Fe's
Nagising ang diwa ko sa malakas na tunog ng ringtone. Napakunot na lang ang noo ko. Ang sarap ng tulog ko, parang gusto ko pang matulog nang matulog. Parang ang sarap lang ng tulog ko ngayon.
Dahil nasa gilid naman ako at abot naman ng aking kamay ang bedside table, nagkapa ako roon. Pero wala akong cellphone na nakapa kaya bumangon na ako sa pagkakahiga. Hindi pa rin tumitigil ang tunog. Iminulat ko ang mga mata ko.
Agad namang nanlaki ito nang mapatingin ako sa ibaba ko. Wala akong suot na damit. Napanganga ako. I stayed calm. Hindi ko pinahalata na nagulat talaga ako, hindi ko ginawang sumigaw.
Ang bilis lang ng kabog ng dibdib ko lalo na nang maalala ko kung ano nga ba ang nangyari kagabi.
Cadie...
Napalunok ako. Hinayaan ko siya. Now, I am asking myself if it's okay with me. Sasabihin ko na, oo. It's okay with me. Nagustuhan ko rin naman. Ginusto ko naman, nangyari na 'yon. Ano pang ida-drama ko?
Gosh. Right now, pumapasok na naman sa utak ko ang anak ko. Ngayon, kakausapin ko PI ko tungkol dito. Nandito lang pala sila Zach sa Tastotel, eh, hindi nahanap.
Hindi ko matukoy kung pinagloloko na lang ako ng PI ko. Sila ang mga professional and magagaling na investigators na ni-recommend sa akin pero taon na ang lumipas, bakit ganiyan pa rin?
May kutob ako na may kinalaman na naman si Zach dito. I mean, he's a Consejo, he has a lot of money pa rin... and connection, kaya madali siyang nakakatago sa akin, eh. Kahit ako na mismo ang naghanap.
Napatingin ako sa may sahig kung saan naroon ang suit coat ni Cadie. Doon nanggagaling ang pagtunog ng telepono. May tumatawag sa kaniya, anong oras na ba?
Hindi ko alam, hindi ko rin matukoy dahil nakasara lahat ng bintana, may kurtina pa ito. Walang pumapasok na liwanag sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung gabi pa ba o tanghali na.
I looked at Cadie too. Nakatagilid siya't nakatalikod sa akin. Mukhang tulog pa siya. Napabuntong-hininga na lang ako. Marahan kong tinanggal ang kumot ko na ayon lang ang magsisilbing pantakip sa hubad kong katawan.
I stand naked.
Dahil talaga sa nangyari sa amin ngayon ni Cadie. Wala akong ideya kung ano ang sunod na mangyayari.
Pumunta na muna ako sa may closet ko. Kumuha ako ng damit doon. I put my clothes on, well, without undies.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng cellphone. Malamang ay hindi sa akin 'yon, hindi ganoon ang ringtone ng cellphone ko. Tsaka sa isinuot ni Cadie kahapon nanggagaling ang tunog kaya malamang sa kaniya ito. Bakit hindi ko kaagad napansin kanina? But…
Sino kaya itong tumatawag? Baka naman emergency, tuwing tumitigil kasi ang tunog ay tutunog na naman ito. Paulit-ulit lang na tinatawagan ang cellphone ni Cadie. Lumapit na ako roon at saka kinuha ang cellphone.
Binasa ko ang caller ID. It was from Geo.
Ayon ang pangalan ng tumatawag. I declined the phone call pero wala pa man ding isang minuto ay tumatawag na ito. Napansin ko pa na may pumasok na mensahe galing sa tumatawag.
Sinabi nito na mag-usap daw sila. Nandito raw siya sa unit niya. Sa pagkakaalam ko ay 25th floor siya.
Kagat-labing ipinunta ko ang tingin ko kay Cadie. Should I wake him up?
I guess.
Sumampa ako sa kama at agad kong hinila ang braso niya. I made him face me. Pinakita ko ang cellphone niya sa kaniya. Napaungol naman siya sa ginawa ko kaya hindi ko maiwasang mag-init na naman ang buong katawan ko. Tang*na!
Naalala ko lang ang detalyeng nangyari kagabi. What the h*ll.
"C-Cadie," I called his name to wake up. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Pilit pa ito. "I think, you should go," sabi ko. Tiningnan niya lang ang cellphone niya na nakaharap sa kaniya. Kinuha niya ito at dahan-dahan na rin siyang bumangon.
Akala ko sasagutin niya sa harapan ko ang tawag ngunit pinatay niya ito. "Sino 'yon?" Hindi ko maiwasang mapatanong.
"She's my bestfriend," sabi nito.
Napa-ahh sound na lang ako. Bigla ko lang naalala 'yong sinabi niya sa akin na may pagtingin sa kaniya ang kaibigan niya.
Speaking of bestfriend din. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. "I see." Ngumiti na lang ako sa kaniya. He looked straight at my eyes. Napatingin na lang din ako sa mga mata niya.
It was really beautiful. "May lahi ka ba?" I asked him.
"Wala naman," sabi niya na lang. He pulled my head closer and kissed me on my forehead, down to my lips. "Your lips are still sweet," he said seductively. I felt the heat all over my body. It was intense.
Umismid lang ako sa kaniya. "Virgin, huh?" natatawang tanong ko pa. Naalala ko lang 'yong sinabi niya kagabi. Nagawa ko pa talagang matawa.
Ngumisi lang siya sa akin. "Yes," sabi nito.
"Hindi mo 'ko maloloko," sabi ko pa sa kaniya. I am not convinced that he's a virgin last night. Tang*na, bakit ang galing niya? Hindi rin ako convinced na ang dahilan lang niyon ay ang panonood ng p*rn.
"I'm telling you the truth," he said. Umiling-iling ako.
"I think you should get dressed. Umalis ka na rin dito, you're best friend sent a message to you," inginuso ko pa ang cellphone niya. Nagtataka ako kung bakit ito tumigil na sa pagtawag, iyon pala, in-on ni Cadie ang airplane mode button.
Napataas naman ang kilay niya at saka tiningnan ang hawak-hawak niyang cellphone.
"Sh*t," napamura pa siya at saka napatayo. Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. Pinanood ko lang siya habang nagbibihis siya. Tahimik lang din ako, I noticed that he has a really good body.
"Pumupunta ka ba sa gym?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin.
"Yes, we used to go to gym twice a week," sabi niya sa akin habang isinusuot niya ang pantalon niya. Napakunot naman ang noo ko.
"We?" I asked him.
"Kate and Keith," sabi nito.
"So, you're friends with Kate too?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at kumindat pa. Nakaramdam naman ako ng kaba. Ano ba?! Bakit ang pogi niya?!
Nang ma-isuot niya na ang pantalon niya ay lumapit siya sa akin. He caresses my cheeks, inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko maiwasang mapalunok.
"Didn't I inform you that my surname is Arciego, did I?" he mumbled. Napakunot naman ang noo ko.
Anong ibig niyang sabihin? Malamang alam ko! I already saw his resumé kaya! Cadie Arciego. What is he trying to say?
"Alam ko 'yon," sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Kate and Keith are my friends and still you have no idea?" Lalo lang akong naguluhan.
"Ano ba kasi iyon?"
"I'm one of the members of R's," he declared. "I am ARciego," he emphasized the first two letters on his surname.
Napanganga na lang ako nang ma-realize ko ang kaniyang sinabi. Bakit hindi ko ba kaagad naisip iyon? First, Si Keith ARmalana ay kaibigan ni Cadie at siya pa mismo ang nag-recommend sa akin. Pangalawa, ARciego, ang apilyedo niya. Bakit hindi ko kaagad napansin?
"What the hel?!" Napahilamos ako ng mukha ko habang natatawa sa sarili ko. "I should've noticed it," sabi ko pa.
"It's okay. Now you know," sabi nito. Tiningnan ko naman siya ng diretso ng may maalala ako.
"Bakit hindi mo sa akin nabanggit no'ng nagpunta tayo sa Kahit Saan?" tanong ko pa sa kaniya. Naalala ko kasi na nabanggit ko sa kaniya na nagdo-donate ako sa R's.
"Hindi ka naman nagtanong kaya hindi ko na sinabi," sabi niya sa akin. He put his shirt on. "I have to go," sabi niya. Lumapit ulit siya sa akin pagkatapos ay hinalikan ako. Tumalikod na siya at lumabas na ng kuwarto ko.
Sumunod naman ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng unit ko. Mapait na lang ako napangiti.
'She's my best friend...'
Napatango-tango na lang ako sa sarili ko pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang PI ko. Balak kong puntahan si Zerafina, ang kapatid ni Zach. Nagdadalawang isip kasi ako na kay Sael lumapit. Nagluluksa nga sila ngayon sa nangyari kay Carmie.
Gusto ko rin samahan sila pero iyong anak ko. Sampung taon na akong naghihintay.
Hindi ko naman siguro kailangang banggitin ngayon ang problema ko sa pamilya ko. Sana lang matulungan ako ni Zera. I knew her, alam niya rin na nagkaroon ako ng relasyon sa kapatid niya.
Hindi naman kami nagtagal ni Zach, after two months ay naghiwalay na kami. No'ng mga oras na iyon ay busy ang pamilya ko. Si Mommy ay kasama ni Dad sa ibang bansa, it's about business again.
Si Kuya Boss naman ay nagre-ready para sa basketball tournament. Naalala ko practice sila nang practice noon, halos wala nang pahinga.
Sa ibang unibersidad nag-aral sila Zach kaya hindi rin kami madalas magkita sa campus. Nakilala ko siya dahil sa former na kaibigan ko. It's a long story, and it was a long time ago.
Ang mahalaga ngayon ay makasama ko ang anak ko.
Cadie's
"Where have you been?" tanong niya sa akin. Napangiwi ako nang maabutan ko siya sa sofa. Dito sa unit ko.
"Kanina ka pa riyan?" I asked her. May access din siya sa condo ko since siya ang kasama ko na kumuha ng condo, siya rin ang tumulong sa akin na mag-ayos ng mga gamit ko rito.
"Yes, and kanina pa rin ako tumatawag," sabi niya at sinamaan ako ng tingin. "Where. Are. You. From?" ulit niyang tanong sa akin, this time, mariin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya pagkatapos ay humarap sa akin ng diretso.
I treasured our friendship, pero mukhang unti-unti nang nasisira, at wala akong magagawa para ro'n. Alam ko, kahit maintindihan ang katotohanan na hindi kami puwede ay hindi naman na ulit magiging normal ang relasyon namin bilang magkaibigan.
"Sa bahay," pagsisinungaling ko pa. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na mapangiti. Something inside of me pushed me to do that. I am not kidding when I say that I am a virgin—oh, not anymore.
Wala akong pinagsisihan sa nangyari kagabi. Sino ba naman magsisisi? She's beautiful, her body too. Her moans are just like music to my ears. Abot tenga na naman ang mga ngiti ko. I can't believe that I really did that. I can't think that I can since Fe was my first.
Hindi rin siya makapaniwala na iyon ang unang beses. Hindi ko alam kung paano ko na-iraos iyon.
But all I know now is I am happy.
I had a great night with Fe.
Yes, Fe Montinelli.
At alam ko na naging maayos din ang tulog ko. I wanted to stay with her the whole day but here I am now. Si Geo. Sana lang hindi ito maka-apekto sa kasiyahan ko ngayong umaga.
"Galing ako sa inyo, wala ka ro'n," sabi niya pa. "Marunong ka na pala magsinungaling?" sabi niya. Mukhang naiiyak na naman siya.
Ngayon lang, ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness sa kaniya. Maybe, it was about the thought that 'she loves me' but we can't be together because first of all, we're cousins.
Akala ko matutuwa siya na magpinsan kami. Kasi, ako natuwa at gusto na sa kaniyang i-balita kaagad. Pero hindi ko magawa dahil these days, puro siya sama ng loob sa akin na wala naman akong ideya kung saan siya nanggagaling.
Bestfriends kami. Hanggang doon na lang 'yon. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.
"Hindi ko na aalamin," sabi niya na naman. Napasinghot pa siya. Mukhang iiyak na talaga siya. I remained silent. "I asked my mother about what you have said to m-me," sabi niya na naman. Umiiyak na talaga siya sa akin.
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Medyo hindi ko matanggap na ako pa ang dahilan ng pag-iyak niya. Na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. I told myself before that I will protect her since kapatid na ang tingin ko sa kaniya.
Siya iyong nandiyan nang mawala ang kapatid ko. Siya iyong kasama ko palagi. I sighed.
Wala naman na akong magagawa kung ganito.
"You're right. Magpinsan nga tayo, alam mo 'yong masakit? Iyong wala na akong laban," hagulgol niya. "Hindi ako nagbibiro, mahal kita."
"Look, I am sorry. I didn't mean to hurt you. Mahalaga ka sa akin, kaibigan kita. Mahal kita” —napalimos ako ng mukha ㅡ "pero hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin. Sana maintindihan mo," sabi ko
Tumango-tango naman siya sa akin. "I understand," sabi niya pa. "But can you please give me a favor?" saad niya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Sure," sabi ko na lang.
"Pagbatiin sana natin sila Mama," sabi niya at natawa. Nagpunas siya ng mga luha niya. "Alam mo naman siguro na may alitan sa pagitan nila 'di ba?" tanong niya. Tumango lang ako.
"I'm in," sabi ko na lang. Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay bigla na niya akong niyakap.
"Thank you, Cadie. I love you. Tinatanggap ko ang mga nangyayari ngayon. I will start to move forward. Babalik din agad ako ng Japan after maging maayos sila Mama," sabi niya pa. "Sana naman maging okay sila. Ngayon alam ko na kung bakit palaging mainit ang dugo sa akin ni Tita Eloida, kasi mainit din ang ulo niya kay Mama."
"I'm hoping that too..."
I guess we're okay.
"So, clear na ba ang lahat?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ka na ba galit?" tanong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Hindi na. Hindi na ako galit," sabi niya. Natawa na lang ako.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na sa akin si Geo. Uuwi na raw siya sa kanila at nakikipagkuwentuhan sa Mama niya tungkol sa kanilang dalawa ng nanay ko.
Buti naman ay okay na kaming dalawa. Napangiti na lang din ako.
Sa mga oras na 'to, si Fe lang ang nasa isip ko. Gusto ko siyang makita pagkatapos kong maligo.