FOUR: SOMEONE SAVES HER

2507 Words
WTF?! "GET OFF OF ME!" Paulit-ulit na sigaw ko. Nakapulupot sa beywang ko ang braso ng biglang humatak sa akin. Hindi ko pa nakikita kung sino ito pero malakas ang loob ko na lalaki siya. Halata naman sa mga braso niya. Pilit lang akong kumakawala sa kaniya. Pero higit na mas malakas siya sa akin. Sumisigaw ako, asking for help pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Lord, kayo na pong bahala sa akin. Sabi ko sa isip ko. Mukhang mamamatay ako ng maaga, ah. Patuloy pa rin akong sumisigaw hanggang sa marahas niyang itinulak sa may pader. Hunampas ang likod ko roon kaya naman napadaing ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at saka niya tinakpanang aking bibig. Hindi ko naman maiwasang mapadaing dahil sa lakas ng pagkakatama ng likod ko sa pader. Nanlalaki pa ang mga mata ko, magkaharap na kami ngayon. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng black na mask. Parang gusto ko na lang maluha, lalo na noong may inilabas siyang kutsilyo, "'Wag ka maingay. Ibigay mo sa'kin lahat ng pera mo," mariin na sabi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko. It means, holdap ito, what the hell?! Wala naman akong suot na mga alahas ngayon, lalong-lalo nang wala naman akong dalang pera. Pinilit ko naman magsalita pero hindi ko nagawa dahil nakatakip ang palad niya sa bibig ko. Gusto ko siyang kagatin pero lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla niyang itutok ang kutsilyo sa leeg ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Kahit madilim talaga sa lugar na ito, iyong liwanag lang galing sa buwan ang nagbibigay ng liwanag sa amin ay nakikita ko kung gaano kakintab iyong kutsilyo na animo'y bagong hasa lang. Abot langit ang kaba ko. Eto na ba ang Last day on earth ko? Eto na ba ang katapusan ko. "Ibibigay mo sa akin ang mga pera mo o gigilitan ko ang leeg mo?" hindi na lang ako sumagot. Unang-una dahil nakatakip ang palad niya sa bibig ko. Pangalawa ay kahit wala na ang takip sa bibig ko at nagdesisyon na lang ako na hindi siya sagutin. Napapikit na lang ako nang mariin. Hindi nga ako namatay kahapon nang bigla akong mabangga ng sasakyan ng lalaking 'yon. Mukhang ngayon lang talaga ang katapusan ko. Siguro dapat kahapon pa ako mamamatay! Saklap naman no'n. Huhu! Nararamdaman ko na ang matalim at malamig na kutsilyo na hawak niya sa may leeg. Wala akong ibang ginawa kundi ang mapapikit na lang. Gusto ko sana lumaban kaso hindi ko na lang ginawa. Akala ko tutusok na sa akin iyong kutsilyo pero bigla kong naramdaman ang malakas na puwersa na humatak sa holdaper na 'to kaya nabitawan niya ako. Napa-upo naman ako sa sahig. Nanlalaki na ang mga mata at napahawak sa leeg ko. Napatingala pa ako sa holdaper at sa lalaking humila sa kaniya. Nag-aagawan na sila ng kutsilyo ngayon. Lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang maka-sense ako ng familiarity sa lalaki. Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang bigla silang lumapit sa akin. Nag-aagawan pa rin sila ng kutsilyo habang ako ay nakatulalang sa kanila. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. "Step back!" sigaw niya sa akin pero hindi ako gumalaw. Naging dahilan 'yon upang mahiwa ako ng kutsilyo na inaagaw nila. Sa kanang binti ko. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na nang makita ko na may mga dugo. Ang hapdi rin kaya hindi ko maiwasang manginig. Buong katawan ko nanginginig. Pagkatapos ay tuluyan na ngang inagaw ng lalaki sa holdaper ang kutsilyo pagkatapos ay nakita ko na sinipa niya ito sa sikmura at pinagsusuntok. Napahiga naman sa sahig ang holdaper at napa-ubo-ubo na lang. Ang mga mata ko ay nanlalaki pa rin habang nakatakip ang mga palad ko sa sugat ko na may hiwa. Hindi naman ganoon kahaba ang hiwa, mga 2 inches lang pero maraming dugong lumalabas. Tulala lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Grabe iyong kaba ko! Akala ko, mamamatay na ako. "Are you okay?" hingal na tanong sa akin noong lalaki nang daluhan niya ako. Hindi ako sumagot. Napatingin naman siya sa braso ko at hinawakan ito. "Kailangan kitang dalhin sa hospital." Hindi ko siya pinansin. Tulala lang ako at nanlalaki ang mga mata. Naramdaman ko rin na tumutulo ang luha ko. Napansin ko na napatitig sa akin ang lalaki. "Damn!" napamura siya. Next thing I knew, buhat-buhat niya na ako. Pinasok niya ako sa kotse. Hindi pa rin ako natinag. Nakatulala lang ako hanggang sa pinaandar niya ang sasakyan. "Come on?! You can't talk?!" tanong niya na naman pero hindi ko siya pinansin at hindi ko man lang ginawang sagutin. "What are you doing there? Bakit ka nandoon sa lugar na iyon, knowing na sobrang delikado?!" tanong niya. Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Halos nakita ko naman ang litid sa leeg niya na nagsisilabasan kakasigaw niya. Mukhang galit siya pero hindi ko naman pinansin iyon. Hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko. Napahagulhol ako. Tinakpan ko ang mukha ko na basang-basa ng sarili kong luha. Iyak lang ako ng iyak, ngayon pa lang naiisip ko na pati iyong mukha ko ay may dugo na rin dahil nahawakan ko kanina iyong hiwa ko at aware ako na may dugo ang kaliwang kamay ko. "Hey!" he shouted. "Bakit ka umiiyak?!" tanong niya pa sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. "I'm so close..." Paulit-ulit ko lang na binubulong iyon sa gitna ng mga hagulhol ko. Anong problema? Bakit pinaglalayo pa rin kami? Wala ba talaga akong karapatan na lapitan siya? Bakit ngayon pa ako na-holdap puwede namang bukas pagkatapos ko siyang mapuntahan sa convenience store? Bakit? Kahapon nakita ko rin siya sa kabilang kalsada pero hindi ko siya naabutan dahil nabundol ako ng sasakyan na sinasakyan ko na ngayon. Tapos, heto na naman? Bakit?! Nagagalit ako. Pero may karapatan ba akong magalit? Siguro ito ay kasama sa mga karma ko. Hindi ako naging mabuting tao... Iyak lang ako nang iyak. Hindi naman na siya nagsalita pa. Hindi niya na ako pinansin. Ang lalaking kasama ko ngayon sa kotse at ang nagligtas sa akin sa holdaper na iyon ay ang taong nakabangga rin sa akin kahapon. The makapal ang mukha. Nagagalit din talaga ako sa kaniya kasi siya ang nakahiwa sa braso ko na sobrang kirot pa. Muntik na akong mamatay kanina. I should thank him na ngayon ay buhay pa ako pero ayaw ko dahil naiinis ako sa kaniya. Bakit ganoon? Naiinis talaga ako sa kaniya, sa ginawa niya. Nang itinigil niya ang sasakyan ay dahan-dahan ko namang ibinaba ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Dahan-dahan din akong tumigil sa paghagulhol ko. Lumabas siya sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa binuksan niya ang pinto ng passenger's seat kung saan ako naka-upo. Nang tingnan ko ang paligid ay nakita ko na nasa tapat na pala kami ng hospital. Nakatingin ang lalaki sa akin kaya napatingin na rin ako sa kaniya. Umiiling-iling siya pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa akin. Iyong suot niyang gray shirt ay hinubad niya. Hindi naman ako gumalaw. Hinayaan ko siya hanggang sa pinunas niya 'yon sa mukha ko. "Para kang umiyak ng dugo," sabi niya sa akin. Hindi na rin naman ako sumagot. Pagkatapos niyang punasan ang mukha ko ay inilagay niya ang shirt niya sa hiwa ko sa binti na patuloy pa rin pa lang nagdudugo. Hinayaan ko na lang talaga siya hanggang sa binuhat niya ako ulit at pumasok na kami sa hospital. Cadie's Napapailing-iling ako habang nakatingin ako sa babaeng ito. Kasalukuyang ginagamot ang sugat niya. Kasalanan ko 'yon, hindi ko napigilan na tumama sa kaniya ang kutsilyo dahilan para masugatan siya. Sa ngayon ay nakatulala pa rin 'yong babae. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiyak kanina sa sasakyan ko. Anong meron? Tss. Normal lang siguro na maiyak siya dahil pakiramdam niya mamamatay na siya. Hindi ko na kailangang isipin 'to. Hindi maganda ang nangyari sa kaniya kaya siguro ganoon ang in-akto niya. Hindi na dapat ako magtaka. Umalis na 'yong nurse sa harap niya. Tapos nang linisan ang sugat niya at ngayon ay may benda na siya sa kanang braso niya. Kung siguro wala ako, malamang may nangyari nang masama sa kaniya. Napapreno kasi ako sa tapat ng eskinita na 'yon. Nag-aaway kami ni Geo. Sinisigawan niya ako kanina kaya sa inis ko ay tinigil ko ang sasakyan. Lumabas siya at iniwan ako. I decided na huwag siyang habulin. Saktong narinig ko ang mga sigaw na humihingi ng tulong. Wala sa sarili na lang ako na lumabas ng kotse ko upang tingnan 'yon. And then, doon ko na siya nakita. Nandoon na ako, eh, hindi ko pa ba siya tutulungan? Sobrang sama ko namang tao kung gano'n. Ang sama ko namang tao kung hahayaan ko na lang siya na mapahamak sa kamay ng holdaper na 'yon. Tulala pa rin siya na naka-upo sa hospital bed. Nandito kami sa emergency room. May suot na rin akong damit dahil may extra naman akong damit sa kotse ko kaya bumalik pa ako sa kotse para magdamit pagkatapos kong ihatid ang babaeng 'to. Hindi ko kasi napansin kanina na tumutulo pala 'yong dugo sa braso niya. Medyo may inis lang din talaga ako kanina dahil ano naman kasing ginagawa niya roon? Hindi niya ba talaga naisip na babae siya't literal na delikado at gabi pa?! Tapos umiyak pa siya. Nang makarating lang kami sa hospital ay doon ko lang napansin na ang punong-puno ng dugo ang mukha niya. Pati iyong braso niya. Isama mo na rin iyong inupuan niya sa kotse ko at pinto. Puro dugo rin. For sure, maglilinis ako bukas. But it doesn't matter. I crossed my arms and then slowly walked towards her. Nang nasa harap niya na ako ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakatulala pa rin siya. Nakatingin lang sa kawalan. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman naiwasang makaramdam ng awa sa kaniya. Pero, kanina, habang ginagamot siya at nakatingin ako sa kaniya. Doon ko lang na-realize kung bakit siya pamilyar. Siya 'yong nabangga ko kahapon. Siya 'yong sinabihan ako na makapal ang mukha ko. Siya 'yong babaeng sinigaw-sigawan ako. Tsk. Hindi nga natuloy na dalhin ko siya sa hospital kahapon. Natuloy naman ngayon, hindi naman kasi siya umangal, eh. "Hey," tawag ko sa atensyon niya. Kanina pa siya hindi nakakausap. Pakiramdam ko, hindi naman siya 'yong taong naka-usap ko kahapon. Hindi niya pa rin ako pinansin. Na-upo na lang ako sa tabi niya. Hindi pa rin naman siya natinag. Napatingin ako sa kanang braso niya na may benda. "Sorry," sabi ko. Totoong sincere ang sorry ko sa kaniya. I didn't mean to hurt her. "Sorry if I cut you," dugtong ko sa kaniya. Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi pa rin siya nagsasalita. "Oh. Anyway, ako nga pala 'yong nakasagasa sa iyo kahapon," dugtong ko sa sinabi ko. Damn! I don't know why I am telling this to her? Maybe, gusto ko lang siya na magsalita? Gusto ko lang na sagutin niya ang mga sinasabi ko sa kaniya? Para kasing hangin lang ang kausap ko. "And to be honest," sabi ko pa. "I'm really sorry about what happened yesterday. I didn't mean it." Hindi pa rin naman siya sumasagot sa akin. Tulala pa rin siya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako, walang pag-asa siguro na sumagot siya sa akin. Bahala siyang mapanis ang laway niya. "Hindi ka ba marunong magsalita?" mahinahon na sagot ko sa kaniya. Siniguro ko na maging kalmado ako. Ayaw kong sumigaw, ayaw kong mainis. Lalo na ngayon na parang may trauma siya. I don't know. Hindi ko rin naman naiintindihan kung bakit niya paulit-ulit na sinasabi ang; 'I'm so close', anong ibig sabihin niya roon? Wala akong ideya. Siya lang ang nakakaalam niyon, "Gusto ko nang umuwi." Finally! Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Buti naman nagsalita na siya. Tsk! "Ihahatid kita sa inyo," presinta ko. Alangan namang iwan ko na lang siya rito sa hospital. Kailangan ko pa rin siyang ihatid pa-uwi sa kanila. Medyo nagulat din ako nang tumango siya sa akin pagkatapos ay umalis sa hospital bed. Agad naman din akong napatayo upang alalayan siya. Hindi niya naman na ako pinigilan. Of course, I paid the hospital bills and it's okay with me. Nakaalalay lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Tahimik lang siya, pinagbuksan ko siya ng pinto at saka tinulungan na makapasok. Pagkatapos niyon ay isinara ko na ang pinto at sumakay na sa driver's seat. Agad kong pinaandar ang sasakyan. "Saan ka uuwi?" tanong ko sa kaniya. "Zaminican," mabilis na sagot niya sa akin. Mahina lang din ang boses niya. Natigilan pa ako dahil hindi ko ine-expect na may condo rin pala siya roon. "Which floor?" wala sa sariling tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumingin aa akin. Wala pa ring mababakas na ekspresyon sa mukha niya. "Why are you asking? Ipapasok mo ba 'tong kotse sa loob ng condominium?" Mas lalo lang akong natigilan sa sinabi niya. I think, mas maganda siguro kung tahimik na lang talaga siya. "Of course not," I blink a few times. "Sa Zaminican din ako nag-istay," sabi ko pa. "Okay," sabi niya. "Which floor?" this time sa akin bumalik 'yong sarili kong tanong. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi. Hindi naman na ako nakipagtalo pa. "25th," sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. "Sa 17th floor ang unit ko," sabi niya na lang sa akin. Tumango na lang din ako pagkatapos ay katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Pagkarating namin sa Zaminican ay agad kong pinarada sa parking lot ang sasakyan ko. Balak ko sanang umuwi sa bahay pero nakapagdesisyon na ako kanina habang nagmamaneho ako. Dito na lang pala ako. "Hatid na kita sa unit mo, tutal madadaanan ko rin naman," sabi ko sa kaniya. Tumango na lang din siya sa akin. Pumasok na kami ng elevator. Tahimik lang kami. Gusto kong magsalita pero pinigilan ko na ang sarili ko. Tumitikhim na lang ako. Nang makarating kami sa 17th floor ay sumunod lang ako sa kaniya kung saan mismo ang unit niya. Nakaalalay pa rin naman ako sa kaniya. Alam ko na wala namang pilay ang paa niya pero gusto ko lang talaga siyang alalayan. "Dito na lang," sabi niya sa akin. Ang number ng unit niya ay 471. Napakunot ang noo ko, parang number lang din ng unit ko na jinumbled. Maybe, coincidence lang ang bagay na iyon. Ang number ng unit ko ay 741. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Sa bulsa niya ay inilabas niya ang keycard pagkatapos ay nabuksan niya na ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay nagmadali siyang pumasok sa condo at walang sabi-sabing pinagsar'han ako ng pinto. Hindi ko naman naiwasang mapanganga. Really? That's it? Wala man lang 'Thank You'? or 'Salamat' man lang dahil sa ginawa kong pagligtas sa kaniya sa holdaper? How rude. Dapat pala hindi ko na siya minagandang-loob-an kanina kung ganito lang naman pala. Psh! Nagpunta na lang ako sa unit ko at inalis ko sa isipan ko ang babaeng 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD