Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Dahan-dahan ko pa 'tong inabot sa bedside table ko. Nang maabot ko ito ay dahan-dahan ko na rin iminulat ang mga mata ko upang tingnan kung sino man ang tumatawag.
Sinagot ko ito nang makita kong naka-flash ang pangalan ni Acelyn doon. "Nasaan ka na?" tanong niya sa akin. Napakunot naman ang mga noo ko.
Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. "Nasa bahay, malamang."
"Gaga ka!" panimula niya. "'Di ba nga aayain natin si Carmie?!" sabi niya.
Bigla ko namang naalala kaya awtomatikong napabangon ko at nanlaki ang mga mata ko.
"The hell?! Anong oras na?!" tanong ko pa. Napatingin na lang ako sa oras sa cellphone ko.
Napabuntong hininga naman ako nang makita ko na 7 am pa lang. "Maaga pa naman pala," dugtong ko pa.
Ang alam ko ay 7:30 pa siya umaalis kaya maabutan ko pa siya. Umalis na ako sa kama ko at nagmadaling lumabas ng kuwarto upang bumaba. Pupuntahan ko na ngayon si Carmie. Nandiyan lang naman sa tapat namin ang bahay niya.
"Anong maaga pa?! Pumasok na siya! Nag-video call kami kanina ni Kate and then natapos ang tawag namin nang marinig ko na sinabi niya na, 'my secretary is here.'"
Napanganga na lang ako at natigilan sa paglalakad. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan pababa.
"Maagang pumapasok si Kate?"
"I don't know, this time lang yata. Pero tang*na naman! Akala ko pa naman! Huhu!" sabi niya sa akin. Napa-facepalm na lang talaga ako.
"Edi puntahan natin siya sa work niya. Puwede naman natin siyang hiramin kay Kate, eh," sabi ko sa kaniya.
Hindi naman aangal iyon si Kate. At saka nagtataka ako? Ibig bang sabihin noon ay hindi na-receive ni Carmie iyong message ko? Mabuti pang i-check ko na lang baka nag-reply naman siya na hindi siya puwede.
Chi-neck ko iyon at halos mapangiwi ako nang hindi pala nag-send iyong pinadala kong mensahe sa kaniya.
Okay, aaminin ko na. My fault.
"'Wag na siguro. Cancel mo na lang iyong pina-reserve mo. Parang hindi na rin kasi ako available ngayon, eh," sabi niya pa sa akin.
"Bakit?" I asked. "May gagawin ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Si Liam kasi, biglang humingi ng favor sa akin na samahan ko siya. Eh, alam mo naman, minsan lang 'yon humingi ng pabor. Hindi naman na ako tatanggi," sabi niya. Tumango-tango na lang din ako.
Si Liam ay ang boyfriend niya. Kung hindi rin ako nagkakamali ay blood related sila ni James which is isa rin sa malalapit na kaibigan ng kapatid ko.
"Yeah. Yeah, oo na," sabi ko. "Cancel ko na itong pina-reserve ko."
Pagkatapos kong sabihin iyon pinatay ko na ang tawag. I-ka-cancel ko na sana iyong reservation pero parang may pumipigil sa akin. Kaya hindi ko na-cancel kaagad.
Napapakunot pa ang noo ko na naglakad papunta sa kusina. Dumiretso talaga ako sa kusina para kumuha ng cake.
Naglagay ako sa cup at saka nagsimulang kumain. Itinabi ko na muna ang cellphone ko. Pilit kong inaalala kung ano ba kasi iyong pumipigil sa akin.
Parang may gusto akong i-invite.
Or pumasok na lang ngayong umaga sa office dahil tambak pa rin naman ang trabaho ko? Hindi ako makapagdesisyon. Ano ba dapat?
Sino naman kasi ang i-i-invite ko?
Napailing-iling na lang ako at isinubo ko na lang 'yon nang cake. Napatingin naman ako sa doorway ng kusina nang bigla itong bumukas at iniluwa niyon ang nag-iisa kong kapatid.
Yes. Nag-iisa lang naman ang kapatid ko. Si Kuya Boss lang. Ang buo niyang pangalan ay Achilliance Yohann.
Bata pa lang ako ay madalas niya na akong asarin. Tapos palagi niyang sinasabi sa akin na siya ang Boss sa aming dalawa. Kaya kahit naman gusto ko siyang suntukin, saktan dahil sa mga pang-aasar niya sa akin noon at ngayon ay nirerespeto ko pa rin siya bilang Kuya ko.
Hanggang sa nakasanayan ko na lang talaga na Kuya Boss ang tawag ko sa kaniya. 'Cause he's the boss. Tsk!
Medyo nabawasan lang ‘yong pang-aasar niya sa akin no’ng lumipat kami ng bahay— sa tapat ng bahay nila Carmielia Margarette Joy.
Haba ng pangalan! Tinanong ko si Tita Sandra kung bakit nag hahaba ng pangalan ng magkakapatid pero sabi niya lang sa akin ay si Cassie lang daw talaga ang dapat na mahaba. Cassie, on the other hand, has a shorter name than her sisters.
Tinaasan agad ako ng kaliwang kilay ng kapatid ko nang makita niya kung ano ang kinakain ko.
"Ang aga, Fe, ha," saway niya sa akin. Napa-irap na lang ako.
"Na-i-stress ako, okay?!" sabi ko sa kaniya.
Suminghal lang siya sa akin. Mukhang kakagising niya lang din. Expected na talaga na nandito siya dahil nga umuwi siya kagabi. Kadalasan kasi kahit noon pa, bago siya ma-aksidente ay doon siya namamalagi sa condo niya.
Ako rin naman, sa condo ko ako namamalagi noong nagpabalik-balik ako sa Paris. Minsan lang ata ako kung umuwi rito noon. Oo, tapos isa sa minsan na iyon ay naabutan pa ako ni Carmie, tinatanong niya sa akin kung anong ginagawa ni Kuya Boss sa Paris. Bakit daw hindi nito sinasagot ang tawag niya.
I mentally smirked.
Pero totoo iyong sinabi ko kay Kuya na na-i-stress ako. May bago pa ba?
"Mag-asawa ka na kasi," agad akong napairap sa sinabi niya.
Here we go again, kagabi, binanggit niya rin ang tungkol sa pag-a-asawa. Paano ba naman kasi?! Kinuwento ko sa kaniya kagabi iyong nangyari sa akin kahapon.
Gosh. Oo, iyong tungkol sa bumangga sa akin. Buti na lang sakit lang sa balakang inabot ko. Kamusta naman iyong balakang ko? Okay naman na ngayon. Hindi na ganoon kasakit.
Sa balakang ko kasi tumama iyong harapan ng kotse niya. Buti na lang mabilis siyang naka-preno. Pero may impact pa rin dahil napa-upo ako sa kalsada eh.
Ang kapal ng mukha. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Indeed.
"Wala akong balak," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay sinamaan niya ako ng tingin.
Bakit ba kasi lahat sila sinasabihan ako na dapat na akong mag-asawa? Eh sa ayaw ko nga?!
"That's for your own good though," sabi niya at nagkibit-balikat sa akin.
Napairap na naman ako, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Siya naman ay dumiretso sa ref at saka kumuha ng tubig, uminom siya tapos nagsalita ulit.
"Fe, kung makikinig ka na lang sa sinasabi namin. Ano bang problema mo sa mga lalaki?" tanong niya sa akin.
"Marami," sagot ko na lang sa kaniya kahit na ang totoo ay nadala na talaga ako sa mga lalaki.
Ano nga bang problema ko sa mga lalaki? Everytime na itatanong nila iyan sa akin ay sinasabi ko na lang ang salitang 'Marami'.
Marami naman talaga akong naging problema, sa dalawang lalaki. Iyong una ay okay na sana. Tinanggap ko pero iyong last. Grabe, impact sa akin to the fact na hanggang ngayon ay fresh pa rin sa utak ko ang lahat.
Kahit halos labing-isang taon na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon. Sa loob ng labing-isang taon na 'yon ay wala na akong naging karelasyon pa.
May mga dahilan din talaga kung bakit hindi ko makalimot-limutan ang huling lalaking minahal ko. May dahilan din talaga kung bakit fresh na fresh pa rin sa utak ko 'yong nangyari. May trust issues na rin ako.
Ayaw ko nang magmahal muli. Iba na lang ang pagtutuunan ko ng pansin.
Wala rin talaga akong balak mag-asawa. Gusto ko ngang pumasok sa seminaryo noon, eh. Pero siyempre, pinigilan ako nila Dad.
Suminghal lang sa akin si Kuya Boss pagkatapos ay hindi na nagsalita tungkol doon. Binago ko naman ang topic. "Kuya, papasok ka ba sa opisina now?" tanong ko sa kaniya.
Napatango naman siya sa akin. Inilapag niya ang baso na pinag-inuman niya sa mesa habang ako naman ay sa pagkain ko pa rin nakatingin. Paubos na.
"Oo," sagot niya. "Sabay na tayo."
Sa sinabi niyang 'yon ay bigla akong may naalala. Sino na nga pala ang i-i-nvite ko sa KS also known as Kahit Saan restaurant? Eh, sa ayaw ng mga daliri ko na i-pa-cancel.
Hindi naman puwede si Acelyn dahil kakasabi niya nga lang na may lakad siya ngayon. Sino pa ba mga kaibigan ko na available now?
Kaunti lang naman eh. Si Carmie, Ace at Fabella lang talaga ang mga trusted friends ko since college.
Kaya sino ang i-i-invite ko?
Hay naku, sumasakit lang ulo ko kakaisip. Bakit hindi ko na lang i-cancel?
Eh, may nagsasabi nga sa akin na 'wag kong gawin!
Bakit ba kasi nag-iisip pa ako ng i-iinvite kung puwede naman na ako na lang mag-isa.
"Sige, Kuya Boss," sabi ko sa kaniya. "Sabay na tayong umalis." Bigla niya naman akong tinaasan ng kaniyang kaliwang kilay.
Nagsalita na lang ako ulit, "After lunch na lang siguro ako papasok," I said to him.
"Why? May importante ka bang gagawin?" tanong niya sa akin. I shrugged.
"Wala naman, nagpa-reserve kasi ako sa isang restaurant. Kami sanang tatlo nila Carmie ang magkikita-kita roon, kaso hindi natuloy kaya ika-cancel ko sana kaso ayaw kong i-cancel eh."
He made a 'tsk' sound, "Do you want me to invite someone?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't you dare," I warned him. "Come on, wala akong balak mag-asawa."
Ngumisi siya sa akin. Kitang-kita na naman ang malalalim niyang dimple sa magkabilang pisngi niya.
Siya talaga 'yong halatang-halata iyong dimple. Magkapatid naman kami pero bakit wala akong ganiyan na dimple? Kahit sa kabila lang sana pero wala talaga eh.
"For now," sabi niya. "Sa ngayon lang 'yan."
At tinagalog niya pa talaga!
"HA-HA! Wala talaga," tumawa ako saglit pagkatapos ay inirapan ko siya.
"Soon, you'll met him," sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Sinong him pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya. "Don't tell me, naghahanap kayo ng lalaking mapapangasawa ko?" bigla akong nakaramdam ng kaba.
Baka i-arrange marriage nila ako. Huhu! Nakakatakot! Dagdag stress na naman.
"You know that we aren't like that," sabi niya pa. "Nagsa-suggest lang naman kami ng mas makabubuti sa iyo," sabi niya pa sa akin.
"Kuya, to be honest," panimula ko. "Hindi naman makabubuti sa akin ang pag-a-asawa, eh. Kung nagwo-worry kayo sa akin nila Daddy na baka tumanda akong dalaga, walang mag-aalaga sa akin then stop worrying.
"I can handle myself. Hindi ko kailangan ng asawa, kaya kong mabuhay ng walang asawa, and kung dumating man ang araw na hindi ko na kayang alagaan ang sarili ko. Eh mayroon naman akoㅡ " natigilan ako bigla.
"Mayroong ano?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
"M-Mayroong, mayroong mga magiging pamangkin!" sabi ko pa sa kaniya. "I will love my pamangkins with my whole heart," sabi ko na lang sa kaniya.
Umiling-iling na lang siya. "Hatid mo 'ko, ha," sabi ko pa sa kaniya. Tumango na lang din siya sa akin.
Nagpahatid lang ako sa kapatid ko sa nasabing restaurant. Ako na nga lang mag-isa. Medyo malungkot dahil wala akong kasama.
Haha, Fe naman?! Hindi ka pa ba nasanay na kumain mag-isa?
Nag-order na lang ako ng pagkain sa Kahit Saan, nagulat pa ako nang makita ko roon si Tharina.
She's also my cousin. Kapatid siya ni Tabi at Rhys.
Medyo nagulat din siya nang makita niya ako roon. Lumapit siya sa akin at dinaluhan ako sa table ko.
Kararating niya lang naman, nag-order na rin siya pagka-upo na pagka-upo niya pagkatapos ay bumaling siya sa akin, "What are you doing here?" tanong niya sa akin.
"Ano pa ba? Edi eating!" sinabi ko sa kaniya kung ano ang obvious.
Napairap lang siya sa akin. "I know, but you should be at the office right now, right?" mataray pa na saad niya sa akin.
Ngayon pa lang, I could say na ang plastic ng boses niya.
Kinunotan ko siya ng noo "Wala na ba akong karapatan kumain sa labas? Minsan lang naman 'to, eh," sabi ko pa.
Bakit parang tutol din siya? Sa pagkakaalam ko ay okay naman kaming dalawa. Si Tabi lang talaga ang madalas kong nakasagutan.
"It's not like that," sabi niya sa akin. "Kaya siguro mainit ulo sa iyo ni Tabi dahil ganiyan," dugtong niya na ikinainit na rin ng ulo ko pero pinanatili kong maging kalmado.
"Anong ganiyan? Kayo kaya gumawa ng mga trabaho ko? Baka sa akin nakapasan ang buong kompanya nang umalis si Kuya papunta sa Paris? Nasaan kayong mga pinsan ko na dapat katulong ko? Nasaan ka, Tharina?" mahinahon ngunit sarkastikong sabi ko sa kaniya.
Halata naman na natigilan siya sa sinabi ko. Totoo naman. Halos si Tabi lang at Rhys ang kasama ko sa Montinelli. Si Rance at Tharina na dapat katulong ko rin ay wala.
Oo, katulong ko rin si Tabi pero one-fourth lang ng trabaho ko ang nagawa niya. Si Rhys naman ay sa Paris ko nakatulong.
While Tharina and Rance? Where are they?
Pinaningkitan niya ako ng mga mata, medyo na-offend ata sila sa sinabi ko. Tama lang naman 'yon eh. Sad'yang natamaan lang talaga siya.
Nasaan nga ba siya? Nagreklamo ba ako dahil wala silang naging masyadong ambag? Hindi naman 'di ba? Tapos babanatan nila ako ng mga ganiyan-ganiyan.
Wala na ba akong karapatan kumain sa labas. Samantalang, siya nga ay nandito.
Kaya talaga napunta kay Kuya Achill ang pagiging CEO niya dahil siya lang iyong responsable at kayang patakbuhin ang kompanya.
No'ng hindi pa siya na-a-ksidente ay hindi naman ako ganoon na-i-stress sa trabaho ko dahil nandiyan naman si Kuya Boss. He's a great leader. He's a great businessman.
"How dare you..."
Pahinang-pahina ang boses niya habang sinasbai niya 'yon. Agad ko naman siyang inirapan.
"Tharina, please lang, 'wag ka nang dumagdag sa stress ko," sabi ko sa kaniya. Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya.
At base rito ay halatang galit siya.
Tsk!
"Hindi ako dumadagdag sa stress mo. Sino ba ang nagpabalik-balik sa Paris?" tanong niya sa akin. Napangiwi ako.
Hindi ako na-inform na may mga bobo pala sa lahi ko.
"Alam mo, wala kang alam kaya mas better na tumahimik ka na lang," sabi niya sa akin. Ayaw ko sanang magsimula ng gulo pero siya nagsimula eh.
"How dare you, empleyado ka lang sa kompanya ko," banat niya sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya na halos mabulunan na ako kasi sumusubo rin naman ako paunti-unti ng pagkain lo.
"Excuse me," panimula ko. "Baka hindi ka informed na KAMI ang may-ari ng kompanya. Magbasa ka, alamin mo. Pangalan ng Daddy ko at ni Kuya ang nakasulat. Sila ang legit na may-ari ng kompanya."
Lalo lang tumalim ang tingin niya sa akin. Sa inis siguro ay napatayo siya at hinablot niya ang mamahalin niyang purse na nasa mesa. "Aalis ka na agad? Anyway, inform din kita na iyang pinambili mo ng purse mo ay galing sa kompanya na pinaghirapan namin."
"May araw ka rin sa akin!" galit na galit na sabi niya. Edi magalit siya, ayaw ko naman na magpa-api sa kanila 'no!
"Okay," sabi ko na lang "Makakaalis ka na."
She gritted her teeth. Tatalikuran niya na sana ako pero biglang dumating iyong waitress at dala iyong in-order niya.
"Ma'am, here's your ㅡ" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang biglang tabigin ni Tharina ang dala-dalang tray ng waitress at natapon ang pagkain sa damit ng waitress at iyong iba ay nalaglag sa sahig. May nabasag pa ngang baso.
Hindi na ako magugulat. Mas mainitin talaga ulo ni Tharina. Literal na pikon din pero in and out, napakasalbahe't makasarili niya. Si Rhys lang talaga ang matino sa magkakapatid. Ang problema naman kasi kay Tharina ay napakayabang.
"I changed my mind!" inis na sabi ni Tharina.
"You need to pay for it, Ma'am," mahinahon na sabi ng waitress. May mga spaghetti na rin sa damit ng waitress.
Siyempre, nasa amin na ang atensyon sa ginawang iyon ng pinsan ko.
Napabaling naman sa akin si Tharina na kasing pula na ng mansanas sa sobrang inis niya sa akin. Tinuro niya ako. Naka-upo pa rin ako at patuloy na kumakain. Hindi naman ako natinag sa ginawa niya.
"She's the one who has to pay for it since she's wealthier!" inis na sabi ni Tharina. Binangga niya pa ang waitress bago nagmartsa palabas ng restaurant.
Pikon na pikon.
Napatingin naman ako sa waitress na naperwisyo niya. "Pagpasensyahan mo na siya, ha. May sakit kasi iyon," sabi ko. "Ako na magbabayad."
Ngumiti naman siya sa akin."Thank you po, Ma'am," sabi niya. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
May saltik din talaga si Tharina. Tss, basta, 'wag ako! 'Wag niyang papa-initin ulo ko lalo na sa mga oras na 'to dahil marami akong problema.
Sa sobrang dami, parang gusto ko na lang magpahinga... habang buhay.
Nang matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa opisina. Wala akong dalang kotse kaya nagtaxi na lang ako.
Pagdating ko roon ay maraming tao. Ano pa bang aasahan ko? Ngayon 'yong job interview nilang lahat.
May araw lang talaga kami rito. So anyway, tinawagan ko si Keith, "Nasaan 'yong ipapasok mo?" tanong ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag.
"Not right now. My friend seems to have important things to do. I sent you an email yesterday night. Didn't you see it? " sabi niya pa. Napangiwi naman ako.
"Hindi pa ako nagche-check," sabi ko na lang. "Sige, bye na," dugtong ko pa tsaka ko pinatay ang tawag.
May importante naman pa lang lakad. Nagtataka ako, bakit kaya gusto niya rito magtrabaho at hindi na lang kay Keith?
Kung hindi ako nagkakamali ay sinabi ni Keith na kaibigan niya rin daw ito. Kung kaibigan niya ito, may possibilities na kilala ko rin kung sino 'yong sinasabi niya kasi maliit lang naman ang mundo namin.
College pa lang ㅡ highschool pa nga lang ako eh alam ko na mga kaibigan ni Keith. Alam ko na rin ang mga palagiang nakakasama nito. Hindi ko man kilala sa pangalan, at least, mapa-pamilyar ako.
Alam ko may group sila which is maraming charity works. Kung hindi ako nagkakamali, lima sila? Kasi kasama pa roon si Richsza at Arsye.
Kilala ko si Richsza dahil naging malapit siyang kaibigan ni Fabella. Si Arsye naman ay nakilala ko nang iligtas siya ni Carmie sa kamatayan.
Hay naku, 'wag ko na lang isipin.
Nasa office na ako at nagsisimula na ako ng trabaho ko.
Maya-maya pa ay nakita o si Kuya Sael na dumaan sa office ko. Glass wall naman ito kaya nakita ko talaga siya, at mukhang galit siya.
Galing siguro siya sa opisina ng kapatid ko. Bakit kaya galit? Nagkibit-balikat na lang ako pagkatapos ay nagpatuloy na ulit sa trabaho ko.
Lumipas ang mga oras, hanggang sa dumilim na naman. Doon pa lang ako tumigil sa trabaho ko.
7 pm dumaan si Kuya ko sa office ko. Nag-aayos na rin ako ng mga gamit ko dahil tapos na nga ako.
"Let's go?" napatingin ako sa may doorway. Nakita ko roon ang kapatid ko na walang emosyong mababakas sa mukha niya.
"What’s with that look?" tanong ko pa at tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. Lumapit naman siya sa akin at pabagsak na na-upo sa may couch na nasa office ko.
"Am I hurting her?" tanong niya sa akin at saka napabuntong hininga.
"Maybe, if she's really in love with you," sabi ko na lang sa kaniya.
Napabuga siya ng malakas na hangin. "Sael came to my office this morning," sabi niya pa. "Sinabi niya sa akin na itatapon niya ang pagkakaibigan namin once na umiyak si Carmie. Bakit siya iiyak? Am I hurting her?"
Napabuntong hininga na lang din ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya, nang makarating ako sa harapan niya ay sinenyasan ko siya na tumayo. When he did, binigyan ko siya ng yakap.
"Gusto mo bang um-atras na lang?" I asked. But I suggest na subukan pa rin. Baka mag-work. Huhu, mapapahiya ako nito.
Pero ano naman?
Anong 'ano naman'? Ang point dito ay may possibility nga na nasasaktan na namin si Carmie.
Nase-sense ko rin na stupid iyong plano namin pero wala namang masama kung susubukan 'di ba? Tutal, ayaw ni Kuya magkusa na umamin, pati rin si Carmie.
Jusko. Ang tataas ng pride.
Umiling-iling siya. Kumalas naman na ako sa pagkakayakap sa kapatid ko, "No need," sabi niya na lang. "Nagkita nga pala kami ni Acelyn kaninang two pm," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.
Akala ko busy siya today?!
"Bakit?" tanong ko pa.
"May binigay siya sa akin in person, kasama niya rin si Liam, napag-usapan din namin ang tungkol sa plan. He's not against with it," sabi niya. Napatango na lang ako.
Medyo nagtatampo kasi hindi ako in-aya pero okay lang.
"Hindi talaga seloso si Liam, unlike you," pang-aasar ko pa. Umismid lang naman siya.
"Tsk, I am not," naku, kasinungalingan. Natawa na lang tuloy ako. "Hindi ako uuwi ngayon sa bahay," dugtong niya.
Napakunot naman ako ng noo.
"Sa condo ka?" I asked.
He shooked his head, "No."
"Saan?"
"Pupuntahan ko si Adam, may lakad kami," sabi niya sa akin. "Tinawagan din ako ni Mom kanina, nandoon na sila sa bahay. May kasama ka na,"
Tumango naman ako. "Ingat na lang," sabi ko sa kaniya.
"Yeah, hatid na muna kita pa-uwi."
"Hindi mo na kailangang ihatid ako," sabi ko at saka umiling.
"I insist," umiling lang ulit ako.
"'Wag na. Malaki na ako, magpapahatid na lang ako sa business van," dugtong lo pa.
Hindi naman na niya ako pinigilan. Sabay kaming lumabas ng building namin pero nauna siyang umalis sakay ng kotse niya. Ako naman ay sumakay na sa van. Nandito pa naman 'yong driver nito, tsaka may mga tao pa rin naman talaga sa building. Iyong iba dito na mag-o-overnight.
Ang dami naming ginagawa. Unang-una ay unti-unti nang nagsi-si-alisan investors namin. Hindi ko talaga ma-figure out kung bakit.
"Manong, pa-uwi po sa bahay," sabi ko sa kaniya. Balak ko sana na sa condo ko na lang ako pero nandoon na raw sila Mama so sa bahay na lang ako uuwi.
Sumang-ayon lang sa akin si Manong driver at nagsimula na ang biyahe. Sa bintana lang ako nakatingin at nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hanggang sa may makita ako. Nakatayo siya sa tapat ng convenience store. Nanlalaki ang dalawang mga mata ko. "Manong! Manong! Teka lang! Stop the car!" sigaw ko habang nakatingin pa rin sa dinaanan naming convenience store. Nandoon pa rin siya, nakatayo siya roon.
Pagkasabi ko niyon kay Manong ay mabilis naman siyang napa-preno. Napalabas ako sa van at tumakbo papunta sa convenience store. Nandoon pa rin siya, nakatayo habang may hawak na cellphone.
Bago pa man ako makapunta sa convenience store ay nanlalaki ang mga mata ko nang may humatak sa akin pagdaan ko sa maliit na eskinita.
WTF?!