Yssabela SIGURO ay kung ano-ano nang ideya ang pumapasok sa isipan ni Elia nang makita niya si Lysander. Hindi naman gaanong pinagtuunan ni Lysander si Elia nang pansin. “Naandito ako para sunduin ka. Pinapunta ako ng daddy mo para masundo ka at may kasama ka pabalik ng Manila. Are you okay?” Nanunuyo ang lalamunan ko. Bakit siya naandito? Pinapunta siya ni Daddy? Bakit—Bigla kong na-realize ang dahilan. He wanted Elia to meet Lysander. Alam ko na may gusto siyang ipakita o patunayan kay Elia. “Kung tapos ka nang dalawin ang kung sino mang dadalawin mo rito, umuwi na tayo. Mukhang pagod ka na rin, Yssa.” Hinawakan ni Lysander ang aking kamay. Napatingin ako roon at hindi kaagad nakapag-react. Mabilis ang nangyari. Nakita ko na lang bigla na tumayo si Elia at itinulak papalayo si Lysa

