Fe's
"Bukas na lang po siguro," magalang na sabi ko kay Mommy. Hindi naman siya pumunta sa hospital at kanina ay pinapa-uwi niya na ako pero nagbago ang isip ko.
Kaya tinawagan ko siya para sabihin na bukas na lang ako uuwi sa bahay. Ang lungkot lang talaga namin ngayon.
Tapos iyong buw*sit pa na sa Zach na 'yon! Pero infairness, ang laki ng pinagbago niya. Ang laki na nga dati ng katawan niya, eh, mas lumaki pa ngayon.
Yes, si Zachary Consejo, ang nabangga ko kanina. Pinsan siya ni Sael, kapatid ni Vaux pero hindi siya rito naglalagi. Hindi rin siya business minded katulad ni Sael at Vaux. May iba siyang career. Pero tang*na, may galit pa rin talaga ako sa kaniya. Dapat siguro pinagsasapak ko pa siya kanina.
Iyong mga sinabi niya naman ay tumatak sa utak ko. Somehow, may point siya. Hindi ko ba talaga deserve? Wala na ba talaga akong karapatan?
Umiling naman ako. Kumikirot lang ang puso ko kapag inaalala ko ang nangyari sa akin at sa nangyayari ngayon.
Wala na ba talaga si Carmie? Naiiyak na naman ako.
"Sige. Dito ka matutulog bukas, samahan mo 'ko," sabi niya.
"Yes, Mom. Balak ko po talaga 'yon, hindi pa rin ako makapaniwala," sabi ko na lang. Narinig ko siyang suminghot at napapahagulhol siya.
"Oo nga, u-usap na lang tayo bukas," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Pinatay ko na ang tawag pagkatapos ay napatingin ako sa may driver's seat. I saw him there, seryosong-seryoso siya sa akin.
"Condolence," biglang sabi niya nang mapansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya.
I nod at him. "Carmie meant a lot to me, especially to my brother," sabi ko at nagpakawala ng malakas na buntong-hininga. "Hindi ako makapaniwala... hindi, parang hindi totoo. Gisingin mo nga ako, nananaginip lang yata ako," sabi ko pa sa kaniya. Bigla niya namang tinigil ang sasakyan dahil sakto lang na nandito na kami sa Zaminican.
Ano ba ang nag-udyok sa akin na huwag umuwi ngayon? Or should I say... sino? Nang makita ko siya kanina na kakalabas lang ng kotse niya, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Sobra-sobra ang sakit sa dibdib ko, parang sinusuntok ng ilang beses kada segundo.
Ang kirot.
"Magiging maayos din ang lahat, Fe," sabi niya sa akin. Buti naman hindi ko na naririnig iyong Faith. Hindi naman kasi talaga Faith pangalan ko. Fe lang.
"Gisingin mo na lang ako, sampalin mo 'ko," sabi ko pa. Tumutulo na naman ang luha ko. Ang bigat lang talaga sa dibdib.
Hinarap niya lang at tiningnan ng diretso. Napalunok ako, ayan na naman ang mga mata niya. Parang nanghihipnotismo.
Tinaas niya naman ang isa niyang kamay. Mukhang sasampalin niya talaga ako. Okay lang kahit sampalin niya ako. Gusto ko ngang sampalin ako ngayon, eh. Kakatapos lang namin sa problema. Problema na naman? At mas malala ito.
Hindi ko na talaga alam kung anong mangyayari kay Kuya Boss after nito. He's in pain, at alam ko na wala akong magagawa para magamot 'yon.
Napapikit ako at naghihintay na dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Nangyari nga, dumapo ang palad niya sa pisngi ko pero hindi ako nasaktan, hindi niya ako sinaktan. He just caresses my cheeks, dahan-dahan naman akong nagmulat ng mga mata.
Dahan-dahan ko ring nakita ang pares ng magagandang mata na nakatingin ng diretso sa akin.
"I won't hurt you," sabi niya sa akin. Napalunok naman ako. Lalo na nang nagtitigan lang kami, hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya at ganoon din siguro siya sa akin.
Hanggang sa, dahan-dahan niyang inilapit ang ulo niya sa ulo ko. Awtomatikong napatingin ako sa labi niya... I guess he would kiss me, and when he did, He cupped my face while kissing me. Hindi ko siya tinulak. Ipinikit ko pa ang aking mga mata upang namnamin iyon. While we were still kissing, I snaked my arms around his nape.
This isn't my first kiss, o kahit nga iyong sa elevator. Hindi iyon ang unang beses na nahalikan ako. So, may experience din ako. Hindi siya katulad ni Zach na kung makahalik ay sobrang harsh.
Cadie...
Cadie Arciego is now kissing me so gently. To be honest, I like it... I'm starting to like it.
Ilang minuto ang lumipas ay naghiwalay na ang mga labi namin. "W-Why did you kiss me?" I asked him. Ayan din ang bagay na gusto kong i-tanong sa kaniya kaninang umaga dahil sa biglang paghalik niya sa akin sa may elevator.
"Kasi gusto ko. And I'm sorry for that," sabi niya lang. Lumabas na siya ng kotse niya. Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. Ako naman ay nanatiling tulala lang.
Nag-sorry pa talaga siya?!
"Let's go inside," sabi niya pa. Nandito na nga pala kami sa Zaminican. Mauuna na naman sana siyang maglakad sa akin pero tinawag ko siya.
Nandito pa rin ako sa tapat ng kotse niya na parang walang balak na umalis, sumunod sa kaniya upang pumasok sa loob ng Zaminican.
"Cadie, wait," sabi ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako at tinaasan ng kilay.
"What?"
"Samahan mo 'ko," sabi ko sa kaniya. Nagsalubong na naman ang mga kilay niya.
"Saan?" he asked.
"Give me the keys," sabi ko pa.
"Ng sasakyan?"
"Yes." Kahit naguguluhan siya ibinigay niya na lang ito sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. "We're going to the most amazing place I have ever known," marahan na sabi ko sa kaniya.
Nagtungo na ako sa driver's seat at agad na pumasok doon. Sinenyasan ko naman siya na pumasok na. Naguguluhan pa rin siya habang nakatingin sa akin, pero napailing na lang din siya at saka sumakay.
Gusto ko lang siyang isama na magbawas ng stress.
***
"Seriously?"
"Yep," sabi ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isa sa gusto kong sweet shops! OMG! Na-miss ko kumain ng marami nito.
I ordered so many types of sweets. Candy, cotton candy, cake, and cupcakes with a lot of icing!
Manghang-mangha na naman ako habang tinitigan itong mga in-order ko. Nai-imagine ko na naman ang mga mata ko na kumikislap.
But... at the same time, nalulungkot ako. Pumasok ulit sa utak ko 'yong mga nangyari kanina kaya napabuntong-hininga na lang ako at nawala ang mga tuwa sa labi ko.
Tumingin ako ng diretso kay Cadie. "You hate sweets?" Sumimangot pa ako. Para kasing ayaw niya na pumunta kami rito at ayaw niyang kainin itong mga in-order ko. Halos mapuno na itong lamesa dito sa sweet shop.
"No, I just don't feel like eating sweets right now," she says.sabi nito. Tumango naman ako.
"So, sa akin lahat ito? Bahala ka, maglaway ka," sabi ko na lang sa kaniya. Nagsimula na akong kumain. Ang sarap talaga!
"Hindi kaya, magka-diabetes ka na kakakain mo niyan?" biglang tanong niya sa akin.
"Huwag ka mag-alala. Gaya ng sabi ko, namo-monitor ko naman ang blood sugar ko. Hindi pa ako malilibing maaga. Ayaw ko pa," ngumiti ako sa kaniya.
Naalala ko lang talaga si Kleizer ko. Napabuntong-hininga ako. Ngayon ba na nandito na si Zachary, nakita ko na siya, nakausap, may chance bang makasalubong ko si Kleizer?
Oo, si Zachary Consejo ang nakita ko sa daan na 'yon bago ako mabangga ni Cadie. Si Zachary rin ang nakita ko sa convenience store bago pa man ako hilahin ng holdaper na 'yon sa eskinita na 'yon.
Si Zachary rin ang nabangga ko kani-kanila lang.
Si Zachary pinapahanap ko dahil tinatago niya sa akin ang importanteng tao sa buhay ko. Si Kleizer...
He is my son. Yes, may anak ako. Nabuntis ako ni Zachary years ago. Nasa college pa ako no'n, nagulat na lang ako na manganganak na ako. I experienced cryptic pregnancy. Hindi rin na-notice ng pamilya ko 'yon, kahit nga ako.
Nagdecide lang ako na magpunta sa hospital mag-isa kasi hindi maganda ang pakiramdam ko. Nag-spotting pa ako habang naglalakad galing sa bookstore no'n.
Pagdating ko sa hospital no'n, ayon nga. Manganganak na ako, premature si Kleizer no'n. Mag-isa lang ako no'n, sana, pero nalaman ng naging kaibigan ko 'yon. She helped me with kinds of stuff.
That time, hindi rin ako hinanap ng mga magulang ko kasi wala naman sila sa bahay. Si Kuya Boss naman busy sa practice niya sa basketball niya.
So wala talagang nakapansin sa akin sa nangyari. Maliban sa walang hiya kong kaibigan no'n, hindi ko na siya papangalanan ngayon kasi kinamumuhian ko siya.
Kung nandito si Zachary ay malamang sa malamang ay nandito rin ulit siya.
Then… welcome back.
Oo, tinulungan niya ako no'n pero g*ga siya.
Bahala siya sa buhay niya.
"At saka mag-yo-yoga ako bukas, if keri ng time ko. Uuwi ako bukas, leave muna ako sa opisina, hanggang sa tuluyan nang magpaalam si Carmie," I informed him. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin na sana hindi totoo iyon.
Tang*na. Nag-bonding pa lang sila ng kapatid ko sa Tagaytay, no'ng isang araw.
Tinitigan langa ko ni Cadie. Bigla akong nakaramdam ng ilang sa mga titig niya. "Kumain ka na rin kasi, paminsan-minsan kumain ka rin ng sweets para naman magkaroon ng tamis buhay mo. Biro lang naman," sabi ko pa. Kinunotan niya lang ako ng noo.
"So, you're saying that you're sweet? Eh, ayaw mo ngang mag-asawa. Bitter kapag gano'n, 'di ba?" saad nito. "Medyo magulo ka ro'n," sabi nito.
"Alam mo kasi, Cadie, ayaw ko pa ngayon na mag-asawa or huwag na lang. Sila Mom and Dad ay sinasabi nila na mag-asawa na ako, pero ayaw ko pa naman kasi nga..." I paused.
"Kasi?"
"Kasi hindi pa nga dumadating iyong the one ko," pagsisinungaling ko pa. Parang narinig ko na naman ang boses ni Daddy na sinasabi ang salitang 'the one'.
Ang dahilan talaga ay si Kleizer. Gusto kong makuha siya, gusto kong makasama siya araw-araw. Gusto kong matawag niya ako na 'Mommy'. Gusto kong marinig iyon na lumabas sa bibig niya. Gusto kong yakapin siya, gusto kong humingi ng tawad.
Marami akong gustong gawin at wala pa talaga sa isip ko ang pag-aasawa. Ayaw ko na rin munang pumasok sa relasyon. Kapag nagkita na ulit kami ng anak ko, gusto ko na ibuhos sa kaniya ang pagmamahal, atensyon at oras ko.
Sampung taon kaming hindi nagkasama, at alam ko na hindi niya ako kilala. May ideya ako kung sino ang kinikilala niyang ina, lalo lang nag-iinit ang dugo ko. Pero hindi ko na lang papansinin iyon. Ang gusto ko lang ay makasama ko ang anak ko.
I named him Kleizer Neil. Ako mismo ang nagpangalan sa kaniya niyon nang ibinigay ko sila sa mga Catridge. I sighed. Ayon ang pinagsisihan ko hanggang ngayon. I should've left him.
Tutal, Consejo ang tatay niya ay nagawa niya nang paraan para makuha ang anak namin. Kaso hindi na siya binalik sa akin. Sinama niya ang anak ko sa ibang bansa. Itinago sa akin.
Ang kapal din ng mukha ni Zach. I'm one-hundred percent sure na walang alam si Sael na may anak siya.
Pinsan siya ni Sael, si Sael ay malapit din sa pamilya namin since isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng Kuya Boss ko. Siyempre, nagtanong din ako sa kaniya kung nasaan si Zach, kung may anak na ba ito.
Sa totoo lang, halos taon-taon akong nagtatanong sa kaniya kung nasaan si Zach. Palipat-lipat kasi ito. Katulad ng nangyari two years ago, sinabi sa akin ni Misael na nasa Miami raw si Zach at iyong jowa niya. Sino pa ba? Edi iyong tinuring kong best friend.
I couldn't imagine na sila pala ang magsasama hanggang dulo. Sabay din sana silang mamatay. Biro lang.
Basta makasama ko ang anak ko, okay na ako.
"Ano bang tipo mo sa lalaki?" tanong ni Cadie sa akin.
At bakit niya naman tinatanong?
"Ako? Tipo ko? Wala lang," sabi ko pa.
"Hmm?" Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Paano mo masasabi kung nandiyan na pala si the one mo kung wala kang tipo?" tanong niya pa sa akin.
Napakibit-balikat naman ako. "Basta, iyon na 'yon. Eh, bakit ikaw? May girlfriend ka ba?" Kasi kung meron, putang*na mo, bakit mo 'ko hinalikan? Hindi lang isa kundi dalawa! Gusto kong idugtong 'yan pero huwag na lang.
Umiling naman siya sa akin.
"Hindi pa ako nagkaka-girlfriend," sabi niya pa. Wait, what? Seryoso siya?
"Guwapo ka naman, bakit wala kang girlfriend? Mayaman ka rin naman siguro bakit ka naman hindi nagka-girlfriend?" na-i-intriga kong tanong sa kaniya. Totoo naman ang sinabi ko. Imposible naman na wala siyang girlfriend. Guwapo naman siya, masarap pa humalik! Naalala ko na naman iyong halik.
Paano kami nagiging komportable pa sa pag-uusap kung hinalikan niya na ako? Knowing na hindi naman kami mag-on?
"Paano mo naman nasabi mayaman ako?" tanong niya. Inginuso ko naman ang wrist niya. May suot siyang wristwatch.
"Alam ko ang presyo niyan. Binilhan ni Kuya Boss si Carmie nang ganiyan brand noong nagpunta siya sa New York. Umaabot ng 1 million iyan," paliwanag ko.
Napangiwi naman siya sa akin. "Hindi naman ako gano'n kayaman. Sakto lang," sabi niya sa akin. Nagkatawanan na lang kami pareho. Inabutan ko siya no'ng cake.
"Kumain ka na nga lang," sabi ko pa. Tumango na lang din siya sa akin pagkatapos ay kumain na rin kasama ko.
"Ang tamis," sabi niya sa akin. Natawa na lang ako sa kaniya. Kaya nga sweets kasi matamios.
Minutes later ay sumuko siya sa pagkain. Parang masusuka na raw siya. Tinawanan ko lang siya. Kaya 'yong lahat ng natira, ay kinain ko pa rin.
"Ang hina mo pala," natatawang sabi ko sa kaniya.
"Paano mo nakakayanan kumain ng ganiyan karami? Hindi ka ba magsasawa?" tanong niya sa akin.
"I love sweets," sabi ko pa. "Kapag mahal mo, hindi ka magsasawa," sabi ko. Kinindatan ko pa siya. Nakita ko naman kung paano siya napanganga.
"You're crazy," sabi nito. Tinawanan ko na lang siya. Pagkatapos niyon ay inaya ko na lang siyang umuwi. Sinabi ko na lang sa kaniya na ako na lang ulit ang magmamaneho. Pumayag naman siya sa akin.
Pagkain lang talaga ang nagpapabawas ng stress ko kahit papaano.
Ito naman ang una na nagsama ako ng tao para kumain.
Hindi naman ako sinasabayan ng mga kakilala ko dahil nga umay din sila sa pagkain ng matatamis. Ako lang talaga, kaya hinahayaan lang naman nila ako na lumamon nang lamon. Hindi nila ako sinasabayan o tinutulungan na ubusin ang pagkain ko.