EIGHT: GETTING TO KNOW EACH OTHER?

2326 Words
Fe's Ipinasok ko sa utak ko na friendly date lang talaga ito. Pagdating namin sa KS or Kahit Saan restaurant ay nag-order kaagad kami ng pagkain. Medyo maraming customer ngayon sa restaurant dahil dinner time. "Do you leave your car in the Montinelli's parking lot?" Medyo nagulat ako sa biglang pagsasalita niya, pati na rin sa tanong niya. Hinihintay namin ang pagkaing in-order namin.  Siguro ay nag-iisip lang siya ng topic naming dalawa. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon. 'Tell me about yourself more...' Napaghahalatang naging interesado ako. Ang liit lang kasi talaga ng mundo. Pero sa problema ko, sana lumiit naman ang mundo namin. Nawawalan na ng pag-asa ang mga PI ko. Ang galing kasing magtago ng walang'yang iyon! Ang galing niyang magtago at itago. Kapag talaga nakita ko siya, sasapakin ko na muna siya ng sampung beses. Tutal, sampung taon na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nakakapikon siya sa totoo lang. "Wala akong sasakyan na iniiwan doon," sagot ko naman sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya. Bakit niya nga pala natanong? "Why did you ask?" tanong ko sa kaniya. "Nagtataka lang kasi ako. I never saw your car again," sabi niya. Ako naman ang napakunot ang noo. Siguro ang sasakyan na tinutukoy niya ay 'yong gamit ko noong first day niya sa Montinelli. "Hindi sa akin 'yon, sa pinsan ko 'yon. Kilala mo naman si Rhys 'di ba?" Parte si Rhys ng Montinelli Company kaya malamang ay kilala niya naman na ito, sa Paris nga lang siya halos namamalagi. Pero last week ay umuwi siya rito. He personally talked to Achill tungkol sa naging problema ng kompanya. "I see. Bakit? Wala ka bang sariling sasakyan?" He asked me. Natawa na lang ako sa tanong niya. Sabi ko, 'Tell ME about yourself more' hindi ko namang sinabing 'I'll tell YOU more about myself.' Parang ako ang topic namin, pero hindi na lang din ako nagreklamo. "I have a lot," natatawang sagot ko sa kaniya. "Pero hindi ko naman madalas gamitin. Marunong naman ako magmaneho pero hindi ko trip madalas kaya kadalasan 'yong mga binibiling kotse sa akin ay binebenta ko na lang. May sarili naman akong driver kaya okay lang," sabi ko sa kaniya. Totoo 'yon. Kapag sa condo ako nags-stay, susunduin lang ako ng driver namin. May contact naman ako, eh. "Binebenta mo?" he asked. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. Tumango-tango na lang din ako sa kaniya. "Yes," I answered. "Bakit?" "Ibinibigay ko sa mga nangangailangan ng pera once na-benta ko. Idino-donate ko, gano'n. Mai-stock lang kasi kung hindi ko ibebenta. Kilala mo naman si Keith 'di ba?" tanong ko pa. Naalala ko bigla no'ng sinabi sa akin ni Keith na si Cadie pala ang tinutukoy niya na kaibigan niyang gustong pumasok dito sa company namin. Congrats. Nakapasok na siya at walang kaso sa akin iyon. Siguro kung inis na inis pa rin ako sa kaniya no'n. As in sobrang inis, baka natanggal ko na siya sa trabaho, but he actually saved me from those holdaper, kaya naging okay na lang din sa akin. Kapag naalala ko ang mg nangyari no'n, hindi ko lang maiwasang isipin na si Cadie ang papatay sa akin. Una, binangga ako ng sasakyan niya! Pangalawa, nahiwa niya ako ng matalim na kutsilyo. Speaking of 'hiwa', I'm thankful na magaling na ito ngayon. Mag-iiwan nga lang ng peklat ito. Hindi ko na aaksyunan. Hahayaan ko nang magka-peklat ako sa kanang hita ko. Remembrance. "Yes. I know him," sagot nito sa akin. Tumango na lang ako. "So alam mo rin na may foundation sila with her brother. Iyong R's?" Cadie nods at me. "Yes." "Kadalasan doon ko idino-donate," sabi ko na lang. Tinitigan niya naman ako ng ilang segundo. Hindi na siya nagsalita kaya nakaramdam ako ng ilang. "Change topic," basag ko sa katahimikan. Napatikhim pa ako. Buti na lang talaga ay dumating na ang pagkain namin. Nang mai-serve ito sa lamesa namin ay agad kaming nagsimulang kumain ni Cadie. "Akala ko ba, you will tell me about yourself?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko siyang napangiti. Napangiti na rin ako.  Totoo nga talaga ang sabi nila, smiling is contagious. "Okay, ask me questions, and I'll just answer it."  "Honestly?" "Definitely," sagot nito sa akin. "Kahit personal?"Mala-demonyo akong ngumisi sa kaniya. Isa sa mga natutunan ko kay Fabella. "Go. Kung ayaw ko namang sagutin, hindi ko sasagutin," sabi niya. Napatango na lang ako. Ano ba ang gusto kong malaman sa kaniya.  "Paano kayo naging magkaibigan ni Keith Armalana?" tanong ko pa. Kumakain lang kami, ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "We're schoolmates," sabi nito na ikinatigil ko na naman. Talagang palagi akong natitigilan sa kaniya. Schoolmates? If they're schoolmates, then we're schoolmates too back then! But he's not familiar to me. I haven't seen him before. "So, schoolmates din t-tayo noon?" nag-aalangan pang sabi ko. Schoolmates kami ni Keith noon. Kung schoolmates silang dalawa eh di schoolmates din kami! "I guess so," sabi niya. "Next question." Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon. "How old are you?" I asked. "29." Magka-edad lang pala kami? "Do you have a sister?" sunod na tanong ko sa kaniya.  "Yes."  Naging interesado lang ako lalo nang nalaman ko na may kapatid siyang babae. Katulad din kaya siya ni Kuya Achill? Mapang-asar? But Kuya Boss loves me so much. I feel that.  "May I know her name?" I asked. Cadie smiled at me bitterly. "Vera," sabi nito. "Vera ang pangalan niya, she died years ago." Naging malungkot ang boses nito. Hindi ko na rin napigilan na maging malungkot. Hindi lang pala smiling, pati na rin ang 'sadness'. They are contagious. "Oh, sorry if nabanggit ko siya," I said. "It's okay, next question," sabi nito. Umiling na lang ako. Para talagang nasa hotseat kaming dalawa. "I guess that's enough," sabi ko pa. Tinaasan niya ako ng kilay. "So... It's my turn now?" Napairap ako. Hindi kaagad ako na-inform na ako rin pala ay i-interview-hin. So, getting to know each other ba itong friendly date na 'to? "Sige. Basta huwag lang personal," sabi ko. Tinitigan niya naman ako, napatingin din ako ng diretso sa mga mata niya. The color of his eyes is brown. Ang ganda lang tingnan. Para akong na-hipnotismo nito at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ngumisi. "Fine, kahit anong tanong." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ngumisi siya sa akin. "Bakit Faith lang ang pangalan mo?" tanong nito sa akin. Napangiwi naman ako. Anong Faith! "Cadie," I called him. "It's Fe, not Faith," ulit ko na naman na pinaalala sa kaniya. "Yeah. Whatever. What's your answer?" Cadie asked. "Kasi sabi ng Mommy ko, para raw hindi ako mahirapang magsulat. Pabor naman ito sa akin na dalawang letra lang pangalan ko kaysa ang haba-haba katulad ng fiancé ni Kuya Achilliance." Alam ko na aware siya kung sino ang fiancé ng kapatid ko. Usap-usapan iyon sa buong bansa nang maging official sila. "Carmie?" he asked. Sabi na, kilala niya. Tumango ako sa kaniya. "Parang hindi naman ganoon kahaba ang pangalan niya. Six letters," dugtong nito. Siguro akala niya Carmie lang ang pangalan ng fiancé ni Kuya Achill. "Hindi lang Carmie ang pangalan niya. Nickname niya lang iyon. Ang buo niyang pangalan ay Carmielia Margarette Joy Alonzo. Now, tell me na hindi naman ganoon kahaba," natatawang sabi ko sa kaniya. Natawa na lang din siya. "Binabawi ko na. I thought, she was just Carmie." "Haha! May karugtong pa," sabi ko naman. "Ano? Wala ka na bang itatanong? Isa lang?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako ng diretso. Medyo naiilang ako kapag tinititigan niya ako ng diretso. Brown eyes... "How are you?" tanong nito sa akin na hindi ko na naman inaasahan. Kamusta ako? 'Di ba, sa building pa lang ay nagtanungan na kami niyan? "Okay naman ako," I said and chuckled. Iyon na 'yon? Siguro out of questions na siya. Wala naman kasing interesting sa life ko bukod sa anak ako ni Achiles Montinelli na milyones ang pera ay wala naman nang ibang tungkol sa akin. Sa totoo lang. Parang normal lang akong tao katulad ng iba. Hindi naman kasi kami pinalaki nila Mommy na mga spoiled. Dito nga kami nag-aral sa Pilipinas kahit na gusto ng Lolo ko na si Elison Montinelli.  Si Daddy ko rin naman. Like, Kuya Achill, iba ang ugali niya. Iba ang pakikitungo niya sa mga tao kapag hindi na business ang pag-uusapan. He used to be kind, lovable and funny one. Mahilig niyang asarin iyong bestfriend niya na si Carmie. Naalala ko na noong una ay hindi talaga sila magkaibigan, more on away sila. Pikon na pikon palagi no'n si Carmie. Naging kaklase ko siya once kaya napansin ko talaga. Napansin ko kung gaano siya ka-pikon sa kapatid ko. Pikon kasi siya kaya tuloy hindi siya tinantanan ni Kuya Boss. Hanggang sa ayaw nang mawala ni Kuya Achill sa radar niya si Carmie. "I noticed that you're constantly stressing yourself up. Are you still okay?" tanong niya sa akin "Okay lang naman ako. Sanay na ako halos sa stress sa opisina. Mag-iisang dekada na akong nagbibigay ng serbisyo sa Montinelli, eh," sagot ko naman sa kaniya. It's true. Nang maka-graduate ako sa college ng business ad ay nag-trabaho na kaagad ako sa amin. Siyempre, nag-start ako sa una, I mean, sa pinakamababang posisyon hanggang sa na-achieve ko 'tong posisyon ko after years. I'm a COO of this company. COO or Chief Operating Officer. No'ng time yata na nagsisimula pa lang ako ay nagta-trabaho rin si Kuya Boss at Tharina. Nagko-kompetensyahan sila no'n... kung sino ang mas karapat-dapat na CEO kasi magbibitaw na sa posisyon si Daddy. He's not bias. Kaya dinaan doon ang lahat, well, napatunayan naman ni Kuya Boss na kaya niya at responsable siya kaysa sa pangit na Tharina na 'yon. "Mainitin ba talaga ang ulo mo?" tanong niya na naging dahilan upang magtawanan na naman kami. "Ano ba sa tingin mo?" "Yes," sabi nito. "Hindi naman madalas mainit ang ulo ko," sabi ko pa. Naalala ko nang sinigawan ko siya. That time, mainit talaga ang ulo ko. Noon din ay nakita ko siya, sinubukan kong habulin sa kabila ng kalsada pero nga nabangga na ako. "Really?" "Oo, minsan lang kapag mainit din ang panahon," natatawang sabi ko na lang. Tatanungin ko sana siya kung may itatanong pa siya pero ayon, naunahan niya na ako ng tanong. I mentally grimaced. "Wala ka bang balak na mag-asawa?" Okay, sabi ko nga palagi akong nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya. Lalo na ngayon! Hindi ko inaasahan... na, what? Pati rin siya? Pati siya tatanungin ang pag-aasawa ko? Kinalma ko lang ang sarili ko. "Wala," sabi ko at pagkatapos ay nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Why?" he asked. Why he's asking me that? Ibig sabihin lang ba niyan ay interesado rin siya sa akin? Pero bakit ang pag-a-asawa ko na kasi ang naging topic niya? "First of all, ang bata ko pa. 17 years old pa lang ako," biro ko pa. "Mukha lang akong trenta," dugtong ko. He just made a 'tsk', sound. "And the second one?" "Secondly... hmm," I paused. Nag-aalangan pa ako na sabihin sa kaniya pero hindi naman kailangang detailed. He doesn't know everything about me. Hindi niya naman ako ija-judge. I looked straight on his eyes. Hindi ko maiwasang mapatitig at mamangha sa mukha niya. He's handsome, I will admit it. Isa rin iyong mga mata niya, lalo lang siyang gum-wapo. I realized that I looked stupid while looking straight on his eyes. Hindi ko na rin napansin na napanganga pala ako. Kaya bago pa man tumulo ang laway ko ay isinara ko na ang bibig ko. Napatikhim ako at nag-iwas muli ng tingin sa kaniya. "Eherm, pangalawa, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapakasal hangga't hindi ko pa siya nakikita muli. I won't fall in love to someone hangga't hindi ko siya nakikita," sabi ko sa kaniya. Dahan-dahang napakunot ang noo niya. "Sinong siya?" he asked. He's interested in me. Mutual lang. Siguro nagiging friendly lang kami pareho, and that's okay with me. "The right one," sabi ko at nagkibit-balikat. Half-truth lang 'yon. Ibang siya ang tinutukoy ko. Naalala ko lang kasi iyong sinabi ni Papa kanina na right one. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Cadie ang tungkol sa kaniya kahit pa gumagaan na ang loob ko sa lalaking nasa harap ko iyan. Yes, medyo gumagaan na nga ang loob ko sa kaniya. Akala ko literal na mayabang siya! Hindi naman pala. Nainis lang talaga ako sa kaniya ng sobra weeks ago. "Right one?" He sneered. Tumango-tango naman ako. Magsasalita pa sana ako pero biglang may tumunog, and that is his phone. Kung tatanungin talaga ako kung bakit ayaw kong mag-asawa... iyong totoo? Ang isasagot ko ay dala na ako. Ayaw ko na, ayaw ko nang magmahal ulit. "Answer it," sabi ko na lang sa kaniya nang mapansin ko na nagda-dalawang isip pa siya kung sasagutin niya o hindi. Ginawa niya ang sabi ko. Tumayo siya at lumayo sa akin upang sagutin ang tawag at kausapin ang tumawag. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Minutes later ay bumalik siya. "I'm so sorry, Fe. I need to go, ihahatid na lang kita sa inyo," sabi nito. I raised my two hands and shook it. "No need," sabi ko na lang. "Kaya kong umuwi mag-isa." Tiningnan niya naman ako sa mukha ng diretso na naman pagkatapos ay inilingan niya ako. "I insist. Remember what happened that night?" sabi nito. Natahimik naman ako. "Come on," yakag niya sa akin. Wala na akong nagawa. We paid the bill at saka kami umalis. I wonder kung sino 'yong tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman na kailangang malaman pa 'yon. Tahimik lang kami hanggang sa ma-ihatid niya ako sa condominium. "I had a great night. It's nice talking to you," sabi niya bago siya umalis. May pupuntahan pa siguro siya. Napakibit-balikat na lang ako at nagdire-diretso na sa unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD