Cadie's
"Umuwi ka!"
My mother was yelling at me again the following morning. Wala akong ibang ginawa kundi ang mapangiwi na lang. "Yes, Ma."
"May pag-uusapan tayo," sabi niya pa bago niya pinatay ang tawag.
Hindi pa man kami nag-uusap ay alam kong connected na naman 'to sa kaibigan kong si Geo. Hindi niya talaga gusto si Geo.
Lahat na lang hindi niya gusto. Napabuntong-hininga na lang ako. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko pagkatapos ay lumabas na ng unit ko.
Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa elevator. Pagpasok ko ng elevator ay tahimik lang naman. Napatingin pa ako sa cellphone ko dahil tumunog ito. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Geo.
From: Geo
'Wag mo 'kong kakausapin, ha, putang*na mo ha,
Iyan ang message niya sa akin. I smirked. Ni-replyan ko siya.
To: Geo
Ikaw ang kumakausap sa akin.
Sagot ko. Hindi naman na siya nag-reply pagkatapos. I sighed. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit umabot kami sa pag-aaway. Kung bakit para siyang bombang sumabog.
Ayos naman kami noong isang araw, kung kailan pinapunta niya ako sa bahay niya. Hindi naman kami nag-away. Pero kahapon? No'ng bigla siyang sumulpot sa Kahit Saan restaurant? Bigla na lang siyang nagwala na akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.
Pinipilit ko naman siyang tanungin kung ano bang nangyayari sa kaniya pero kung ano-ano na ang sinasabi niya kaya tumahimik na lang ako.
Sinusubukan ko naman na kausapin siya ng maayos pero panay sigaw siya. That time, ang nasa isip ko noon ay nasa harap ko na naman iyong babaeng aksidenteng nabangga ko na iniligtas ko rin kagabi.
Ano kaya ang pangalan niya? Hindi man lang ako nagkaroon ng chance na malaman kung ano ang pangalan niya, pero hindi naman ako interesado eh. Wala rin naman akong paki kung hindi ko malaman ang pangalan niya.
Ang sama siguro ng ugali ng babaeng iyon. Hindi man lang marunong mag-thank you? Akala ko talaga sa palengke siya nakatira eh.
Akalain mo 'yon? Neighbors pala kami.
Ang liit-liit lang talaga ng mundo. Napailing-iling na lang ako. Wala sa sariling napatingin ako sa numerong disi-siyete. Pumasok na naman sa isip ko ang babaeng 'yon.
I sighed. Hindi ko na lang pinansin.
Pagkalabas ko ng elevator ay mabilis na akong umalis sa building na 'yon. Dumiretso ako sa bahay.
Galit na galit naman si Mama nang maabutan ko siya roon. "Buti naman dumating ka na," mahina lang ang boses niya mariin ang bawat salitang kaniyang binibigkas.
"What's wrong?" tanong ko sa kaniya. Naka-upo siya sa sofa sa sala. Na-upo naman ako sa kaharap niyang sofa.
"I'm always telling you to stay away from that girl, right?"
I grimaced. "Yes," nag-aalangan pang sagot ko sa kaniya.
"Then…" Mahina lang ang mga boses niya tapos napapikit pa siya. "Bakit hindi mo ako sinusunod?!" Tumaas na ang kaniyang boses. Lalo lang akong napangiwi.
"Ma, ilang beses ko na rin pong sinasabi sa inyo na kaibigan ko si Geo. College pa lang ay magkaibigan na kami. Hindi ko siya kayang i-avoid ng gano'n-gano'n lang," mahinahon na sabi ko sa kaniya.
I need to calm down. Walang mangyayari kung magagalit din ako.
"Kahit pa trentang taon na kayong magkaibigan, sundin mo ang utos ko! Hindi ko gusto ang babaeng 'yon para sa'yo!" sabi niya pa.
Napangiwi na lang ako. "Ma, puwede na ba akong pumasok sa kuwarto ko ㅡ"
"Hindi! Bakit ba hindi ka marunong makinig sa akin? Hindi makabubuti sa'yo ang babaeng 'yon! Tingnan mo, nag-away pa pala kayo sa KS kahapon!" natigilan ako sa sinabi niya. "Naiinis ako, sinigaw-sigawan ka ba naman niya?!"
"How did you know?" tanong ko pa.
"Elena told me,” sabi nito at saka napatayo pa. "Maling-mali talaga 'to! Hindi ko siya gusto!" galit na sabi niya. Napatingin naman ako sa kaliwa ko nang bigla na lang dumating si Anirema galing sa taas.
Hindi ko na lang din siya pinansin.
Pero tungkol sa sinabi ni Mama; si Tita Elena ay kapatid ni Mama. Si Elena rin ang Nanay ni Koleen at Seleen na may-ari ng Kahit Saan restaurant.
So, it means, pinsan ko ang dalawang magkapatid. I almost forgot, nandoon nga si Tita kahapon.
"Ma, hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo siya, gusto ko lang na tanggapin mo siya bilang kaibigan ko," sabi ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang na-upo ulit sa sofa habang naka-crossed arms siya.
Hindi naman na siya sumagot sa sinabi ko ngunit bakas pa rin ang galit na ekspresyon sa mukha niya.
Natahimik kami ng ilang segundo kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko, balak ko na sanang umakyat na sa kuwarto ko.
Kilala ko si Mama, kapag hindi na siya nagsalita. Simple lang, ayaw niya ng magsalita, end of discussion.
Tatalikuran ko na sana siya pero biglang may nagsalita, "Mama, siguro, it's time," sabi ni Ani. Sabay naman kami ni Mama na napalingon sa kaniya. Awtomatikong napakunot ang noo ko.
"Go upstairs and do your research, Ani," ma-awtoridad na sabi ni Mama.
"Anong it's time?" tanong ko naman. Ani faced me.
"Blood related kayo ng bestfriend mo," diretsong sabi niya sa akin. Nanigas naman ang likod ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko inaasahan ang pagiging straightforward niya sa akin.
"Ani!" saway ni Mama sa kaniya.
"W-What the," bulong ko na lang.
"Mama, it's time. I can no longer hear you scolding Kuya Cadie and telling him to stay away from his best friend without telling him what's the real reason,” sabi nito. “Hinid na po bata si Kuya Cadie… Hindi na po siya teenager, Ma, please?”
Lalo lang akong napanganga. Hinarap ko si Mama. "What's the truth?"
Hindi naman sumagot si Mama kaya kay Ani ako muling humarap, "What's the truth?" ulit ko sa tanong ko. Napabuga muna siya ng malakas na hangin.
"Milagros Recomedante - Arceva is Mama's sister," panimula nito.
Si Tita Lagros ay ang Nanay ni Geo. It means, magpinsan pala kami ni Geo?
"What the hell, Anirema?! She's not my sister!" sigaw ni Mama kay Ani na ikinagulat ko. Napatayo ulit si Mama sa pagkaka-upo. Nakitang ko pang napakuyom siya ng kaniyang mga kamao habang nakaharap kay Ani.
This is the first time na sinigawan niya si Ani kaya nagulat talaga ako. She loves Ani so much, iyon lang, hindi niya nga ito pinapadapuan sa langaw or lamok simula nang mapunta siya sa amin. Hindi niya rin ito pinapagalitan o sinisigawan.
"She's your sister, Mama, baliktarin man ang mundo, kapatid mo siya," kalmado lang na sabi ni Ani. Wala ring mababakas na emosyon sa mukha niya kaya hindi ko mabasa kung ano ang tunay niyang maramdaman nang sigawan siya ni Mama.
"Sampid lang siya sa pamilya namin. Kahit kailan, hinding-hindi ko siya matatanggap." At this time, bumaba ang boses ni Mama sa kaniya. Nakita ko naman na palihim na napaismid si Ani.
"Sampid lang din naman ako sa pamilyang 'to, Ma. Si Ate Vera ang tunay na anak at hindi ako, pero bakit tinanggap mo ako? Bakit nandito ako ngayon? Bakit hindi mo ako kinamumuhian kung may sampid issues ka?"
Nagulat ako sa ginawang pagsagot ni Ani kay Mama na may point din naman. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Anirema kay Mama 'to. Pati si Mama ay nagulat, nanlalaki ang mga mata at parang maiiyak na.
Hindi sumagot si Mama, hindi ko rin naman tinangkang magsalita. Nagpatuloy lang sa pagsalita si Ani.
"Ma, kapatid mo si Tita Milagros, kapatid mo siya, bakit hindi mo siya magawang tanggapin?" tanong ni Ani kay Mama.
Umiinit na talaga ang paligid, mas minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko habang nagdidiskusyon silang dalawa. "Hindi ko siya kapatid, anak siya sa labas. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin," sagot ni Mama.
Nagugulat pa rin talaga ako. Bakit? I mean, bakit ngayon ko lang alam ito? Bakit hindi man lang nagawang sabihin sa akin 'to ni Mama?
Or kahit ni Tita Elena, bakit 'di niya man lang nagawang i-kuwento sa akin na may kapatid pa pala sila? Na nakahiwalay?
"Even if she's your half-sister, she's still your sister." sagot pa ni Ani. "Magalit kayo sa kaniya if she meant to ruin your family. Is she?"
Nakaramdam naman ako ng kaunting sama ng loob. Bakit ngayon ko lang nalaman ito? At kay Ani pa?
Pero hindi pa rin ako maka-move on talaga. Isa lang naman ang ibig sabihin ni Ani. Pinsan ko si Geo, kahit na step-sister lang ni Mama si Tita Lagros, pinsan ko pa rin siya.
Kaya pala... Kaya pala ayaw niya kay Geo. Kaya pala ayaw niyang makipagkaibigan ako kay Geo.
Nagtataka rin talaga ako, alam din ba ni Tita Lagros na ang Mama ko ay ang kapatid niya? Wait, sa pagkakaalala ko ay never pa naman silang nag-meet. Si Geo lang talaga ang nakita na si Mama.
Si Tita Lagros kasi ay madalas na nasa abroad. Dalawang beses lang sa isang taon siya kung umuwi kaya hindi niya naman nakilala ang Mama ko.
"Stop talking, Ani. Go upstairs," utos ni Mama kay Ani. She even gritted her teeth.
"This is not meant to disrespect you, Ma. Gusto ko lang sabihin sa iyo na Kuya Cadie deserves to know the truth. Nasa tamang edad na rin siya, he can do whatever he wants to do to fulfill his life. Bigyan mo siya ng kalayaan na pumili kung sino ang gusto niyang kaibiganin. Bigyan mo siya ng kalayaan upang pumili kung sino ang kaniyang mamahalin. Just support him. That's what he needs, Ma. Support."
Sa sinabing iyon ni Ani ay natigilan ako ng sobra.
Simula nang mamatay ang kapatid ko ay marami an rin talagang ipinagbabawal ni Mama sa akin. Kahit na nasa 20’s na ako ay palagi pa rin siyang naghihigpit. Gusto niya na palaging alam kung saan ang mga lakad ko. Gusto niya na lagi siyang updated.
Iniintindi ko na lang talaga hanggang ngayon dahil natatakot lang siguro siya na maulit ang nangyari kay Vera. Hindi na niya amakkaya kung mawawalan pa siya ng isa pang anak.
Sa sianbing ‘yon ni Ani ay naging dahilan upang mag-walk out si Mama. Padabog niya kaming iniwan.
Habang ako naman ay napatingin kay Anirema. "Thank you," I mouthed and gave her a smile. Napatango naman lang siya sa akin at sumunod kay Mama.
Napa-upo na lang ulit ako sa sofa at napahilamos ng mukha. Kung hindi pa rin informed si Geo tungkol dito ay dapat niya nang malaman, she also deserves to know the truth kahit na inaaway niya pa rin ako ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at akmang tatawagan sana siya pero nagflash kaagad sa screen ko ang pangalan ni Keith.
Tumatawag siya...
"May job interview pa ngayon, um-attend ka," bungad niya sa akin nang sagutin ko ang tawag.
Bigla ko namang naalala na gusto ko nga pala na mag-apply sa Montinelli. Naghahanap kasi talaga ako ngayon ng trabaho dahil wala naman na akong ginagawa.
Hindi lang talaga ako naka-attend kahapon dahil tumawag sa akin si Rina.
Si Rina ay ang babaeng nag-confess sa akin na mahal niya raw ako pero hindi ko naman siya pinatulan. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.
And then, in-aya niya ako na kumain sa labas. Pumayag na rin naman ako dahil minsan lang naman siya kung mag-aya.
Pero medyo nakaka-disappoint lang dahil sa ginawang pag-eskandalo ni Geo. Bigla lang kasi siyang lumitaw. Kasama niya pa si Mathilda.
Nang makaalis sila, sumakit ulo ni Tita Elena, kinuwento niya rin na may dalawang babae rin daw na nag-aaway bago raw kami dumating. Sa sobrang galit pa raw no'ng babae ay sinad'ya niyang tabigin ang tray na may pagkain at natapon iyon sa waitress daw.
Anyway, "Sige," sagot ko na lang sa kaniya. Hindi ko na rin tinawagan si Geo o ti-next. Naisip ko na lang na puntahan siya sa bahay niya mamaya pagkatapos ng interview.
Fe's
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag-ring. It was my mom. Napangiwi ako. Hindi ko nga pala siya na-text kagabi na hindi ako makaka-uwi samantalang ang alam niya ay uuwi ako kagabi sa bahay.
"Hello, Mom? Sorry kung hindi ako nakapagtext kagabi na hindi ako uuwi. May ginawa lang kasi ako rito sa unit ko," sabi ko kaagad nang sagutin ko ang tawag.
Nakalagay lang ang cellphone ko sa pagitan ng balikat at tenga ko. Nililinisan ko kasi ang sugat ko sa kanang braso ko. Medyo masakit pero kinakaya ko pa naman.
Nagsabi na rin ako sa office na hindi ako papasok ngayon. Sinabi ko rin kay Tabi lahat ng dapat kong sabihin tungkol sa business today.
Hindi naman kasi ako puwedeng pumasok habang may gauze pa ako sa binti ko. Tatanungin lang nila ako kung ano ang nangyari kaya 'wag na lang talaga.
Mas mabuti pang 'wag na lang ipaalam sa kanila.
"Ugh! Thank God! Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Sa susunod magsasabi ka, ah?" napatango-tango na lang ako as if nakikita niya.
"Yes Mom," sagot ko.
"Bakit nga rin pala sinabi ng driver na bigla ka raw tumakbo tapos hindi na bumalik. Saan ka nagsusu-suot, Fe, ha? Nag-alala kaya ako! Baka kako kung napano ka na. Buti na lang talaga sinagot mo 'tong tawag ko!" Napangiwi naman ako nang maalala ko si Manong Driver.
"Hay, naku, Mom, okay lang nga ako. Stop worrying. Dito muna ako sa condo pansamantala. May gagawin lang talaga ako, after that. Diyan na ako," sabi ko pa.
"Mag-a-asawa ka na ba? Dinala mo ba sa condo mo?"
Sa gulat ko sa sinabi niya ay nadiinan ko ang sugat ko kaya napadaing ako ng malakas.
"Ouch! Ouch! Tang*na! Ang hapdi!"
"FE?! ANAK?! ANONG NANGYAYARI SA IYO?!"
Nag-aalala ang mga boses ni Mommy. Ngumingiwi lang ako at napapapadyak sa sobrang sakit. Nahulog pa ang cellphone ko sa sahig dahil sa sobrang sakit. Kasalukuyan kong iniihipan ang ang sugat ko.
Ang hapdi!
Hindi naman sa pagiging OA pero ang hapdi talaga lalo na’t hindi naman ako sanay na magkasugat. Ito nga ata nag unang beses na nasugat ako hita ko.
Pinulot ko naman ang cellphone ko sa sahig at sinagot si Mom, "Uh, wala 'yon, Ma! Aksidenteng na-ipit lang ako. Nandito kasi ako sa may pinto biglang sumara," palusot ko.
"Ba't ka kasi nandiyan?" tanong niya sa akin. Hindi naman na ako nakasagot. "Anyway, mag-aasawa ka na ba?"
Lalo lang akong napangiwi. "MOMMY! Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?"
"Oo na. Oo na," sabi niya na lang sa akin. "Pero uwi ka rito mamaya, okay?"
"Mommy, I c-can't. May gagawin pa ako. Hindi po muna ako uuwi diyan, Mommy," sabi ko na lang.
"Hay naku, bahala ka nga!" sabi niya at namatay na ang tawag. Napatingin ulit ako sa sugat ko at inihipan ko ito.
Ang hapdi talaga tapos iyong gamot na nilalagay ko mahapdi rin.
Parang ayaw ko nang maligo.
Pero, habang ginagawa ko 'to ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang lalaking nagligtas sa akin kagabi.
I sighed. Ayaw ko nang mag-krus pa ulit ang landas namin. Pakiramdam ko, malapit ang panganib kapag nandoon siya. See? Nasa malapit lang siguro siya noon.
Ayaw ko pang mamatay. May tao pa akong gustong makita. I sighed again.