KABANATA 3: TYPE

2811 Words
Yssabela NAKAHALUKIPKIP ako habang hinihintay na dumating si Elia. Ang sabi kasi ni Lola sa akin ay susunduin daw ako nito para sabay na kaming makapagpa-enroll. Kinausap ko si Lola regarding Elia pero mukhang gustong-gusto niya ang lalaking iyon. “Mabait si Elia. Mapagkakatiwalaan ko siya sa paggabay sa ‘yo rito sa Buenavista. Busy rin kasi si Esme kaya maaaring hindi ka niya masamahan kung may gusto kang puntahan,” sabi ni Lola sa akin. “Boluntaryo rin naman na pumayag si Elia.” Nakakainis! That guy is getting on my nerves. Sa tuwing nagkikita kami, wala naman kaming napag-uusapang maganda. Parati kaming nagbabarahan na dalawa at halata naman na ayaw niya sa akin at ganoon din ako. Gwapo naman talaga ang lalaki at matipuno. Moreno ito at magaganda ang mga mata. Bagay rin sa kanya ang magulong buhok. Matangos ang ilong at may perpektong labi. All in all, harmonized ang kanyang facial features. Iyon nga lang, kung anong kinagwapo ay siya ring kinagaspang ng ugali. Nagkausap na rin kami ni Dad kaninang umaga. Sinabi nila sa akin na kapag naging mabait ako ng isang semester, kukunin nila ako at ibabalik sa Manila. Siguro ay magtitiis na lang ako. Magpapakabait ako kahit mabait naman talaga ako. Ipinarating niya rin sa akin na since nasa Buenavista ako, ika-cut niya ang allowance ko para raw matuto akong mag-budget! Unbelievable! May tumigil na tricycle sa harapan ko. I never ride this kind of transport dahil hatid-sundo ako kahit saan ako magpunta ng car namin. Bumaba si Elia at nagsalubong ang tingin naming dalawa. “Sakay ka na para makarating kaagad tayo sa school.” Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya. Narinig ko ba siya ng tama?! “Ha?!” Hindi ko napigilang mapasigaw. Tumingin ako sa tricycle. “Pasasakayin mo ako riyan? Look at my outfit! Naka-heels pa ako.” Ikiniling niya ang kanyang ulo at para bang pagod na pagod na siya sa akin. “Wala akong kotse para roon ka pasakayin. Kung ayaw mo, maglakad tayo papunta ng school.” Halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. No way! Maglalakad ako from here?! “Ayoko!” angal ko. “See? Kaya sumakay ka na. Iyan lang ang pwede mong sakyan dito.” Kinagat ko ang aking labi at gusto pang magprotesta pero hindi ko na nagawa. “Elia, naandito ka na pala.” Narinig ko ang boses ni Esme. Nang tumingin ako sa kanya ay malawak siyang nakangiti kay Elia, pero nang mapatingin sa akin ay medyo nawala iyon. “Oo, tara na. Sumabay ka na rin, Esme. Sabay-sabay na tayong pumunta ng school.” Ngumiti si Esme at pumasok sa loob ng tricycle. Pumunta si Elia sa likod ng driver. Nang mapansin niya na hindi pa ako sumasakay ay nagsalita siyang muli. “Gusto mo ba talagang maglakad?” Inirapan ko siya at wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng tricycle. Tahimik lang ako pero nakabusangot pa rin ang aking mukha. Nakahalukipkip ako at hindi ko mapigilan na magmaktol. Paano ako natitiis ni Dad nang ganito? Nakarating kami sa school. Medyo maraming tao na nang magpunta kami sa registrar. “Elia, Esme!” Napansin ko ang dalawang babae na kaibigan ni Esme. Nagbatian sila na akala mo ay isang taon na hindi nagkita. Napansin nila ako kaya binati rin ako ng mga ito. “Hi,” sabi nila. Ngumiti ako at tumango bilang pagbati na rin. Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin sina Basil at Tomas kaya lalong umingay ang grupo nila. Naglakad kami papunta ng registrar. Doon ko napagtanto na sina Basil, Tomas, Elia, at ako ay business related courses ang kukunin. Sina Esme at ang dalawa niyang kaibigan naman ay accountancy. “Isasama na namin itong pinsan mo, Esme. Pare-pareho naman kami ng course,” sabi ni Elia. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako nito. Napansin ko si Esme na nakatingin lamang sa amin at para bang may gustong sabihin. Sobrang hirap magpa-enroll! Matapos kong makapunta ng registrar ay pinapunta ako ng cashier. Ang problema, nagtutulakan sa pila at hindi maayos ang queuing! Naupo ako sa isang bench dahil sumuko na ako. Mamaya na ako pipila kapag kakaunti na ang tao. Ang sakit na rin kasi ng paa ko. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang lalaki. Kahit hindi ako tumingin sa kanya, kilala ko ang boses na iyon. Kumulo kaagad ang aking dugo at napairap sa hangin. “Obviously, I am seating,” sarkastiko kong sagot sa kanya. “Bakit? Hindi ba dapat nakapila ka sa cashier?” Tumingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. “Look at them! Ang daming tao. Hindi maayos ang queuing at nagsisingitan sa pila. Mamaya na lang ako pipila kapag wala nang masyadong tao.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. For some reason, hindi ko makayanan na titigan siya nang matagal. “Aabutin ka ng hapon dito kung ganoon ang gagawin mo. Mas dadami ang tao mamaya. Pumila ka na,” sabi ni Elia sa akin. “Masakit na ang paa ko. Mamaya na lang or bukas or whenever!” I massaged my legs. Nanatiling nakatitig sa akin si Elia at hindi ko na siya pinansin. Kung hindi niya ako mahihintay mamaya, e ‘di umuwi na siya! Kinuha niya ang mga gamit na nasa tabi ko kung saan naroroon ang pambayad ko sa tuition at ang ipapakita ko sa cashier mula sa registrar. “Naandito na ba lahat ng kailangan mo sa pagpapa-enroll?” Naguguluhan pa ako sa tanong niya pero tumango ako. “Wait here,” sabi niya at umalis. Nakakunot pa rin ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya. Nagkibit-balikat na lang ako at minasahe ulit ang aking binti. Kinuha ko ang cellphone ko at mabuti naman may signal dito! Agad akong nag-chat sa mga friends ko at sa boyfriend ko. Me: I miss you! Hindi ko pa ulit sila nakakausap dahil ang hirap ng signal. Janela: Buhay ka pa pala! Miss ka na namin! Marianne: Ang gaga, nagparamdam na! We miss you, girl! Napangiti ako habang nakikipag-usap sa mga kaibigan. Naghihintay naman ako ng reply kay Joshua pero hindi pa ito nagre-reply. Napanguso ako. “Here.” Nagtaas ako ng tingin nang may makitang papel sa aking harapan. Nakita ko si Elia na may inaabot sa akin na resibo. Kinuha ko iyon at naguguluhan pa. Nang makita ko kung tungkol saan ang resibo, napansin ko na nabayaran niya na ang tuition ko. “Nagbayad ka?” Tanong ko. “Kailangan ko nang umuwi mamaya. Hindi ko iyon magagawa kung hindi ka pa pipila sa cashier. Tara na sa department.” Tumayo ako at napatitig sa kanyang likod. In fairness, may ganitong side rin naman pala siya. Naglakad na ako kasama niya. Naabutan pa nga namin sina Esme. “Tapos na kayo?” Tanong ni Esme pero si Elia lang ang tinitingnan niya. “Oo, magpapa-print na lang ng registration form. Kayo ba?” “Mayroon na. May gagawin ka ba mamaya? Kakain kami sa labas nina April,” sabi ni Esme. Napatitig ako sa kanya. Iba talaga siyang makipag-usap kapag si Elia ang kaharap niya at ang ngiti niya ay iba rin. I wonder if they’re dating? Tumingin naman ako kay Elia. Hmm, I am not sure. Sa ganyang itsura, mukhang babaero. “May checkup si Lola mamaya. Sasamahan ko siya sa center.” Oh, right! Naalala ko na nasabi ni Lola sa akin na grandmother na lang din ni Elia ang kasama niya dahil wala na siyang nanay. Napairap ako dahil ang tagal nilang magkwentuhan. Pumasok ako sa loob ng office ng department at ipinakita ang resibo ko. Nang makuha ko ang registration form ko ay lumabas na ako. nakikipag-usap pa rin si Esme kay Elia pero ang mga mata ni Elia ay napunta sa akin nang lumabas ako ng opisina. “Uuwi na ako,” sabi ko. Masakit na rin talaga ang paa ko at malakas ang pakiramdam ko na hindi naman ako iimbitahan ni Esme sa pagkain nila sa labas kasama ang mga kaibigan niya. “Hindi ka ba sasama kina Esme?” tanong ni Elia. Napatingin ako kay Esme. Para ba siyang nagulat nang sabihin iyon ni Elia. “O-Oo nga, Yssa. Gusto mo bang sumama sa amin?” Ngumiti ako sa kanya pero peke iyon. I don’t like half-hearted invites. Iyong parang napilitan ka lang imbitahin dahil wala silang choice. “Hindi na. Uuwi na ako.” Hindi ko na rin hinintay pa si Elia. Mukhang busy pa siya sa pakikipag-usap sa pinsan ko kaya mauuna na akong umuwi. I don’t have any idea how the hell I’m going home. Paano ba sumakay ng tricycle? Wala rin namang nadaan. Habang naghihintay ako ng masasakyan o nag-iisip paano ako aalis dito, may naramdaman ako sa likod ko. Tiningnan ko siya at nakita si Elia. Medyo hinahapo pa iyon. Siguro ay tumakbo siya para maabutan lang ako. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya pero walang sinabi. “Ihahatid na kita,” sabi niya. Humalukipkip ako. “Huwag na. Busy ka, hindi ba? Sasamahan mo pa ang lola mo.” I am not being sarcastic. Totoong ayokong maabala pa siya. “Ihahatid muna kita bago ako umuwi at samahan si Lola.” Huminga na lang ako nang malalim at hindi na nakipagtalo pa. Pagod na rin ako sa araw na ito at sumasakit na ang paa ko. Tumawag ng tricycle si Elia. Pinasakay niya ako at naupo rin sa tabi ko. Bahagya pa akong nagulat nang maupo siya kasama ko. “What are you doing?” tanong ko sa kanya. “Saan mo ako gustong pauupuin, kung ganoon?” Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa bahay nina Lola. Nang makarating kami roon ay bumaba siya at hinintay ako. “How much is the tricycle?” tanong ko. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko nang magsalita si Elia. “Huwag na. Ako na ang bahala. Pumasok ka na sa loob ng bahay ninyo.” Tiningnan ko si Elia. Nakibit-balikat ako. “Thanks, then.” Tinalikuran ko na ito at pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko maiwasang maalala kung anong kahibangan ang muntikan ko nang gawin habang nakasakay kami sa tricycle. Naamoy ko kasi ang bango niya kaya medyo lumapit ako sa kanya. Hanggang ngayon nga ay naaamoy ko pa rin kung gaano kabango si Elia. I wonder kung anong cologne niya? Hindi kasi iyon ‘yong matapang na pabango na laging sinusuot ni Joshua. Ayoko nga noon dahil masakit sa ilong. But Elia’s fresh scent is new to me. Gusto ko na lang siyang paulit-ulit na amuyin. Nagulat ako sa iniisip. Napailing ako sa sarili. Ano ba naman iyan? Bakit ba ako nag-iisip ng ibang lalaki ngayon? I have a boyfriend. Speaking of boyfriend. Hindi pa rin nagre-reply si Joshua simula nang mag-chat ako sa kanya. Maybe he’s busy. Habang kung ano-anong iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako matapos magbihis at makarating sa kuwarto. Nang magising ako, napatingin kaagad ako sa orasan. Alas-dos na pala ng tanghali! Hindi ko namalayan na napasarap ang tulog ko. Bumangon ako at kaagad na hinanap si Lola. Nang makarating sa kusina, nakita ko na may note na nakadikit sa refrigerator door. Isay, Aalis lang ako. May kailangan lang akong puntahan sa kabilang bayan. May ulam at kanin sa hapagkainan. Iinit mo na lang kapag nagising ka na. Hindi na muna kita ginising kanina at tila’y pagod ka. Baka mamaya pa ako makauwi. Ihahabilin na lang kita sa pinagkakatiwalaan ko kapag hindi pa nakauwi si Esme. Lola Isabel. Napanguso ako nang mabasa ang note ni Lola. Umalis pala ito. Sana ay sumama man lang ako sa kanya. Nababagot na kasi ako rito sa bahay. Nakita ko nga na may ulam sa hapagkainan. Iiinit ko na lang iyon. Naghanap ako ng microwave. Walang ganoon dito kaya wala akong choice kung hindi ang gamitin ang maliit na oven. Pwede naman siguro, hindi ba? Inilagay ko sa tray ang ulam at ipinasok sa oven iyon. Naghintay ako ng ilang minuto para uminit ang pagkain. Kumain na ako. Panay pa rin ang pagbuntong-hininga ko habang kumakain. Kailan kaya ako makakabalik sa Manila? Kailangan ko ba talagang magtiis ng isang buong semester dito? Nang matapos ako sa pagkain, inilagay ko sa sink ang pinagkainan ko. Iniwan ko na lamang iyon doon. Babalik na sana ako sa kuwarto nang may marinig akong kaluskos sa may pinto ng bahay. Napatigil ako at agad naisip na baka masamang loob iyon. Marahan akong naglakad papunta roon at kumuha ng mabigat na bagay. Kung masamang loob ito, anong gagawin ko? Ipupukpok ko ang hawak ko sa kanya? Nang nasa harapan na ako ng pinto, bigla iyong bumukas. Napasigaw ako at akmang ihahampas na sa kanya ang hawak ko nang hawakan niya ang kamay ko. “Papatayin mo ba ako?” Nabosesan ko ang lalaki kaya napamulat ako ng aking mata. Nakita ko si Elia sa harapan ko. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Nanlambot ako nang makita ko siya, but at the same time ay nakahinga rin nang maluwag. Binitawan niya ako at ibinaba ko naman ang kamay ko. “I thought you were a burglar or something!” Huminga ako nang maluwag. “Bakit ka ba kasi naandito?” “Pinakiusapan ako ni Lola Bel na puntahan ka kapag nakauwi na ako kasi mag-isa ka raw sa bahay.” Naalala ko ang sulat ni Lola. Sinabi niya kanina na ihahabilin niya ako sa pinagkakatiwalaan niya. Si Elia? Nakahalukipkip ako habang sinusundan ng tingin si Elia na naglalakad papunta ng kusina. Napansin ko rin na may dala siya. Lagi na lang kaming nagkikita. Will there be a day na hindi? Don’t get me wrong. I find Elia handsome and stunning. He has a well-toned body and a tan skin that looks like it was kissed by the sun. Pero naiinis ako sa kanya. “Anong dala mo?” Sumunod ako kay Elia sa kusina at pinagmamasdan ang bawat galaw niya. “Sabi ni Lola Bel, baka raw gabihin siya ng uwi. Wala pa rin si Esme at hindi pa sigurado kung anong oras uuwi. Pinabili niya ako ng mga sangkap para sa hapunan mo.” Naupo ako sa silya at pinagmasdan ko ang likod niya habang siya ay abala sa kung ano mang ginagawa niya. “You know how to cook?” Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko. “Bakit? Hindi ba dapat?” Napangiti ako sa kanya. “Hindi naman, pero madalang akong makakita ng lalaking marunong magluto.” Even Joshua doesn’t know how to cook. Maid nila ang laging nagluluto sa kanila. Hindi na ako kinausap ni Elia. May naalala ako na gusto kong itanong sa kanya. “Can I ask you a question?” “Kapag sinabi ko na hindi, titigilan mo ba ako?” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Elia. “No.” “Then, what’s the point of asking?” May kakaiba sa timbre ng boses ni Elia sa tuwing nagsasalita siya ng English, and I can’t explain it. “Hmm…” Pinagsalikop ko ang aking kamay at ipinatong ang aking baba roon. “Do you have a girlfriend?” Hindi ko iyon itinanong sa kanya dahil interesado ako sa kanya. May boyfriend ako, ‘no. Kaya ko lang naitanong dahil curious ako sa kanilang dalawa ni Esme. Sandaling natigilan si Elia. Halata sa kanya na nagulat siya sa itinanong ko. “Wala,” sagot niya. “I see. Kung ganoon, anong tipo mo sa babae at bakit wala kang girlfriend?” Sa gandang lalaki ni Elia, unang impression ko sa kanya ay babaero siya o maraming babae. Halata naman na maraming interesado sa kanya. Nakita ko noong nagpa-enroll kami. Maraming babae ang tumitingin sa kanya. Humarap siya sa akin. “Bakit mo tinatanong? Interesado ka ba sa akin?” This time, siya naman ang ngumisi. “Hah!” Nginiwian ko siya dahil sa tanong niya. “Hindi ‘no. I have a boyfriend. Natanong ko lang.” Tumaas ang kilay niya sa isinagot ko sa kanya. Humalukipkip ako. “May boyfriend ka?” Ngumisi ako sa kanya. Ako naman ang magbabalik sa kanya ng sinabi niya. “Oo, bakit? Type mo ako?” Malamig siyang tumingin sa akin kaya nawala ang ngisi ko. Mayamaya ay nagawa niya rin namang mabawi ang sarili. “Hindi,” sagot niya at tinalikuran na ulit ako. “Hindi kagaya mo ang type ko.” Nanlaki ang aking mga mata roon. Ngayon ko lang narinig na may magsabi sa akin ng ganito! Hindi niya ako type? I am everyone’s type! Kung ganoon, anong klaseng babaeng ang gusto niya? Kagaya ng pinsan kong si Esme?! “Whatever!” Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at umalis doon. Why am I so pressed?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD