Yssabela NALAMAN ko na lamang na na-transfer si Joshua sa Manila. Nag-request ata ang abogado ng pamilya niya na i-transfer si Joshua roon. Actually, wala na rin naman akong balak na magsampa ng kaso. Ang gusto ko na lamang ay huwag na siyang magpakita sa akin. Kinausap na rin ako ng parents niya, and I told them my condition for not filing the case. Pumayag sila at sinabi na dadalhin na sa States si Joshua. Pumayag naman ako at umaasa na hindi na ako guguluhin nito. “Malapit na ang finals!” Hindi ko akalain na ang lapit na pala ng final examination namin. Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko, ang bilis ng pagdaan ng mga araw at buwan. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko na namang mag-aral. Inayos ko ang mga gamit. Mukhang gagawin ko na namang tambayan ang library nito. Bago pa

