SEVEN: DALAWANG LETRA NA NGA LANG!

2398 Words
Fe's Hindi ko na matandaan kung ilang araw na ang lumipas. Marami nang nagbago. Maraming umusad. Finally, nagtagumpay ang plano namin ng kapatid ko at ni Acelyn. I mean, let say na ang hopeless no'ng una. Naging complicated ang lahat pero nagpapasalamat kami na naging okay sila Kuya Boss. Nagka-aminan sila pero isang araw. Heto na naman si problema. Kinidnap si Carmie. Sinasabi ko na nga ba, eh! Masama ang kutob ko sa babaeng iyon. OA kasi siyang pumunta sa bahay tapos hinahanap si Carmie sa amin. Parang t*nga lang 'di ba? No'ng na-kidnap si Carmie ng magkakapatid na Dela Rama, eh, feeling o kasalanan ko kasi hinayaan ko siyang makausap iyong babaeng nagpunta sa bahay. Pero na-iligtas naman si Carmie nila Kuya Boss. Naka-uwi SI Carms ng buhay. Ipinagpapa-salamat din namin iyon. Mga epal kasi sa buhay iyang mga Dela Rama na iyan. Goodness! Eh, sana sa mga oras na ito kasal na si Carmielia at Kuya Boss. In this time, I know that they're planning about their marriage. Nasa Tagaytay sila ngayon. Gusto ko rin sanang sumama pero bonding time nila iyon kaya kahit na pumayag si Carmie na puwede akong sumama ay tumanggi na ako. Okay na ang lahat. Lahat kami ay masaya para sa kanilang dalawa. Malakas akong napabuntong-hininga. Nandito ako sa rooftop ng Montinelli building. Papalubog na ang araw, malapit na namang kumapit ang dilim. Mamaya-maya rin ay uuwi na ako. 'I'm sorry...' Hindi ko maiwasang matawa nang maalala ko ang sinabing iyon ni Cadie sa akin. Yes, as in Cadie Arciego. Kahit naman nasa iisang building lang kami nagta-trabaho ay hindi naman kami nag-uusap. Hindi pa nga kami nagkaka-salubong madalas. And that's okay. It's not necessary naman na palagi dapat kaming magkasalubong. Hindi ko lang nakakalimutan iyong huling usap namin na dalawa. Iyon iyong pumunta siya sa opisina ko para humingi ng sorry. Sabi niya kasi sa akin, iyong sorry raw na iyon ang pinaka-sincere sa buong mundo. Haha, natawa ako sa kaniya. Hindi ko lang ine-expect that time na magjo-joke siya sa akin. Nagulat ako, siyempre. Sinabi ko na lang na okay lang past naman na iyon. Humihingi siya ng 'sorry' sa pagbangga niya sa akin. Sabi niya, he felt like he needed to say those words to me... again. Kasi nga no'ng una hindi ko naman tinanggap. Ang init ng ulo ko noon, eh. Um-oo na lang ako sa kaniya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin that time dahil biglang dumating si Fabella. After that, hindi ko na siya nakausap ulit... hanggang ngayon. Nagkikita naman kami after no'n, halos araw-araw pero panay ngitian lang kami. That time nawala na nag inis ko sa kaniya. Tutal humingi naman siya ng tawad sa pagkabangga sa akin, ng dalawang beses at may sinseridad... iyong isa. Marami kasing problema sa company namin at kailangan naming mag-pay attention. Isa-isa na talagang nagsisi-alisan ang mga investors namin no'n. Ngayon naman ay na-aksyonan na namin ni Kuya Boss iyon. We did everything para ma-isalba ang kompanya. Nabunutan na kami ng mga tinik ngayon. Naayos na ang problema. Pero, siyempre, may say na naman sila Tabi. Kasalanan ko raw. Tsk! Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Naging maayos naman na ang lahat sa amin. Isa na lang talaga ang kulang. Kahit PI or Private Investigators ko'y hindi siya mahanap. Hindi naman ako makahingi ng tulong kay Kuya Achill. Not now... hindi ko pa na-ita-tama ang lahat ng pagkakamali ko noon. I missed him so much. I want to hug him now. Minutes later, I received a call from my mother. Agad ko naman itong sinagot. "Papunta na riyan ang Daddy mo, Fe. Sumabay ka na-uwi," bungad ni Mommy sa akin. Tumango naman ako kahit hindi niya naman nakikita ngayon. "Opo." "And Fe, naalala mo pa ba iyong anak ni Isabella? I-date mo kaya!" Napangiwi ako sa sinabi ni Mommy sa akin. "Mom, hindi ako nagbibiro. Ayaw ko mag-asawa. Ayaw ko magka-boyfriend," sabi ko kay Mom. Sadyang hindi lang talaga ako ready na pumasok pa sa isang relasyon. When he left me, sinabi ko sa sarili ko na I'll spend my life waiting for him to comeback. I will spend my life helping my family to our business while I am waiting. Hindi ako magsasawang maghintay sa kaniya. Hindi ako magsasawang maghanap kung nasaan man siya ngayon. Hindi ako magsasawa pagdating sa kaniya. "Gusto mo bang tumandang dalaga, ha?" tanong sa akin ni Mom. Nai-imagine ko na naka-pameywang na ito ngayon. "Kalma, Mom. Hindi ako tatandang dalaga. Bata pa ako, eh." "Hay naku, Fe! Trenta ka na kaya!" Natawa na lang ako. "Ang OA mo, Mommy. Twenty-nine pa lang ako. Hindi trenta, kalma lang, pinapatanda mo ako kaagad," sabi ko pa sa kaniya. Bakit ba kasi sila gusto na akong mag-asawa? Kahit mga kaibigan ko ay hinahanapan din ako ng asawa. Sa ngayon, hindi ko pa kailangan iyon. Nagpaalam na lang ang Mommy ko pagkatapos nagpasya na akong umalis sa rooftop. Baka nandoon na si Daddy sa opisina ni Kuya Achill. Gaya ng sinabi ni Mommy ay sasabay ako kay Dad pauwi. Sumakay ako sa elevator at nagtungo sa floor kung nasaan ang opisina ni Kuya Achill. 'Yon kasi ang dating opisina ni Daddy no'ng siya pa ang CEO ng company namin. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko maiwasang mapataas ang kaliwang kilay ko nang matanawan ko ang pamilyar na tindig. Malayo pa lang ay nakilala ko na siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba, ewan ko, kung bakit naman ako makakaramdam ng kaba. Kumakabog kasi ang dibdib ko. Magkakasalubong kaming dalawa. Napansin niya rin na magkakasalubong kami. Nang metro na lamang ang layo naming sa isa't isa ay tumigil kami pareho. Ngumiti siya sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. "It's been a while." "Kumusta?" Sabay kaming nagsalita kaya natawa rin kami pareho. Ako ang nagsabi ng 'Kumusta?'. Sa bibig niya naman lumabas iyong isa. "Kamusta ka naman?" ulit kong tanong sa kaniya. Medyo natatawa pa ako. "Okay lang naman. Ikaw?" tanong nito sa akin. Napatitig ako ng diretso sa kaniya. Nakasuot siya ng suit. Ang lawak din ngayon ng ngiti niya sa akin. Napansin ko rin na parang bagong gupit siya. Mas malinis na naman kasi siyang tingnan. "Nagiging okay na, okay na rin ang company, eh," sabi ko naman sa kaniya. Which is true. Grabe iyong stress ko no'ng hindi pa nare-resolba ang problema ng kompanya namin tapos panay dagdag pa ang magkapatid na Tharina at Tabitha. Tsk! Sa tingin ko rin ay isa sa naging dahilan ang pagkakaroon ng aksidente ni Kuya Achill because he didn't show up for months. Eh siya hinahangaan ng mga investors namin. Siya talaga ang maging sa communication. Kaya sa kaniya talaga na-ibigay ang responsibilidad na ito kaysa sa pinsan namin na si Tharina. "So... can I ask you out for coffee?" tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat ako ngunit agad din namang natauhan. Hindi ko lang talaga inaakalang iyon ang sunod niyang sasabihin. "Y-Yeah, yeah, sure. Papaalam muna ako sa Daddy ko. Nasa CEO's office niya." Tinaasan niya naman akong ng kaliwang kilay sa sinabi ko. "What?" "Daddy's girl ka ba?" tanong niya sa akin. Natawa na lang talaga at nahampas ko siya sa braso niya. Parang tanga kasi. Napatingin naman siya sa braso niya na nahampas ko. "Sorry, na-carried away lang," sabi ko pa sa kaniya. He laughed. "It's okay..." "Hindi ako Daddy's girl. Isasabay kasi ako ni Dad pa-uwi ngayon so magpapaalam ako na hindi na ako sasabay," paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti lang siya. "Alright. Hintayin na kita sa kotse ko sa may parking lot," sabi nito. Tumango-tango na lang ako sa kaniya. Nag-ngitian lang kami pareho bago kami naghiwalay. Dumiretso ako sa office ni Kuya Boss kung saan nandoon si Daddy. Magpapaalam ako. And about kay Cadie... I think we could be friends. Friendly naman akong tao. Pero, hindi na ako open na makipag-kaibigan sa iba pang mga babae. Nangyari one-time tapos tinraydor lang ako katulad ng panta-traydor ni Hanna sa bestfriend niya. Kontento na ako sa mga babae kong kaibigan ngayon. Si Carmie, Acelyn, Acezel and Fabella. I am contented with them. Ayaw ko na silang dagdagan pa. Gaya ng inaasahan ko ay nandoon nga si Daddy sa opisina ni Kuya Boss. Wala ngayon si Kuya Boss dahil nga may lakad sila ng tunay niyang fiancé ng pinakamamahal niyang babae since school days. His bestfriend s***h girlfriend soon to be Montinelli. "Hi, Daddy ko," tawag ko sa atensyon niya. Lumapit ako sa kaniya at kin-iss ko siya sa pisngi niya. Ngumiti siya sa akin. "I will just talk to Jana then we can go home," sabi pa ni Daddy. Si Jana ay ang secretary ni Kuya Achill. "Uh, Dad. May nag-aaya kasi sa akin na mag— " Hindi pa man ako tapos magsalita ay pinangunahan na ako ni Dad. Napangiwi naman ako "Oo naman, sige na. Hindi na kailangang magpaalam, baka iyan na ang the one mo," sabi nito sa akin. Wtf?! Anong the one? See? Kahit ang Daddy ko ay pinipilit na rin akong mag-asawa. Napasimangot naman ako. "Dad naman, wala nga sabi akong balak mag-asawa." Nagkibit-balikat lang si Dad sa akin at pinaalis na ako. Goodness. Pati siya ay ipinagtatabuyan na ako. Hindi na nila ako mahal! Joke. I know that they love me, kaming dalawa ni Kuya Boss. Sobra. Buti na lang talaga ay hindi kami katulad ng ibang CEO movies na napapanood ko. I mean, ‘yong family ng isang may-ari ng malaking kompanya. Like, sobrang distant ng bawat isa sa pamilya nila. Kulang sa love— ibang-iba kami roon and I am thankful. Kahit na sa movies ‘yon. Alam ko naman na may pamilya na gano’n sa real world— at may kakilala ako. Puro na lang away, tapos trayduran. Ang suwerte ko na talaga sa family Montinelli, sa angkan ni Achiles. Hehe. Napabuga ako nang malakas na hangin. Dala ko ang purse ko ay nagtungo na ako sa parking lot pagkagaling ko sa opisina ni Kuya Boss. Natandaan ko naman kung saan siya nagpa-parking kaya mabilis kong nahanap kung nasaang parte siya ng parking lot. Nakita ko naman siya, nakatalikod siya sa akin. Tinanggal niya na ang suit coat niya. Iyong polo with long sleeve na lang ang suot niya ngayon. "Hi," bati ko sa kaniya. Dahan-dahan niya naman akong nilingon. Hindi ko maiwasang mapanganga. When I first saw him, alam ko na may itsura siya. Kaso hindi ko naman ganoong pinansin dahil nanguna pagkainis ko sa kaniya. Banggain ba naman ako, ang sakit kaya sa balakang! Kaya siguro nasasabi ko sa utak ko ito dahil matagal-tagal din kaming hindi nag-usap. Mga two weeks gano'n. Haha, as if naman close kami para araw-araw na mag-usap. Pero malay mo naman 'di ba? Maging close kami, puwede rin naman aming maging kaibigan. Kahit na... Kahit na disaster ang first meet up namin. "Hello. Let's go?" he asked me with a smile. Napangiti na lang din ako, pero naman hindi ko inaasahan na ilalahad niya ang kamay niya sa akin. Nagulat ako, I suddenly felt awkward. "Friendly date lang 'to 'di ba?" I asked him Kahit na wala naman siyang sinasabi na date ito. Magkakape lang kami 'di ba? Mabuti na ang naniniguro. Hindi ako open sa manliligaw. Joke! As if naman liligawan ako ng lalaking ito. Natawa siya sa sinabi ko. "Friendly date lang," sabi nito. Tumango na lang din ako at inabot ko na ang kamay niya.   For the second time... naramdaman ko na naman ang mga kuryenteng nagsidaloy sa mga ugat ko nang maghawak kamay kami. Iginiya niya ako papunta sa pinto ng passenger's seat. Binuksan niya pa ako ng pinto at inalalayan na makapasok. "Ang gentleman mo naman," biro ko sa kaniya. "May ganiyan ka pa lang talent." Ngumiti lang siya sa akin. "Fasten your seatbelt, Faith." Napataas naman ang kaliwang kilay ko. Did he just call me, Faith? Hindi niya naman siguro na-misheard ang pangalan ko 'di ba? At saka ang imposible naman na hindi niya nakita sa name plate ko nang pumasok siya sa opisina ko. It's Fe, not Faith. "I am Fe," sabi ko pa sa kaniya. "Yeah, right." Isinara niya na ang pinto ng passenger's seat. Pinanood ko lang siya hanggang sa pumasok siya sa sasakyan. Pinaandar niya na ito. "Saang coffee shop tayo?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at sa akin. Sigurado naman ako na hindi iyon malayo kasi unang-una nasa syudad na kami, lalayo pa ba ang coffee shop? May mga coffee shop kaya na malapit dito, marami-rami rin. Pumili ka na lang kung saan. May coffee shop sa tapat ng A Company. Iyong building nila Keith, meron din everywhere. "Saan mo ba gusto?" he asked. "Ikaw? Saan mo ba gusto?" tanong ko namn pabalik sa kaniya. "Sa kung saan mo gusto." Normal na talaga ito sa mga tao. Nahihirapan pang mag-desisyon. "Kahit saan na lang. Ikaw bahala," sabi ko sa kaniya. Sa daan lang ako nakatingin, hindi rin mabilis ang takbo naming dahil medyo traffic. "Hindi na coffee shop iyon." Natigilan ako sa kaniya. Na-realize ko naman bigla kung ano iyong nasabi ko. Kahit Saan... Natawa ako. "Seryoso? Alam mo rin iyong lugar na iyon?" Nilingon ko siya. May ngiti pa rin sa labi niya. "Yes, my cousins owned it," sabi nito na mas lalo kong ikinagulat. Kahit na hindi ko sabihin sa kaniya na restaurant ang tinutukoy ko ay nakuha niya kaagad. Napa-ayos ako ng upo at hinarap ko siya. "Sila Koleen at Soleen?! Pinsan mo? Are you even serious?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nagulat lang talaga ako. Pinsan niya pala ang magkapatid na iyon? "I'm serious," he said, and he smirked. Akalain mo nga naman. Sobrang liit lang talaga ng mundo naming dalawa. Bigla akong naging interesado. "Tell me about yourself more," sabi ko pa sa kaniya. Ano ba itong lumabas sa bibig ko? He chuckled. "Sa friendly date na natin, Faith." Napasimangot ako nang tawagin niya na naman ako sa pangalan na Faith. Friendly date. Okay lang, ako rin naman ang nagsabi sa kaniya ng term na iyan pero bakit iba pakiramdam ko? Faith. Iyon ang hindi okay, two letters na nga lang ang pangalan ko, mali pa siya!   "Fe nga ang pangalan ko!" "Right," sabi niya na lang. "So, sa KS na tayo?" tanong niya. Tumango-tango na lang ako sa kaniya. "Let's go," sabi ko at napangiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD