TWELVE: IBALIK MO SI KLEIZER!

2122 Words
Fe's Pagdating ko sa hospital ay naabutan ko sila Cassie roon. Nasa labas sila ng morgue. Agad na hinanap ng mga mata ko ang kapatid ko sa paligid pero hindi ko siya nakita. Sumisikip ang dibdib ko. Anong nangyari? Napansin ako ni Misael na dumating. Pulang-pula ang mga mata nito. "Nag-drive siya mag-isa," basag ang boses na sabi nito sa akin. Parang ang bigat-bigat ng hangin. Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita ko roon si Cassie at Tita Sandra. Si Tita Sandra ay ang nanay ni Carmie na kapatid ni Cassie. Napalunok na lang talaga ako. Anong nangyari? Bakit nandito kami ngayon? Baka naman kasi palabas lang, iniisip ko no'ng una. Ayaw ko pang maniwala kay Cassie, pero eto na, nandito ang Mama nila. Iiyak ba siya ng ganito kung biro lang ang lahat? Hagulhol nang hagulhol si Tita Sandra at Cassie, tahimik lang ang lahat. "Nasaan si Kuya Boss? Alam niya na ba?" tanong ko. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kapatid ko. Gusto na rin tumulo ng mga luha ko sa sobrang sakit. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kung panaginip lang ito sana gisingin na ako. Tumango-tango naman si Sael. "He's here. Inside," sabi nito. Tumango naman ako. So Kuya Boss knew? Kagagaling niya lang kanina sa opisina tapos may binulong siya sa akin na nakakatuwa tapos ganito na nangyayari? Pumasok na rin ako sa loob ng morgue, inilibot ko ang paningin ko. I saw an embalming table there, may bangkay doon at natatakpan ng puting tela. Nakita ko sa gilid niyon ang kapatid ko. Naka-upo siya sa may tabi niyon at nakatulala. Napalunok ako. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may bangkay na malapit sa kung nasaan ang kapatid ko. Dahan-dahan kong inalis ang tela sa mukha ng bangkay upang makita ko ito. Nang magawa ko iyon ay awtomatikong napatakip ako ng bibig ko. Her eyes were closed, she's pale.... she's cold. I started to sobbed. "C-Carmie..." Napahagulhol ako at nag-unahan ang mga luha ko na kumawala sa mga mata ko. "Bakit ka umabot sa ganito?" I sniffed. "It's my fault," sabi ni Kuya Boss. Napatingin ako sa kaniya. "I killed her," he added. Nakita ko na may tumutulong luha sa mga mata niya pero nakatulala pa rin siya. It's not her fault or even Cassie's fault. It's not their fault. No one wants this. Lalo lang akong na-iyak dahil sa itsura ng kapatid ko. Lumuhod ako sa tabi niya at saka niyakap ko siya nang mahigpit. Iyak lang ako nang iyak, umiiyak din siya't alam ko na ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Hindi ito inaasahan. Walang may gusto nito. Walang may kasalanan. "I killed them," bulong niya. Umiling-iling naman ako. "No..." "K-Kahit kailan talaga ang tigas pa rin ng ulo ni C-Carmie. I-I told her to wait me there, p-ero… bakit s-siya umalis? F*ck," basag ang boses na sabi niya. Puno ng hinanakit. Hindi na lang ako nakapagsalita. Pinakalma na namin siya. Hours passed, inayos na nila Tita Sandra ang dapat ayusin. Dumating na rin sila Fabella at agad silang nag-usap. Pati ang Papa ni Carmie na si Ernesto Alonzo ay dumating din do'n. Halata kaagad ang sakit sa mga mata niya, gano'n din ang sakit sa mga mata ng kapatid ko. Sinisisi niya ang sarili niya. Pina-uuwi na muna namin siya pero hindi siya pumayag. He was still hoping na hihinga pa si Carmie pero wala na, tapos na. I sighed. Naka-receive ako ng tawag kay Mommy. Pinapa-uwi niya na ako. Sa bahay ako ngayon uuwi. Hindi sa unit ko. Alam ko kung gaano ito kasakit sa kapatid ko. Hindi ko alam, nasasaktan siya ngayon. Sobrang nasasaktan, nitong mga nakaraang araw lang ay ang saya-saya nila. Na-achieve na nila iyong inaasaam nila. Nakakapanghinayang pa kasi... buntis pa si Carmie... Ang bigat-bigat lang talaga ng nangyayari ngayon. Kahit ako ay sobrang nasasaktan din. Carmie is a friend of mine. Simula college pa lang ay kaibigan na ang turing ko sa kaniya. If I need help, she's willing to help me. Basta kaya niya. Napapunas lang ulit ako ng mga luha ko. Umiiyak na naman ako, hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari 'to. Nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako. Nagsimula na akong maglakad palabas ng hospital. Nang malapit na ako sa lobby ay bigla na lang akong bumangga sa matigas. Akala ko nga ay pader pero hindi. Hindi ko naiwasan at nabangga ako sa malaking tao na ito. Matangkad siya sa akin kaya dahan-dahan lang akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Agad na tumalon ang puso ko. Parang kinuryente ang buong katawan ko nang makilala ko kung sino 'to. Napahagulhol na lang akong muli. Tinitigan ko siya habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi na lang ako naiiyak dahil sa nangyari kay Carmie, naiiyak din ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ang taong ito rito. Nang ma-realize ko na nasa harapan ko talaga siya. Talagang siya, ay agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib niya. Nakatitig lang din siya sa akin. "Hayop ka! Putang*na mo! Matagal na kitang pinapahanap! Ibalik mo si Kleizer!" puno na rin ng hinanakit ng sabi ko sa kaniya. "Ang kapal ng mukha mo!" mariin, nanggigigil na sigaw ko sa kaniya. Kinalmot ko siya, pinaghahampas ko pa siya sa dibdib niya. "Tama na, Fe," sabi niya. Umiling-iling ako. "Ibalik mo na siya sa akin, please..." pagmamakaawa ko pa sa kaniya. He clenched his jaw. "No," sabi niya. "Since the day you entrusted him to the Cartridge family before, you have lost your right to him." Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. Nagdidilim ang mga ito. "Wala kang karapatan na sabihin sa akin na wala akong karapatan sa kaniya. Putang*na ka pala, eh! Parang awa mo na! Sampung taon mo na siyang nakasama! Ibalik mo na siya sa akin," pagmamakaawa ko na naman. Kahit lumuhod pa ako ay gagawin ko. Ibalik niya lang sa akin si Kleizer. "Duwag ka, Fe. Duwag ka. You didn't even tell me about him. Ipinagkait mo rin sa akin ang karapatan ko," sabi niya sa akin. My lips twitched, hindi pa rin ako tumitigil sa paghagulhol. Nilagpasan niya ako at tinalikuran papalayo. Iyak lang ako nang iyak. Pero... Hindi siya puwedeng umalis! "Sandali!" sigaw ko at hinabol siya. Nilingon niya lang ulit ako. "I'm not going to hide. I will stay here.  However, I must give a strong warning: do not approach my son,” he sternly said bago niya ulit ako talikuran. Nasapo ko ang noo ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Cadie's "Did you hear the news? Achilliance’s fiancé got into an accident: she’s dead," sabi ng isa. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila. Napadaan lang talaga ako kaya narinig ko sila. Galing kasi ako sa opisina ni Fe. I was hoping that she was still there, but I was wrong. She wasn't there. Maaga ba siyang umuwi? Tanong ko kaagad iyan sa sarili ko kanina. Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko naman alam kung ano ang number ng personal phone niya. Naglakad ako papunta sa lobby at itong grupo ng babaeng nagta-trabaho rito ang narinig kong nag-uusap-usap. "Ang lungkot nga lang kasi ikakasal dapat sila 'di ba?" sabi naman no'ng isa. Ano ba ang tinutukoy nila? Hindi ko sila masyadong maintindihan no'ng una pero... 'Achilliance's fiancé got into an accident: she’s dead.' I furrowed. Achilliance fiancé so it means, it's Carmie? Siguro iyon ang dahilan kaya wala si Fe Montinelli rito. But, what the f**k, Carmie's dead?! Napailing-iling ako. Baka chismis lang 'to, I am not sure if they're telling the truth. Lumabas na lang ako ng building. Pumasok na rin ako sa sasakyan ko. Balak ko nang umuwi, medyo bigo lang ako kasi akala ko makikita ko siya ngayon. Akala ko sabay kami ulit. Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. I kissed her, medyo nagalit siya sa ginawa ko but actually, she's lucky. She's lucky that I kissed her. She was my first kiss. Yes, wala pa akong hinahalikan at wala ring humahalik sa akin na babae. Ngayon na mayroon na akong nahalikan, I knew the feeling, parang may fireworks na lang bigla. Sparks. Kilala nila ako as NGSB or No Girlfriend Since Birth. Natawa na lang ako, sila Mathilda ang nag-pauso niyan. Wala kasi silang nababalitaan na nagkaroon ako ng girlfriend. Wala naman talaga. I just don't know. During my school days, pag-aaral ang inuuna ko. Wala akong pakialam kung marami ng love life ang mga tao sa paligid ko. I used to be nerd. Nang maka-graduate naman kami, hindi rin ako nagkaroon ng girlfriend, kahit maraming nagkakagusto sa akin at isa na roon si Rin. I rejected them all kasi ayaw ko. Umiiwas din ako tuwing nagiging agresibo sila at nagbabalak na halikan ako. I will admit na natakot ako na pumasok sa relasyon, I saw what happened to Richsza and Kate, and also Arsye na muntik na siyang magpakamatay no'ng nasa college pa kami. What about Fe? I found her attractive, even though she pissed me off in our first meeting. She's beautiful, intelligent, and willing to sacrifice her life for their family and company. 'As a friend?' I remember that she asked me that this morning. Lahat na lang sinasabi niya na bilang kaibigan lang. Sinabi niya na sa akin noon kung bakit ayaw niyang pumasok sa mundo ng pag-aasawa. Wala rin talaga akong balak kasi sa totoo lang ay sinabi ko na rin sa sarili ko no'n na hindi ako mag-aasawa. Ayaw ko talagang mag-asawa. Naalala ko lang palagi si Mathilda. Nagpakasal siya, akala namin literal na magse-settle down na siya. The whole R's are so happy for her. Mahal na mahal nila ang isa't isa, eh. But months later, they broke up. Ayaw ko lang pumasok sa mga sh*t na gano'n kaya umiiwas ako. Pakiramdam ko ay sakit lang sa ulo. But Fe happened. I don't exactly know what happened to me when we're on that elevator. Nang sinabi niyang; 'Kahit ano? Kahit ako?', iba ang naramdaman ko kahit na sinabi niyang biro lang ito. I still silent because I restraining myself. Baka mahalikan ko siya anumang oras na nangyari naman. Ang lambot ng mga labi niya at alam ko na kahit una pa lang ay hindi ako magsasawang halikan 'yon. I wanted to kiss her more pero ayaw ko naman na magalit siya sa akin. I've never felt that before. Sa kaniya lang. Kay Fe lang. Gusto ko rin ma-kumpirma ang tungkol sa aksidente kaya inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Kate. Kate Armalana. I know that he's updated about this. Isa siya sa mga kaibigan ni Carmie, and I know what happened to them before. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung hindi man totoo na na-aksidente si Carmie at namatay siya... then bakit naman gagawa ng chismis na ganito? Kate immediately answered the phone. "Is it true?" bungad ko kaagad sa kaniya. "True, about what?" "Na-aksidente si Carmie Alonzo?" I asked. Narinig ko siyang tumikhim. "Misael Consejo called me earlier, he confirmed that she’s dead." Kahit na hindi kami magka-usap sa personal ngayon ay napansin ko kaagad ang lungkot boses niya. "Nasaan na raw si Carmie ngayon?" I asked. "Nasa hospital. May mga inaayos pa at pinag-uusapan. Nasa mortuary na ang bangkay ni Carmie," mabilis niyang sagot sa akin. Hindi niya na ako in-intriga kung bakit ako napatanong. Halata na wala siya sa mood at lantang-lanta siya. So, it's true... Napatango-tango naman ako. Tinanong ko pa siya kung saang restaurant. Sinabi niya naman sa akin bago ko pinatay ang tawag. I started the engine of my car. Nagdadalawag isip ba ako kung pupunta ba ako sa hospital or diretso na ako sa unit ko. Nasa hospital pa rin ba si Fe? I wanted to see her. Nanaig sa isip ko ang kaisipan na puntahan si Fe sa hospital. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakarating na ako roon.  Pagtapat na pagtapat ng kotse ko sa may hospital ay napansin ko kaagad ang isang babae na papalabas pa lang ng building ng hospital. Nakilala ko siya kaya dali-dali akong lumabas ng kotse ko. Nakababa ang tingin niya at namamaga rin ang mga mata niya. Malamang ay kanina pa siya umiiyak. Napabuntong-hininga ako, sasalubungin ko sana siya pero napansin niya na ako. Medyo nagulat siya nang makita ako pero agad naman nawala ang ekspresyon na iyon at napalitan ng paghihinagpis. Ako naman ang nagulat nang tumakbo siya papalapit sa akin, humahagulhol. Nang makalapit na siya sa akin niyakap niya ako bigla ng mahigpit. Nagulat ako pero niyakap ko rin siya pabalik. I know that she needed this right now. "I'm sorry for your loss," I said with sympathy "T-Take me home," she sobbed. Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Napatango-tango ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD