Fe's
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla na lang may mag-doorbell. Tumayo naman ako kaagad upang buksan. Baka naman iyong order ko nang unan iyan!
Na-excite ako bigla. Binili ko nga iyon kasi ang cute-cute niya, sa picture—sana rin kapag dumating na. Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali.
"Good morning, Ma'am. Sana po hindi ko po nasira tulog niyo," sabi nito sa akin.
Umiling-iling naman ako. "Huwag ka mag-alala, hindi mo nasira. Thank you!" sabi ko pa. Bayad naman na ito, kahapon pa. Kinuha ko na lang 'yong in-order ko at isinara ko na ang pinto. Inilapag ko 'yon sa sofa, mamaya ko na lang bubuksan.
Nag-inat pa ako. Chi-neck ko naman muna ang cellphone ko. Napansin ko na may message sa akin si Kuya Boss na tuloy ang punta niya sa opisina ngayon.
Nakakatuwa naman talaga, dumating ang order ko ng maaga. Naabutan pa ako. Ilang minuto na lang ay aalis na ako. Inaayos ko lang 'tong laman ng bag ko.
Natigilan lang ako nang biglang may nag-doorbell na naman. Hindi ko na naiwasan ang mapakunot ang noo. Bumalik iyong delivery guy?
For, what? May nakalimutan pa ba siya?
Napatayo na naman ako at saka naglakad papunta sa may pintuan ng unit ko. Binuksan ko 'yon.
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko at nag-init kaagad ang buong mukha ko nang makita ko siya. "Good morning," bati niya sa akin. Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Bogla ko kasi siyang naalala. G*go 'to! Hinalikan ako! Nag-galit-galitan tapos hinalikan ako! Ng walang paalam sa akin. Ang kapal talaga ng mukha nito.
"Alam mo, Cadie, ang kapal talaga ng mukha mo!" inis na sabi ko sa kaniya. Isinara ko na lang muli ang pinto.
Suminghap lang ako. Bakit ba siya nagpakita ngayong umaga? Hindi na nga ako halos makatulog kagabi dahil sa halik na 'yon. Hiyang-hiya kaya ako kagabi, hindi ko alam kung nanti-trip lang ba siya o ano.
Ang kapal ng mukha. Mas ikinaiinis ko pa ay 'yong pahabol niyang ngisi sa akin. Sinadya niya talaga 'yong paghalik sa akin. Sadya naman talaga 'yon, eh. Nakakainis talaga itong si Cadie! Kagabi!
Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko ma-kontrol.
Nag-doorbell siyang muli. Wala na sana akong balak na buksan ito pero hindi siya tumitigil kaya napilitan na ako. Katulad nang inaasahan, ay siya pa rin nga.
"Look, I'm sorry," sabi niya kaagad nang pagbuksan ko siya ng pinto. Napahalukipkip naman ako at isinansal ang balikat ko sa may pintuan. Hinayaan ko lamang na nakabukas ang pinto.
"Dapat lang," sabi ko sa kaniya. Teka nga, bakit ko nga ba siya kinakausap?
"Pinapatawad mo na ba ako?" tanong niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Uulitin mo ba?" tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang ngumisi sa akin.
"I want to," sabi niya sa akin. Lalo lang nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Anong, I want to?"
"We'll go to the office together. I will wait here," sabi niya pa sa akin.
"As a friend?" wala sa sariling sariling tanong ko sa kaniya. Wala naman sigurong kaso kung sabay din kaming aalis ng Zaminican. Isa pa, pareho lang naman ang pupuntahan namin.
Pero, tang*na. Paano 'yong halik niya sa akin sa may elevator? Nag-sorry naman na raw kasi iyong tao.
"As a friend," pagkumpirma niya sa sinabi ko at ngumiti pa siya sa akin.
Tinitigan ko na muna siya ng ilang minuto. "Okay, wait me here," sabi ko pa sa kaniya. Isinara ko nang muli ang pinto at saka inayos ang gamit ko. Sinabihan ko na rin iyong magsusundo sa akin ngayon na huwag nang tumuloy. Hindi ko naman kasi inaasahan na nagbalak na naman si Cadie na isabay ako!
I'm sure, nire-report iyon ng driver ko sa parents ko. Kaya sigurado rin ako na magsisimula na silang maghinala.
Ikatutuwa nila. Napangiwi na lang ako sa kaisipan na 'yon.
Nang matapos ko nang ayusin ang gamit ko ay nagpunta na ako sa may pintuan. Napabuga pa ako ng malakas na hangin bago ito tuluyang buksan. Hindi naman siya ang bumungad sa akin. Walang tao ang bumungad sa ako. Lumabas na ako ng unit ko.
Nasaan na si Cadie? Hindi kaya um-atras na ito? Iniwan na ako?
Napabuga na lang ulit ako ng malakas na hangin. So, kailangan ko nang tawagan ulit driver ko na ihatid pa rin ako.
Baka na-inip maghintay.
Tatawagan ko na sana ulit ang driver ko pero nakita ko naman siya sa na nakatayo sa may hallway sa may right side ko. May distansya sa akin at nakatalikod pa siya sa akin. Alam ko naman na siya 'yon dahil nakasuot ito ng suit. Siguro lumayo siya dahil may kausap siya sa phone niya. Nakatapat sa tenga niya iyong cellphone niya, eh.
Akala ko pa naman iniwan niya na ako. Okay lang naman sa akin, sanay naman akong maiwan.
Naglakad ako papalapit sa kaniya, dahan-dahan ko. Hindi ko na muna tinawag ang atensyon niya. Hinayaan ko ang sarili ko na makinig sa kaniya.
"No, she already knew. Masama pa rin ba ang loob niya sa akin? I understand. She told me that she loved me. Yes. I told her that we couldn’t be together. I love her, but not that way. I'm going to ㅡ yes, kakausapin ko siya kapag naging maayos na siya. Ipa-intindi niyo na lang sa kaniya for now. I know. Okay. Bye."
Ayan ang mga narinig ko sa kaniya habang may kausap siya sa telepono. Awtomatiko naman na napakunot ang noo ko. Someone is in love with him?
Napansin ko rin na ang boses niya ay pa-lungkot nang pa-lungkot. Nilingon niya ako at medyo natigilan siya nang makita ako.
"Kanina ka pa riyan?" tanong niya sa akin. Tumango-tango ako.
"Can I ask you something?" tanong ko naman sa kaniya. Napansin ko na bigla siyang naging malungkot.
"Sure," sabi niya.
"This is just a friendly question," sabi ko pa sa kaniya. Tumango naman siya. "Sino iyong kausap mo?" Na-curious lang kasi ako. Si Keith ba iyon? Ayon lang naman ang kilala ko na kaibigan niya.
"One of my friends," sabi niya pa sa akin.
"Hindi na ako magmamang-maangan na parang walang narinig. Sabi mo, mahal ka niya, pero hindi kayo puwede? Why? Tama ba pagkakarinig ko?"
Ano ba iyan! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na magtanong. Na-curious lang talaga ako.
Pilit lang siyang ngumiti sa akin. "It's a long story," sagot nito. Bigla ko naman naalala iyong sinabi niya noong nagpunta kami sa Kahit Saan, na kapag ayaw niyang sagutin ay hindi niya naman sasagutin.
Siguro ay masyadong personal iyon.
"Okay."
"Let's go," yakag niya sa akin at nauna pa siyang maglakad.
Tahimik lang kami hanggang sa makasakay kami sa elevator, feeling ko na naman may gagawin siya pero inalis ko na lang sa isipan ko 'yon, hindi niya naman ginawa. Tahimik lang talaga kami hanggang sa makasakay kami sa kotse niya.
Sa biyahe lang siya papuntang building biglang nagsalita. "She's a sister to me," sabi niya na lang bigla. Napakunot na lang ang noo ko. Hindi ko matukoy kung ano ang ibig niyang sabihin.
Natahimik lang ako. "She's my closest friend. Now, I don't know what to do. Parang masisira na ang pagka-kaibigan namin," sabi niya pa. Akala ko pa naman hindi niya sasagutin.
Nagsalita na ako. "You mean, bestfriend?" Bigla ko namang naalala ang kapatid ko at si Carmie. He said, closest friend and she raw so parang si Kuya Boss at Carmie.
"Yes, you can call it like that,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako kaagad.
"I see; what's the problem?"
"She confessed to me, mahal niya raw ako, higit pa sa pagkakaibigan. Hindi ko naman kayang ibigay sa kaniya iyon kasi hindi talaga puwede," sabi nito. "Parang masisira na ang pagkakaibigan na meron kami."
"Now, I know," sabi ko na lang.
"What?"
"Aware ka naman siguro na may bestfriend si Kuya Achill. Girl bestfriend to be exact and that is Carmie. Isang dekada na silang nagtataguan ng feelings. Siguro ito ang kinatatakutan nila noon pa man. Ni-reject mo ba bestfriend mo?" tanong ko sa kaniya. Matagal siya bago nakasagot.
Sumagot siya nang itigil niya ang sasakyan. Nandito na pala kami sa Montinelli building.
"Hindi lang talaga kami puwede," sabi nito. Tumango-tango na lang ako. Tumango-tango na lang ako. Siguro dahil hindi mutual ang feelings nila.
Iba rin naman kasi ang kaso ng kapatid ko at ni Carmie, sila ay mutual naman ang nararamdaman pero ayon, nagtagu-taguan. At least naman ngayon ay okay na sila.
Magpapakasal na sila at mukhang magkakaroon na ako ng pamangkin!
"I see," sabi ko na lang. Pinagbuksan niya ako ng pinto upang makalabas ako. "Ang gentleman mo talaga," biro ko sa kaniya. Nauna na akong maglakad, iniwan ko siya sa may kotse niya. "See you around!" pahabol kong sabi sa kaniya.
"Sabay ulit tayo, mamaya," pahabol niya rin. Wala sa sariling napangiti ako.
Lihim lang akong napatikhim nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hinalikan niya ako! Nakalimutan ko naman itanong sa kaniya kung bakit niya ako hinalikan. Nag-focus na lang ako sa trabaho ko.
Gaya ng inaasahan ay dumating si Kuya Boss. May binulong siya sa akin na ikinatuwa ko nang magsalubong kami. I said congrats. It's true, I am so happy for my brother.
Nakangiti ako at nandito lang sa opisina ko nang bigla na lang itong bumukas at ang boses ng magkakapatid ang agad kong narinig.
Napasimangot naman ako.
"Let's invite her," sabi ni Rance.
"No, if we’re going out of the town and this woman will join us, hindi na ako sasama," sabi pa ni Tharina at itinuro ako na nanahimik lang dito sa swivel chair ko.
"Me too," pagsang-ayon naman ni Tabitha.
"Edi huwag kayong sumama. Kaming tatlo na lang nila Rhys." Humarap sa akin si Rance. "Ano, are you in?" Rance asked me. Napakunot naman ang noo ko.
May ngisi na naman sa labi niya na parang may gagawing kalokohan. Sa totoo lang at halata naman. May pagka-hawig si Rance at si Kuya Boss. Pero mas guwapo kapatid ko, duh.
"Ano na naman ang kataranduhan ang nasa isip mo?" tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay.
"Trip to Palawan," sabi niya. "Rhys wanted to go there with his girlfriend." Lalo lang tumaas ang kaliwang kilay ko. Mga 1 inch’s pa.
Si? Rhys? May girlfriend na? Alam ko na babaero si Rhys pero, seryoso? Pinakilala niya sa mga kapatid niya? Ang alam ko naman ay wala pang pinapakilalang girlfriend si Rhys.
"With that poor girl," singit naman ni Tharina.
"Just shut the f**k up, Tharina. If you don't want to come with us, then don't. We are not forcing you. Iyong girlfriend ni Rhys ang ito-tour namin sa Palawan," saad naman ni Rance sa kaniya. Dinuro siya ni Tharina.
"How dare you talk to your Big Sis like that!" Napabuga na lang ako ng malakas na hangin.
"Puwede ba? Lumabas muna kayong lahat. Ang i-ingay niyo," saway ko sa kanilang lahat. Tumingin ako ng diretso kay Rance. "It's a no, pass ako."
"Alright," sabi ni Rance at nagkibit-balikat. Pagkatapos niyon ay lumabas na silang magkakapatid. Napahilot naman ako ng sentido ko. Sumasakit ulo ko sa mga pinsan ko.
Binuksan ko naman ang cabinet sa may office table ko, may kukunin lang akong folder about finance. Pag-angat ko no'n ay biglang may nalaglag pang brown envelope. Sa dami-dami ng mga folders, envelopes mga papel ko rito ay hindi ko na halos matandaan isa-isa.
Kinuha ko na lang din iyong brown envelope at binalak kong i-check ito. Pagbukas ko nito ay mapait lang akong napangiti.
Picture niya 'to. 10x12 picture niya na binigay sa akin ng PI ko. I miss him so much.
Tinitigan ko lang 'yong picture niya roon. Hindi ko naman napansin na tumulo na naman ang luha ko. Agad ko na lang pinunasan ang luha ko. Sinubukan ko na lang mag-focus sa trabaho ko.
Napabuntong hininga ako. "Malapit na Kleizer, we'll see each other again," I whispered. Gaya ng sabi ko ay nag-focus na lang ako sa mga trabaho na nasa harapan ko. Isang oras din ang nakalipas ay biglang tumunog ang cellphone ko.
It was from Cassie Alonzo, Carmie's sister. Napakunot ang noo ko. Napatawag yata siya?
"What's up?" I asked when I answered the call. Hagulhol naman agad ang bumungad sa akin kaya natigilan ako.
"A-Ate F-Fe... It's m-my fault," Cassie sobbed. I furrowed.
"What are you talking about?" tanong ko pa. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. Anong ibig niyang sabihin? At, "Bakit ka umiiyak?" tanong ko pa.
"It's my fault..." hagulhol nito. "Si Ate Carmie, dapat s-sinamahan ko siya." Lalo lang napakunot ang noo ko.
"Diretsahin mo 'ko," utos ko sa kapatid ni Carmie.
"She's gone." Napanganga ako.