SIXTEEN: I LOVE YOU, KLEI

3183 Words
Fe’s  “What?!” nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ni Zera. Nandito ako ngayon sa townhouse niya. Tinawagan ko kasi ito kanina bago ako pumunta rito. Inabisuhan ko siya na gusto ko siyang makausap ng personal. She told me that she’s here. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Zach noon at kung ano ang nagbunga.  Dahil nagulat siya. Isa lang talaga ang ibig sabihin nito. Tinago rin nila Zach ang anak ko sa pamilya nila. “Yes,” I said to her.  “Seryoso ka? Anak mo si Kleizer? I mean, anak niyo?” Hindi pa rin nawawala ang panlalaki ng mga mata nito. Napakunot ang noo ko. Ibig bang sabihin nito ay kilala niya si Kleizer pero hindi sinabi ng walang hiyang si Zach na anak namin iyon? Nagsisimula nang uminit ang dugo ko. “Ano bang pakilala ni Zach sa inyo sa anak ko?” I asked. Napanganga na lang siya.  “Girl! Bakit ngayon mo lang sinabi iyan? Bakit tinago mo rin?” Hindi niya naman sinagot ang tanong ko sa kaniya.  “That was my mistake, natakot ako sa responsibilidad. Ayaw ko ring itakwil ako ni Daddy. Kaya Yes, kagaya ng sinabi sa akin ng kapatid mo ay duwag ako,” I said and sighed. Ngayon, gusto ko nang i-tama.  Napabuntong-hininga rin siya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay niyakap ako. “You should’ve told us,” malungkot na sabi nito. “May pamangkin pala ako sa iyo, eh, wala man lang kaming kaalam-alam. Namatay si Mommy, hindi niya man lang nakilala ang unang apo niya.”  “I’m sorry,” sabi ko pa. Dapat pala talaga ay nagsabi ako. May tanong na tumatakbo sa utak ko at gusto ko iyon i-tanong sa kaniya. “Wala ba akong karapatan na makasama ang anak ko dahil pabaya akong ina?” naiiyak pa na sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayap sa akin pagkatapos ay in-iling-an niya lang ako.  “Kahit anong mangyari, nanay ka pa rin niya,” sabi nito sa akin. “May karapatan ka,” sabi nito. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon.  “Salamat,” I mouthed. Ngumiti lang din siya sa akin.  “Sasabihin ko kung nasaan sila ngayon,” sabi nito sa akin. Gusto ko na lang ma-iyak sa sinabi niya. Sana talaga matulungan niya talaga ako na makuha ang anak ko. Makasama ko. I love my son, alam kong may pagkakamali at gusto ko nan gang itama iyon ngayon.  My son is the reason why I don’t date someone. Kung bakit ayaw ko nang mag-asawa, Kasi sabi ko, once na nakuha ko na ang anak ko. Sapat na sa akin iyong makasama ko siya sa mga natitira pang araw sa buhay ko. Gusto kong ilaan sa kaniya ang lahat ng oras dahil marami akong pagkukulang. Sampung taon niya akong hindi nakasama. Sampung taon niyang hindi naramdaman ang pagmamahal ko bilang ina.  Gusto kong iparamdam sa kaniya iyon.  “Kaloka, girl. Pakilala sa akin ni Zachary is anak ni Paula. Hindi niya naman sinabi na anak niya pala si Klei. Ang sabi niya lang sa amin ay hindi niya anak si Kleizer, anak daw ni Paula si Kleizer sa ibang lalaki.”  Natigilan ako sa sunod niyang sinabi.  “Anong sinabi mo? Paula claimed my son as her kid?!” Hindi ko naiwasan na mapataas ng boses. Hindi ko lang matanggap iyong sinabi ni Zera.  Tang*na. Paula used to be my bestfriend. Siya iyong babaeng tinuring kong kaibigan pero isa siyang traydor. Pagkatapos kong manganak, natakot talaga ako sa responsibilidad. Nakita o no’n ang mag-asawang Catridge, sa hospital. Nakausap ko sila and they’re hoping to have a child kasi baog ang isa sa kanila kaya hindi sila magkakaroon ng anak. I made the choice that I now regret. I give my kid to the Catridge family in exchange for them temporarily taking care of him. Sabi ko, kukunin ko ang anak ko once naka-graduate ako ng college. Hindi ko inaasahan na papayag sila. Okay na raw iyon para may alagaan sila habang hinihintay ako na maka-graduate. Hindi naman na nagkaroon ng opisyal na papel about sa adoption kasi kukunin ko rin naman ang anak ko after a year. Pagkatapos kong maka-graduate then, I’ll tell my family about my son.  At saka isa pa, binayabaran ko sila noon para sa pag-aaalaga sa anak ko. Umiiyak pa ako habang ibinibigay ko ang anak ko sa kanila, I told them na ipangalan sa kaniya ay Kleizer Neil. Pumayag naman ang mga ito. Pumayag din sila na Montinelli pa rin ang apilyedo nito dahil kukunin ko rin naman si Klei. Hindi siya habang buhay na sa kanila. Hindi ko sinabi kay Zach ang tungkol sa anak namin dahil nagkakalabuan na kami no’n. Marami rin talagang pumapasok sa isip ko no’n. Halos hindi ako makatulog ng maayos. I am one-hundred percent sure that time that Zach didn’t want the baby. Sinabi ko sa bestfriend ko ang tungkol doon. Pumayag lang naman siya. Desisyon ko raw iyon at nire-respeto niya, at mas makakabuti lang daw talaga na i-paalaga ko na muna sa iba.  I was thankful that time kasi nandoon lang ang best friend ko para damayan ako. Hindi pa ako aware no’n na pakitang tao lang pala ang lahat. Days later, na-discharged na ako sa hospital. Wala akong dala-dalang bata. Ang mas masakit pa roon ay nalaman ko na niloloko lang pala ako ni Zach. Harap-harapan niya pang pinakita sa akin na niloloko ako.  Nasaktan ako no’n, minahal ko rin naman siya, eh. That time, I’ve realized na tama lang ang desisyon ko na huwag sabihin kay Zach ang tungkol sa bata. Kaya kong palakihin ang anak ko nang wala siya. Hindi nga lang ako magsisimula ng araw na iyon dahil iyong pag-aaral ko na muna ang inuna ko.  Naging makasarili kasi ako.  I hate myself because of that. Hindi ko naman kasi lubos na ma-isip na itatakbo siya sa akin ng mga Catridge. Wala na akong makitang bakas nila pagkatapos kong maka-gradutae. Habang nasa kanila si Kleizer noon ay dinadalaw ko naman talaga ito sa kanila once a week. Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Misis Catridge, pero sinira niya ang usapan namin.  Inilayo niya ang anak ko sa akin. Naging makasarili na naman ako kasi I don’t bother myself to ask for my family’s help kaya hindi ko agad sila hinanap. Lumapit ako sa naging kaibigan ko no’n, si Paula pero pinagsabihan niya ako ng masasakit na salita that time. Lahat ng sama ng loob niya ay sininghal niya sa akin. At ang hindi ko nagustuhan ay iyong sinabi niya sa akin na hindi ako mabuting ina, na hindi ko mahal anag anak ko dahil nakayanan ko itong i-pamigay ng gano’ngano’n lang. Doon nasira ang relasyon naming bilang magkaibigan. Ngayon, I could say that I was foolish at that time. But I won’t say I didn’t love my son. I love him so much. He’s my everything to me. I love him. “Let’s go?”  Nakakuyom ang mga kamay ko. Kanina ko pa talaga pinapanatili ang sarili ko na maging kalmado. Hindi ko lang kasi talaga nagustuhan ang nalaman ko. How dare she?! Tin-raydor niya nga ako’t lahat-lahat, tang*na, ang kapal pa namang mukha niyang sabihing anak niya si Kleizer.  Ang kapal ng mukha! Pero mas pinanatili ko na lang ang sarili ko na kumalma, huwag na lang ungkatin iyon. Stick with the goal lang ako, at iyon ay ang makuha ko ang anak ko. Sumakay na kami sa kotse niya. She decided na samahan ako kung nasaan sila. Para raw sigurado na ipapakita sa akin ang anak ko.  “Bakit kaya gano’n ‘no? Bakit kailangang mangyari ito?” tanong ko pa sa kaniya habang nasa biyahe.  “People make mistakes and decision that they’ll regret. Ang mahalaga naman kasi, pinagsisihan mo na,” sabi nito sa akin. Siya ngayon ang nagmamaneho ng dala kong sasayan. “Matanong nga ita, Fe. Ano nga ba talaga ang rason mo para hindi mo sabihin sa pamilya mo na may anak ka, pagkatapos mong grum-aduate, katulad ng plano mo noon?” tanong niya sa akin. “Hindi lang kasi ako kumbinsido sa sinabi mo sa akin na ayaw mo lang mapagalitan ng magulang mo dahil sa katang*han mo.” Na-ikuwento ko na kasi sa kaniya ang buong nangyari, maliban sa isa. I sighed. “That time, gustong-gusto kong humingi ng tulong, pero hindi ko nagawa. Kailangan ko kasing ipakita sa buong pamilya ko, especially, sa dad ko at mga buw*sit kong pinsan na mga babae na role model ako. Noon kasi, hindi maganda ang pakikitungo sa akin nila Tabi, well, kahit ngayon din naman kaso ang sitwasyon ngayon ay nalalabanan ko na sila. Kahit hindi nila sabihin ay alam ko na ikinakahiya nila ako, ayaw ko kasing magkaroon muna ng kahihiyan no’n sa harap nila kahit gustong-gusto” – tumulo ang mga luha ko – “gusto kong ipaglaban ang anak ko. Gusto ko na siyang makasama, eh. Pero maraming dapat i-santabi. I need to choose, my child or the downfall of our company. Ayaw ko na maging dahilan upang maging miserable ang buhay namin. Kapag din nalaglag ang kompanya, hindi ko rin naman mabibigyan ng magandang buhay ang anak ko, ‘di ba? “I really need to choose. Ang sakit lang na sa picture ko lang siya palaging nasusubaybayan. Pero ngayon, I will fight for my son. Kung kailangan pa umabot sa korte. Gagawin ko, makuha ko lang ang anak ko.”  Tharina’s mother told me how much proud she could feel of me. Sinabi niya na dapat daw ay maging good model ako sa harap ng dalawa niyang anak na babae. May sakit siya no’n, ayaw ko siyang ma-disappoint kapag nalaman niya na nagkaroon ako ng anak habang nag-aaral, at ang mas worst pa, pinamigay ko siya.  Pinamigay ko ang isang Montinelli, sinong hindi magagalit sa akin no’n? Baka nga si Kuya Boss ay magagalit din sa akin ng sobra.  Kapakanan ko lang siguro ang iniisip ko. I sighed.  Kaya oo, naging makasarili talaga ako. Humingi dapat ako ng tulong kahit na sana sa kapatid ko lang. Pero nagpakampante naman ako kasi alam ko na nasa mabuti siyang kamay. Hindi siya sasaktan ni Zach. Pero gusto ko pa rin makasama ang anak ko, I want him to recognize me as his mother. “Zach warned me na huwag lalapit sa anak ko,” sabi ko na lang. “Baka magalit lang siya sa akin.” “Mas matanda ako sa kaniya. He respects me, and he always listened to me. I’m sure na ma-iuuwi mo pabalik ang anak ko. Hindi maganda iyong ginawa mong pagtago sa kaniya sa pamilya mo at iyong pagpapaalaga mo kay Kleizer sa iba pagka-panganak mo. Pero hindi rin naman maganda ang ginawa ni Zach na itago si Kleizer sa tunay niyang ina,” sabi nito.  “Thank you for helping me now,” naiiyak na saad ko.  Natahimik na lang kami pareho. Tinanguan lang ako at sinabi niya sa akin na magiging maayos din ang lahat. Malakas lang ang kabog ng dibdib ko habang naa biyahe kami. Nagluluha rin ako, I was praying na pumabor sa akin ang mundo’t ibigay sa akin ang anak ko. Sabik na akong mayakap siya.  “We’re here,” sabi nito. “Ito iyong binili ni Zachary after nilang magpakasal ni Paula ahas. Si Zachary na kapatid ko at mas gago pa pala kay Adam,” dugtong nito. Nagtawanan naman kami pareho.  Napatitig lang ako sa bahay. Ang laki ng bahay na ito, sa totoo lang. Hindi ito iyong address na sinasabi ng PI ko sa akin tuwing may lead daw sila. Kaya malamang sa malamang ay hindi lang siya nagta-trabaho sa akin. Pati rin kay Zachary.  Lumabas na kami ng kotse at hinila niya ako papasok. May security roon pero nakapasok kami dahil kasama ko si Zera.  Parang gusto na lang tumalon ng puso ko nang pagpasok namin sa loob ng malaking na iyon nang bumungad sa akin ang isang lalaki. Halos kapantay ko na ang lalaking iyon. Namukhaan ko rin siya bigLA. Alam ko ang itsura ng anak ko. Alam ko. Thank God lang talaga na pinapadalhan ako ng PI ko ng mga pictures nito taon-taon. Isa na iyong envelope na nakita ko sa opisina ko. Nasubaybayan ko nga talaga siya. Pero sa picture lang.  Hindi ko rin pagsu-suspetsyahan na baka hindi siya ang anak ko kasi unang-una, alam ko na may nunal siya sa magkabilaang pisngi. Ako ang nagpanganak sa kaniya. Ako ang unang sumuri. Walang duda, anak ko siya.  “Ayan na,” sabi ni Zera sa akin. Si Kleizer naman ay natigilan lang habang nakatingin sa akin. Ipinilig niya pa ang ulo niya habang tinitigan ako ng maigi, sinusuri niya ako.  “Tita Z, sino siya?”  tanong ng bata kay Zera. Nag-unahan naman ang mga luha ko sa paglabas sa mga mata ko. Hindi ko na rin mapigilan na mapahagulhol. Lumapit ako sa kaniya at saka niyakap siya ng mahigpit. Pinaulanan ko pa siya nga halik sa mukha niya. Nagtataka siya pero hindi niya naman ako tinulak.  I cupped my son’s face, ang tangkad ng anak ko. Lalo lang tuloy akong napa-iyak. “Sino po kayo? Bakit niyo ako ng kin-iss ng marami?” nakakunot ang noong tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya ng diretso sa mukha niya. I couldn’t believe na nangyayari ito. Na talagang nayakap ko siya. Talagang nahahawakan ko siya.  Ang anak ko… Niyakap ko na lang siyang muli. “S-sobrang na-miss ka ni M-mommy,” I sobbed.  “Po?” Naguguluhan pa rin ang kaniyang mga boses.  “Sasama ka na sa akin, ha? I love you so much,” sabi nito. Hinalikan ko pa siyang muli sa kaniyang noo.  Doon niya na ako tinulak papalayo sa kaniya. May kirot sa dibdib iyon. I tried to touch him again pero umiiwas na siya. “Bakit ako sa inyo sasama sa inyo, eh, hindi ko naman kayo kilala?” My heart thumped. Hindi ko maiwasang mapa-kagat labi sa sinabi niya. Hindi ko matukoy kung anong klase itong sakit na nararamdaman ko. Pero ang sakit sa dibdib. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganitong sakit.  “Klei, she’s your mother,” singit ni Zera. Napatakip na lang ako ng bibig ko gamt nag dalawa kong kamay habang nakatingin sa naguguluhang anak ko. Masakit pala na hindi ka makilala ng sarili mong anak. Pero masisisi mo ba siya? Wala ako sa tabi ng sampung taon. Kaya malamang sa malamang ay si Paula ang tinuturing niyang ina.  “What are you saying? She’s not my mother, you know that,” naguguluhang saad ng anak ko sa Tita Zera niya.  “She is,” sabi nito. “Akala ko rin no’ng una si Paula ang Mom –” Hindi na natapos ang sasabihin ni Zera nang may biglang dumating. Si Paula iyon. “Anong nangyayari rito?” tanong niya. Nilingon ko siya. Nakita ko kung paano dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. Agad siyang lumapit kay Kleizer at medyo inilayo ito sa akin. “What the hell are you doing here?” she asked me. Pinanusan ko ang ulo ko. Taas-noo akong tumingin ng diretso sa kaniya.  “Gusto kong i-uwi ang anak ko,” mariin na sabi ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.  “You can’t do that. He’s not yours!” sigaw nito sa akin. Humarap siya sa anak ko. "Don't listen to her. She's a liar.” Pinipigilan lang ang sarili ko na gawin ang ugaling na-adopt ko kay Ate Fabella kaya pasalamat siya.  Sasagot sana ako pero pinangunahan na ako ni Zera. “Paula, we both know that Kleizer is not yours. Huwag mo ring sasabihing sinungaling si Fe sa harap ng anak niya. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang sinungaling dito? Sinabi mo na anak mo si Klei, kahit hindi naman,” sabi nito. Natigilan lang si Paula.  “Mommy, totoo po ba sinabi ni Tita Z?” tanong pa ng anak ko sa kaniya. Sinamaan lang kami pareho ni Paula.  “Umalis kayo sa pamamahay ko,” sabi nito sa amin.  “We’ll not. Hindi kami aalis hangga’ t hindi namin nakukuha si Klei,” Zera said to Paula. She turned to my son. “Pack your things up, Klei.” “No!” agad na sigaw ni Paula at itinatago niya sa kaniyang likuran ang anak ko. Hanggang ngayon ba naamn, gusto pa rin itago? “No one is packing up! Umalis kayo rito kung ayaw niyong tumawag ako ng police,” pananakot pa ni Paula sa akin.  “He’s. My. Son,” I sternly said.  Umiling naman sa akin ang dati kong bestfriend. “Shut up, Fe. Hindi mo na siya anak, simula no’ng in-abandona mo siya.”  I faked a laugh. Sinusubukan ko ang sarili ko na huwag siyang murahin dahil nandito ang anak ko. “Ang kapal ng mukha mo, eh, ‘no? Alam ko ang modus mo kaya ka nga nandito. You hated me because you are in love with my ex-boyfriend. Traydor ka, eh. Pinush mo pa ako na ipa-alaga ang mga anak ko sa pamilyang iyon. Remember?” I asked sarcastically. Hindi naman siya kaagad nakasagot sa akin kaya nagpatuloy ako. “Tama ako, ‘di ba? Ayaw mo rin malaman na may anak kami kaya pabor ka talaga na pagtakpan ako. Alam ko na ang nangyari no’n, you seduced him. Nagulat nga ako, nagpakasal kayo. Pinakasalanan ka niya, tell me, Anong klaseng gayuma ang pina-inom mo sa kaniya?”    “Not in front of my son,” she emphasizes the last two words.  I crossed my arms. “He’s my son, not yours,” sabi nito. Naririndi ako tuwing sasabihin niya na anak niya si Klei. Inangkin niya talaga ng tuluyan.  “Umalis na kayo rito,” utos na naman nito sa amin. Sinubukan naman naming lumapit ni Zera. “Come here, Klei. We’re telling the truth,” sabi nito. Napakagat-labi pa ako nang makita kong naging malungkot ang mukha ng anak ko at mukhang ma-iiyak na ito.  “Leave our house,” sabi ng anak ko. Hindi ko na naman maiwasang ma-luha. He turned to me. “And you, I don’t want to see you anymore,” sabi pa nito sa akin.  Those were the most painful words I’ve ever heard. “I love you, Klei,” humahagulgol na sabi ko at tumakbo ako palabas. Naninikip na naman ang dibidib ko. Ang sakit, I didn’t expect that I’ll hear those words from my son.  Bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang tinuran ni Zera. “’Wag kayong aalis ng bansa, huwag niyo na siyang i-tago ulit. I’ll make sure that all of my family will know about this. Good day. Magkita na lang tayo sa korte.” Hindi ko mapigilan ang bawat paghagulgol ko. Sobrang nasasaktan ako. Ganito pala iyong pakiramdam. Ang sakit. Siguro, heto na talaga ang karma ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD