang ipagsabi ang nangyari kay Kuya kasi iniiwasan ko rin talaga na hindi makarating kay Carmie ang nangyari sa kaniya six months ago. Pero napapaisip ako. What if, sinabi ko na lang? Edi sana wala na kaming plano ngayon. Sana that time pa lang nailabas na ni Carmie ang nararamdaman niya. Sa sobrang stress ko at nape-pressure na ako sa mga dapat at kailangang gawin lalo na sa office ay hindi ko na nagawang naisip 'yon. Mas pin-riority ko na lang ang recovery ni Kuya Boss at ang kompanya. Iyong plano namin with Acelyn Hernandez ay nabuo talaga 'yon sa utak ko nang unti-unti nang gumagaling si Kuya. Nakaka-usap na siya at nakakagalaw na nang maayos. But then, hindi pa siya pinalabas ng hospital dahil may mga tests and observation pang ginawa. Two months pa siyang nag-stay sa hospital. Pero hindi ko na uungkatin pa ang tungkol doon. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang bigla akong maka-receive ng email galing kay Keith. Yes, si Keith Armalana. Hindi ko masasabi na sobrang lapit namin sa isa't isa pero madalas naman kaming nag-uusap. Ang palaging topic namin ay, of course, about sa business. Email subject: I'll recommend someone to you. Message: I'm going to introduce someone to your company. To be very candid, this person is intelligent and highly competent in business. Hindi ko naman naiwasan na mapataas ng kaliwang kilay. Nagpapatawa ba siya? Anong trip niya? Medyo nagtaka na kasi ako sa content pa lang ng email niya. What the hell?! Agad naman akong nagreply sa kaniya. Message: Don't try to fool me. You wouldn't suggest that person to me if he's genuine and competent at business :)) Totoo naman kasi. Unang-una, may kompanya siya. Pangalawa, magka-kumpetensya ang A. Company at Montinelli Company sa business world. Ganoon din ang Consejo. Pero sa labas naman ng industriya, ang mga may-ari ng kompanya na 'yan ay literal na magkakaibigan. Matatalik na magkakaibigan to be exact. Mabilis din na nag-reply sa akin si Keith. Message: Come on. Haha, I'm the one being kind. Why are you refusing to accept it? Is it okay if I send you his resume? Lalo lang napakunot ang noo ko. Medyo naguguluhan talaga ako. Kaya ang ginawa ko ay inilabas ko sa drawer ko ang aking smartphone. Sa paggalaw din ng ulo ko ay napansin ko na wala na pala si Tabi sa opisina ko. Buti naman, siguro naisip niya na nagsasayang lang sya ng laway. Hindi naman ako nakikinig, eh. Nagreply ulit ako sa email. Message: Wala akong tiwala sa'yo. Pick up the phone. Reply ko sa kaniya at agad kong i-dinial ang numero niya gamit ang smartphone ko. Hindi pa man umaabot ng limang pag-ring ay sinagot niya na ang tawag. "Ano na naman 'yon?" tanong ko sa kaniya ng sagutin niya ang tawag. "Hello too," sabi niya. "I told you, may ipapasok ako sa company niyo," "Ehe! No way!" mabilis kong pagtanggi sa kaniya. "'Di mo ako ma-u-uto kasi in short iyan ay spy!" inis na sabi ko. Narinig ko naman ang mga tawa niya sa kabilang linya. "Hindi talaga kita mau-uto dahil hindi naman ako nang-u-uto. Hindi rin spy iyon! Why would I do that? My friend wants to work for Montinelli, so he will have a simpler time getting hired. I'm speaking to you," sagot niya naman sa akin. Napairap ako. "Dumaan muna siya sa process, hindi iyong basta pasok. May job interview kami bukas, papuntahin mo siya," sabi ko. "And really? Ayaw ba niya riyan sa company mo? HAHA! Isa lang ang ibig sabihin niyan, mas maganda talaga sa amin," pang-a-asar ko sa kaniya. "Whatever," sabi n'ya na lang. "I'll hang this up," dugtong niya at agad na pinatay ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at saka bumalik na sa trabaho ko. Naka-receive na rin ako ulit ng email galing kay Keith. Resume na 'yon ng gusto niya raw ipasok. Napairap na naman ako. Medyo nakakapagtaka pero ipinagkibit-balikat ko na lang. Mabait naman talaga si Keith eh. Kuya and Keith used to be friends. Magkakaibigan na talaga sila since highschool. Magkaka-team sila sa basketball dati kung hindi naman ako nagkakamali. Tinapos ko na lang ang trabaho ko pagkatapos ay inayos ko na ang gamit ko. Pagtayo ko sa swivel chair ko ay napadaing pa ako nang naramdaman ako ng kirot sa balakang ko na naman. 'Di ko maiwasang mainis. Siya na siguro ang nakakainis na lalaking nakilala ko! Hindi man lamang marunong humingi ng tawad. Siya na nga itong naka-perwisyo. Feeling ko talaga sinadya niya 'yon eh! Kapag nagkita ulit kami! I swear! Ingu-ngudngod ko ang pagmumukha niya sa sahig! Madilim na sa labas paglabas ko ng building, as usual. Minsan nga, madaling araw na ako umuuwi, matapos ko lang ang mga natambak na trabaho sa akin. Dahil nga may mga araw talaga na nagi-stay ako sa Paris para alagaan si Kuya at i-check iyong mina-manage niya dapat doon. Nagpunta na ako sa parking lot ng building kung saan doon nakaparada ang sasakyan ko. Binuksan ko na ang pinto nito pero bago pa man ako makapasok ng tuluyan ay nag-ring ang cellphone ko, dahilan upang matigilan ako at tingnan kung sino ang tumatawag. Si Acelyn... Sinagot ko na muna ito, "Hey, what's up?" bungad ko sa kaniya. Pumasok na ako sa kotse nag-seatbelt na rin ako pero mamaya ko pa i-start ang engine pagkatapos kong makausap si Acelyn. Hindi naman siya tatawag sa akin kung wala siyang sasabihin. Malamang. "What if, i-invite natin for dinner si Carmie? Isn't it great?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ako. "With Kuya Boss?" tanong ko pa. "Nope, just the three of us," sabi niya sa akin. "Para naman meron tayong catch up," Napatango-tango naman ako, "Sige, bukas. Magpapa-reserve na ako ng restaurant," sabi ko sa kaniya. Kahapon ay ipinakilala si Acelyn kay Carmie. Napapa-facepalm na lang talaga ako tuwing maalala ko na parang hindi naman umepek iyong ginawang paglalandian nila sa harap ni Carmie. Parang wala lang. Kaya unti-unti na rin akong nagda-doubt. Baka hindi gumana ang plano. Or baka sad'yang wala naman talagang nararamdaman si Carmie kay Kuya. "Ask her muna if available siya," sabi niya pa sa akin. Napatango na lang din ako sa if naman nakikita niya ako. "I-i-inform lang natin siya then puntahan natin siya sa bahay nila and then isama na natin. Kapag naman nandoon na tayo ay hindi naman na siya makakatanggi," sabi ko pa sa kaniya. Nag-usap pa kami tungkol doon tapos pinatay ko na lang din ang tawag. Nag-drive na lang ako pa-uwi sa bahay pagkatapos ay dumaan muna ako sa cake shop para bumili ng mga cakes and cupcakes. Nagke-crave na naman ako sa sweets. Bata pa lang ako ay paborito ko na ang cakes and cupcakes. Hindi ako sanay na hindi kumakain ng cakes every day. Pero, of course, nami-maintain ko pa rin naman ang blood sugar ko because every morning ay sagana naman ako sa exercise. Palagi akong nag-e-exercise. Kailangan 'yon para hindi kaagad mailibing. Pagka-uwi ko sa bahay, wala man lang akong naabutan. Wala ang parents namin. Wala rin si Kuya Boss. Ngayong araw ay hindi naman siya pumasok sa opisina. Sinabi niya lang sa akin na kakamustahin niya raw sila Misael. Medyo naiinis din kasi siya dahil nga nalaman niya na sa teritoryo ni Kate nagta-trabaho si Carmie. Si Kate ay kapatid ni Keith. Kate and Keith ay lalaki. Aakalain talagang babae kung unang titingnan ang pangalan nila, lalo na si Kate. Ang alam ko lang kaya Kate ang pangalan niya kasi inaakala ng magulang nila na babae si Kate pero nang ipinanganak siya, obviously, it was a boy. Eh Kate ang talagang gustong ipangalan. Hindi na nila binago iyon, hindi na sila nag-isip ng iba pang pan-lalaking pangalan. 'Di na nila pinahirapan ang sarili nila. But, actually, dinagdagan naman nila eh. Kung hindi ako nagkakamali, Kate Blake Armalana ang buo nitong pangalan. Sa second name niya, mare-recognize talaga siya as a boy. And also, Kate has a huge crush on Carmie when they're in highschool? Or college? Hindi ko na masyadong matandaan, basta kinuwento sa akin ni Fabella na may gusto raw si Kate kay Carmie noon, gusto niya itong ma-meet. Pero maraming humarang at hindi sumang-ayon sa gusto niyang mangyari. Natawa na lang ako. Dati natatawa talaga ako sa kuwento sa akin ni Fabella. Ginawa raw ni Achill at nila Misael ang lahat para hindi magsalubong ang landas ni Carmie at ni Kate. Unang-una, para asarin si Kate, pangalawa ay pabor iyon kay Sael dahil ayaw nito sa kaniya para sa pinsan niya. Lalo-lalo naman si Kuya Achill, kasi sa mga oras na 'yon ay mahal na talaga ng Kuya ko si Carmie. Imposible rin naman na hindi mahal ni Carmie ang Kuya ko. Maraming nagsasabi na mukha silang mag-jowa, pero ang totoo, hindi naman. Close na close talaga sila. They are best friends. Habang kumakain ako ng cupcakes ay bigla namang dumating si Kuya. Nagkaroon kami ng kuwentuhan pagkatapos ay nagsi-tulog na kami. Nang maka-higa ako sa kama ko ay napatulala lang ako sa kisame. Ni-re-recall ko ang mga nangyari ngayong araw. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis nang maalala ko nangyari kaninang umaga. Pinapunta kasi ako ni Mom sa bahay ng kaibigan niya. May regalo siyang pinaabot. Iuutos niya sana iyon sa iba kaso nag-presinta ako na ako na lamang ang magdadala niyon sa kaibigan niya. Tutal dadaan din naman ako roon. Tumawid ako sa kalsada dahil parang nakita ko siya... Parang may nakita akong tao na kilalang-kilala ko. Parang, parang nakita ko sa kabilang kalsada iyong taong matagal ko nang hinahanap. I sighed. Ayaw ko na lang isipin 'yong lalaking 'yon, medyo may kirot pa rin naman ang balakang ko pero magiging maayos din naman ito. Ang gusto ko na lang isipin ay ang taong nakita ko. Sana hindi lang ako namamalikmata. Sana siya talaga iyong nakita ko. Sana nandito na ulit sila sa Pinas. Sana makasama ko na siya, sampung taon na akong naghihintay... Sa loob ng sampung taon, araw-araw akong nagsisi sa ginawa ko. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pagiging iresponsable ko. Dahil sa mga desisyon na dapat hindi ko nagawang maisip, na dapat hindi ko ginawa. Ito iyong balik sa akin eh. Parang araw-araw, pinag-dudusahan ko 'yong kaduwagan ko. Anong parang? Araw-araw talaga. Everytime na mapapa-tulala ako, maalala ko siya. Matitigilan ako at maiiyak, hindi nila alam kung gaano kasakit sa akin na hindi ko siya nakikita. Akala ko kasi okay lang 'yong ginawa ko. Akala ko kasi may babalikan pa ako, pero akala ko lang pala 'yon. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Gusto kong magreklamo pero wala naman akong karapatan eh. Ginusto ko 'yon. Ginusto kong mangyari iyon. Ginusto kong ilayo siya sa akin. Sampung taon... Kamusta na kaya siya? Hindi ko napansin na tumutulo na naman ang mga luha ko galing sa mga mata mata ko. Agad ko naman itong pinunasan gamit ang kumot ko. Pinilit ko na lang na makatulog, mahaba na naman ang araw ko bukas. Umaga pa lang, kailangan kong mag-ehersisyo, pangalawa, pupuntahan pa namin si Carmie sa bahay nila. Teka nga lang. Napamulat na lang ulit ako ng mga mata ko. Napabangon ako sa kama ko, naalala ko na meron pa pala akong dapat gawin. Hindi pa pala ako nakaka-pagpa-reserve ng restaurant namin para bukas. Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. Magpapa-reserve na ako, saan kaya? Saang restaurant kaya? Ah, sa KS restaurant kaya? Kilala ko kung sino ang owner ng restaurant na ito. Si Koleen at saka Soleen ang may-ari nito. Ang KS restaurant ay stands for Koleen and Soleen. Pero ang mga customer nila ay madalas na tinatawag na Kahit Saan ang restaurant nila. Kaya sila Koleen ay pinaglagyan ng Kahit Saan sa baba ng logo nila. Medyo expensive rin ang Kahit Saan restaurant. Pati ako ay Kahit Saan din ang tawag ko, kasi iyon na rin naman na ang pangalan nito. Good na rin sa akin iyon. Kasi kapag may kasama ako tapos tatanungin ko sila kung saan nila gustong kumain ang palagi nilang sinasagot sa akin ay ''Kahit saan," so siyempre, tatango na lang ako at dadalhin ko sila sa restaurant na ito. Haha. So nagdesisyon na ako, nagpa-reserve na ako ng table doon na good for three persons. Tin-ext ko na rin si Carmie na may lakad kami bukas. Wala pa namang 11 pm kaya for sure, gising pa si Carmie. Akala ko mag-rereply siya pero hindi man lang nag-reply ang gaga. Sana lang talaga nabasa niya. Pero feeling ko naman nabasa niya eh. Nandiyan lang naman sa tapat ang bahay nila. Puwede ko siyang puntahan bukas na bukas. Maaga rin akong nagigising para mag-jogging ng at least, 20 minutes. Maabutan ko pa naman siya na nandiyan sa bahay nila if ever na hindi niya nabasa ang messages ko. Tsaka hindi naman siya agad-agad mawawalan ng trabaho kapag nag-absent siya. I am sure of that. Nagpasya na akong humiga ulit at matulog na. Eto lang talaga ang oras ko para makapagpahinga ng maayos. I am so tired.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD