TEN: KAHIT ANO? KAHIT AKO?

2275 Words
Fe's Six am nang magising ako kinabukasan. Agad na akong nag-ayos ng sarili ko para pumasok sa opisina. In-abisuhan na rin ako ng driver ko na papunta na siya. Dapat seven ng umaga ay nandoon na ako. Wala pa naman si Kuya pero sabi niya'y papasok siya bukas. May mga dapat pa raw siyang ayusin. Dapat hindi na, kasi sabi ni Daddy ay mag-take siya ng leave. Siyempre, dahil sa love life niya. Napairap na lang ako. Parang kailan lang ay nagtataguan pa sila ng feelings. Ngayon, they're planning to have their own family. I am so happy for them. Sana magtuloy-tuloy na ang kasiyahan nilang dalawa. Napatingin ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I didn't expect someone na tatawag sa ganitong oras kaya hindi ko talaga maiwasang magtaka. Nang tingnan ko ang caller ID ay napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pangalan ng private investigators ko. Hindi ko naman naiwasan na mapalunok. Umaasa rin ako na sana'y may magandang balita silang sasabihin sa akin. "Good morning, Ma'am Montinelli. I have the good news and bad news. The good news is, may lead na po kami kung saan sila nagi-stay sa Pilipinas." Parang tumalon naman ang puso ko sa narinig ko. Nakaramdam ako ng sobrang tuwa sa dibdib ko. Parang gusto ko na lang na magta-talon. I've made a mental note na tatawagan ko si Tabi or si Daddy na hindi na ako papasok sa opisina today. Para puntahan ang sinasabing bahay ng PI ko. Pero, sabi niya ay may bad news pa. "And, uhm, the bad news?" I asked. "They're not there. Sabi ng mga kapitbahay nila ay kaka-alis lang ng mga ito kagabi," sabi nito, Hindi ko naiwasan na mapasinghap. Parang mai-iyak na naman ako. Napatakip ako ng bibig ko, tumango-tango na lamang ako. "Alam ba nila kung saan sila nagpunta?" I asked. "Sorry po, Ma'am, we're still digging deeper. Wala rin alam ang mga kapitbahay nila," paliwanag niya sa akin. "Okay. Thank you, i-informed niyo ulit ako once na may lead ulit kayo," sabi ko na lang pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Pinunasan ko na lang ang mga mata ko dahil sa kaunting patak ng mga luha. Hindi ko lang talagang maiwasan na malungkot at maluha. Akala ko pa naman ay na-improved na ang mood ko sa sinabing good news ng PI ko. Kinontra kaagad iyon ng bad news. I sighed. Bakit kasi kailangang i-tago? Napabuntong-hininga na lang ako. Desperada na akong makita siya, bakit ipinagka-kait sa akin ang karapatan kong 'yon? Dala-dala ang purse ko ay lumabas na ako ng unit ko. Pagdating ko sa labas ng building ay natanawan ko kaagad ang kotse ng tatay ko sakay no'n ang driver ko. Yes, kotse ni Daddy, bigla ko namang naalala ang conversation ko kay Cadie. Bigla na lang akong napangiti, hanggang sa makapasok ako sa kotse at nagsimulang um-andar iyon ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Medyo na-improve ng kaunti ang mood ko, bigla ko rin kasing naalala ang mga ngiti't tawa niya, pati pa iyong mga brown eyes niya. Katulad ng nangyayari sa akin sa opisina ay ganoon lang din ulit ang ginagawa ko. Sanay naman na ako. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi kami nagkasalubong ni Cadie, malayo rin kasi siya sa opisina ko. But I know na pumasok siya. Alam ko lang. Napakibit-balikat na lang ako. Nang dumating na naman ang hapon at papadilim na naman ang paligid ay nakatanggap ako ng tawag kay Carmie. Si Carmie, ang fiancé, ang babaeng mahal ng Kuya Boss ko. Napangiti na lang ako but I wonder kung bakit siya napatawag. Baa naman magku-kuwento lang siya o kaya naman ay mangangamusta lang sa akin. "Hi, Carmie, napatawag ka?! Anong balita?" tanong ko sa kaniya. Medyo matagal bago siya nakasagot sa kain aya napakunot ang noo ko. "Fe, bakit hindi niyo sa akin sinabi agad na na-aksidente si Achill sa Paris?!" sabi nito sa akin na medyo hindi ko inaasahan. Napa-ahh na lang ako. Sinabi na pala sa kaniya ni Kuya Achill? Mabuti naman. Ayaw pa kasi nitong sabihin ko or nila Ate Fabella kasi sabi ni Kuya ay gusto niya na siya na lang mismo ang magsasabi. Siguro ay nasabi na sa kaniya ng kapatid ko. "So, you knew?" tanong ko sa kaniya. Bigla namang nabasag ang boses niya. "W-Why?" Sa boses niya'y halatang pa-iyak na siya. Siguro, hindi niya pinakinggan na magpaliwanag si Kuya Boss. Imposible naman na sinabi niya tapos hindi siya nagpaliwang kay Carmie. "Hindi gugustuhin ni Kuya Boss na mag-alala ka nang sobra," I said, Hindi na sumagot si Carmie, nang i-check ko ang cellphone ko ay namatay na pala ang tawag. Sana naman ay hindi sila mag-away. Teka? Bago pa ba sa kanila ang mga away? Basta sana magbati pa rin silang dalawa. Inayos ko na ang gamit ko, nagbabalak na rin akong umuwi ngayon. Tinawagan ko na lang ang driver ko. No'ng active si Kuya Boss dito ay siya talaga ang taga-hatid-sundo ko. Pero this year ay naka-asa na ako sa driver or kung wala talagang available ay ako na lang. I know how to drive since Sael and my brother taught me how. Six months nga kasing nakaratay si Kuya Boss. Grabe rin ang pagod ko ngayong taon, but I think, it's worth it. I just exhaled deeply and smiled. Naglakad na ako papalabas ng opisina ko pero halos tumalon na naman ang puso ko sa gulat nang makita ko si Cadie na may dala-dalang dalawang coffee cup. Napahawak pa ako sa dibdib ko't nahabol ko ang hininga ko nang wala sa oras. "Tang*na!" I shrieked. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na mapamura. He just laughed at me; I am aware that my eyes were still widening! Bakit kasi kailangang manggulat?! "Fan ka ba ng Mocha?" tanong niya sa akin at inabot sa akin ang isa sa hawak niyang coffee cup, of course, may laman iyon na kape. Kinuha ko na lang iyon sa kamay niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalubong ang mga kilay. "Ano?! Hindi ka magso-sorry sa panggu-gulat mo? Kung may sakit lang ako sa puso. May paglalamayan na kayo bukas!" I said to him.  Tinaasan niya naman ako ng kaliwang kilay. "Hello? Is this the woman who I met on the road?" biro niya pa. Inirapan ko na lang siya. "Nice joke," sabi ko pa pagkatapos ay humakbang ako palagpas sa kaniya. Napaismid ako, lalo nan ang sumunod siya at sabayan ako sa paglaakad sa hallway. Pareho kaming may hawak na cup of coffee. Diretso lang din ang tingin ko sa dinaraanan ko. Hindi ako nakatingin sa kaniya. "I'm sorry kung nagulat kita, hindi ka man lang ba magte-thank you sa akin?" Napalingon na ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Sakto nasa tapat na kami ng elevator. Pumasok na muna kami roon bago ko siya sagutin. "Thank you for this coffee," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Bakit mo nga pala naisipan na magdala nito sa akin?" "Because, I want to have coffee with you? Hindi kasi tayo natuloy na mag-kape kahapon," sabi niya. Natawa na lang ako sa tinuran niya. "May point ka naman, pauwi ka na ba?" tanong ko na lang sa kaniya. Bumukas na nag pinto ng elevator at pareho na kaming lumabas doon. Sabay pa rin kaming naglaad palabas ng lobby. "Yes. Ikaw?" he asked me back. "Pa-uwi na rin ako, naghihintay na sa akin iyong driver ko," mabilis na sagot ko sa kaniya. "Wait," sabi niya't tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na lang din ako at nagtataka akong humarap sa kaniya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Heto na naman, napatingin na naman ako ng diretso sa kaniya. Nasuri ko na naman ito. May hawak siyang coffee sa kanang kamay niya at sa kanang braso niya rin ay nakasampay doon ang suit coat niya. Sa mukha niya na naman ako nag-focus. Siya na ata talaga ang kilala ko na may pinakamagandang mata. "Would you mind if I drive you home?" sabi niya sa akin. Natigilan naman ako ng kaunti, hindi kaagad ako nakasagot. "Sabay ka na lang sa akin, magkapitbahay naman tayo." Ngumiti ako sa kaniya. "Are you sure? Wala ka bang ibang gagawin?" I asked him. Natawa naman siya at saka umiling. "Meron," he said and he looked straight at my eyes. Tumagal iyon ng ilang segundo kaya hindi ko maiwasan na mapalunok. "Matutulog ako pag-uwi ko, ayon ang gagawin ko." I nod at him. "Sige, sasabay na lang ako sa iyo," sabi ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin nang makuha niya ang approval ko. Bakit nga ba ako pumayag? Nahi-hipnotismo ako sa mga mata niya, eh! Alam ko naman na walang ibang malisya ito. Friendly lang kami pareho. "Sasabihan ko lang driver ko, sandali," sabi ko pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Natanaw ko na kasi ang kotse ni Daddy na dala ng driver ko kaya sasabihin ko na lang din sa kaniya ng personal. "Hi, Manong," tawag ko sa pansin niya. Nang mapansin niya ako ay agad kong sinabi sa kaniya na umuwi na siya kasi may maghahatid na sa akin. "Tara?" Cadie asked me nang balikan ko siya sa kung saan ko siya iniwan. Marahan naman akong natawa at saka napatango na lamang. Pareho muna kaming humigop ng kaunting kape sa mga cup namin bago kami nagdesisyon na pumunta na sa kotse niya. Just like what he did before, pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya. "Napaka-gentleman mo naman, hindi lang halata no'ng una," biro ko pa sa kaniya. Natawa na kang siya sa akin. Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa condominium. Bigla naman akong may naalalang itanong. "Ano ngang unit number mo?" tanong ko pa. "741, 25th floor," sabi niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya. "Bakit? May balak ka bang puntahan ako ro'n?" Bigla siyang ngumisi. Umismid lang ako. "Sira, nakalimutan ko lang kasi. 'Di ba, sinabi mo na 'yan sa akin no'ng gabing 'yon," sabi ko pa. Ang tinutukoy ko ay iyong gabi na na-kidnap ako. "Speaking of that night," sabi niya. Tumikhim siya, nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Bakit ka nandoon sa may eskinita na 'yon?" tanong niya. Ano ba ang dapat kong isagot? "Ah, kasi..." Hindi ko ma-ipatuloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung dapat ko sa kaniyang sabihin iyon. Anong hindi alam? Hindi mo naman talaga dapat sabihin. Keep it in yourself, Fe. "Kasi?" "Wala lang, napadaan kasi ako sa may candy shop malapit doon. I decided to walk papunta sa may convenience store... Pahina ng pahina ang boses ko habang inaalala kung saan siya nakaposisyon ng gabing 'yon. "Kaso, madadaanan ko 'yong eskinita tapos bigla akong hinatak no'ng holdaper," dugtong ko pa. Iyong una kong sinabi ay walang katotohanan, hindi naman talaga ako galing sa candy shop. Pero speaking of candy, may in-order pala ako na mga candy-shaped pillow online. Bukas pa siguro nang umaga darating 'yon. Parang gusto ko na rin ulit lumamon ng cake. Bigla akong nag-crave sa candy. "I see. Pero bakit sa candy shop?" he asked. "I love sweets," pagsasabi ko sa kaniya ng totoo. Totoo naman na sweets is life talaga ako. "It's okay to love those, huwag lang pa-sobra," he said. "Namo-monitor ko naman ang blood sugar ko kaya okay lang din," sabi ko pa sa kaniya. "Ikaw? Anong gusto mong dessert or food?" "Kahit ano," sabi niya na lang sa akin. Nilingon niya pa ako at saka nginitian. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ang ganda talaga ng mga mata niya. "Anong kahit ano?" "Hindi naman ako ma-arte kaya kahit ano, gusto ko," sabi niya pa. May ganoon ba? Dapat siguro may pagkain din na pangalan ay kahit ano hindi lang restaurant. Napataas na lang ang kilay ko. "Kahit ano? Kahit Ako?" Nakita ko kung paano dahan-dahang kumunot ang noo niya. Napamura na lang ako sa utak ko. "Joke lang," sabi ko. Nag-focus na lang ako sa daan habang umiinom ng kape. Naubos namin pareho ang kape habang nasa biyahe kami. Hindi naman talaga masyadong malayo ang condominium sa Montinelli kaso ang problema, traffic. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa condominium. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa sasakyan niya nang ipinarada niya na 'yon. Pagkatapos niyon ay naging awkward na. Parang pinagsisihan ko na tuloy 'yong biro na sinabi ko. Nauna siyang naglakad sa akin. I pursed my lips. Napansin ko rin na nakakuyom ang kamao niya. Balak niya ba akong sapakin? Subukan niya lang. Dire-diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa lobby. Tutal ako ang malapit sa buttons ay ako na ang nagdutdot doon. Napatingala ako sa kaniya upang makita ang ekspresyon niya, salubong na salubong ang kilay niya at nakatiim ang mga bagang niya. Parang si Kuya Boss lang kapag galit. Omg?! Galit ba siya? "Look, I didn't mean to say those words. Biro lang 'yon, huwag ka magalit," sabi ko pa. "Sinong galit?" tanong niya tapos dahan-dahan niya akong nilingon. "Ikaw. Bakit salubong na salubo ㅡ" Imbes matapos ko ang salita na lalabas sa bibig ko ay hindi ko na nagawa sapagkat bigla niyang hinapit ang beywang ko. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na nang maglapat ang mga labi namin. He moves his lips into mine. Hindi ako makapaniwala!   Mabilis naman siyang bumitaw nang bumukas ang pinto ng elevator. That's my floor. Nataranta ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalabas ba ako o hindi, pero lumabas pa rin ako kasi nandito sa floor na ito ang unit ko. Nilingon ko siya bago sumara ang elevator. Bago pa ito sumara ay nakita ko ang ngisi sa labi niya. Napahawak ako sa labi ko. Gago 'yon, ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD