Yssabela “YSSA! Sandali lang. Sasama ako!” Nakasalubong ko si Lola at sinabi ko sa kanya na may kailangan lang akong puntahan. Sumakay na ako ng tricycle para mas mabilis at makarating kaagad sa Vista Hotel. Isa ito sa pinakasikat at malaking hotel dito sa Buenavista. Galit man ako kay Joshua at kung pwede lang ay sakalin ko rin siya, hindi ko hahayaan si Elia na dungisan ang kanyang kamay para sa akin. Baka mamaya ay siya lamang ang mapahamak! “Hindi naman siguro makakapasok si Elia sa loob ng hotel, ‘no? I mean, confidential ang information ng mga guests sa hotel. Hindi siya makakarating sa kung nasaan si Joshua…” Iyon na lamang ang sinabi ko para lamang gumaan ang nararamdaman. Ayokong may gawin si Elia na ikakapahamak niya sa huli. Hindi nagsalita si Alessia, pero may hindi ako

