KABANATA 4: BASKETBALL

2574 Words
Yssabela “FINALLY!” Napasandal ako sa katawan ng isang puno matapos sagutin ni Joshua ang tawag ko. Rito ako pumunta dahil sabi nina Esme ay rito raw malakas ang signal. “Sinagot mo rin ang tawag ko.” Nakabusangot ang aking mukha dahil matagal-tagal ko na ring gustong makausap si Joshua pero hindi niya ako magawang sagutin kahit sa mga chats ko man lang. “Sorry, medyo na-busy lang. How are you, Yssa?” Huminga ako nang malalim. Mabuti pa sina Janela at Marianne, kapag nagkakaroon akong pagkakataon na makausap sila ay panay ang pagsagot nila sa mga tawag at chats ko. Itong si Joshua…hindi ba dapat siya ang gumagawa ng way para makausap ako since boyfriend ko siya? “I’m fine, surprisingly.” Hindi ko rin inaakala na magiging maayos ako rito. Kahit na nabo-bored ako madalas. “That’s good to hear. Kailan ka raw makakabalik?” “Hindi ko pa sigurado. Maybe after one semester. Sabi ni Dad ay kapag naging maayos raw ang performance ko at kapag naging top ako ng klase ay tsaka niya ako hahayaang makabalik ng Manila.” Bumagsak ang balikat ko. “How about you? How are you—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may narinig akong boses ng babae sa kabilang linya. “Josh, what are you doing ba? Come on! Let’s do it again.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Hindi pamilyar sa akin ang boses na iyon at hindi maganda ang pakiramdam ko roon. “Who’s that?” I asked. “Ah, pinsan ko lang. Nagpapatulong kasi sa project niya. Sige, Yssa. I’ll call you again. Bye! Take care. I miss you.” Ibinaba niya ang tawag habang ako ay nanatiling nakatayo roon at hawak ang cellphone. Humigpit ang hawak ko sa phone ko, and I gritted my teeth. Pinsan? Sinong ginago niya? Hindi naman malanding boses ang gagamitin ng pinsan niya para kausapin siya. Para bang nagdilim ang aking paningin at kung nasa Manila lang ako ngayon, malamang ay nasugod ko na siya. Fortunately, hindi ako boba sa pag-ibig. Isang red flag na makita ko, iiwan ko ang lalaki. I don’t beg for men. Sa ganda kong ito at sa rami ng lalaking handang lumuhod sa harapan ko, I know my worth. Kapag napatunayan ko na niloloko ako ni Joshua, kahit gaano ko pa siya kagusto, iiwan ko siya. I contacted my friends at agad naman nilang sinagot ang tawag ko. “Hello, Yssa!” pagbati ko sa kanila. “Hello, girls. I have a favor to ask,” sabi ko sa kanila. Hindi sila nagsalita at hinihintay kung anong sasabihin ko. “Pakiramdam ko ay nagchi-cheat si Joshua sa akin. Pwede ninyo bang alamin?” “What?” gulat na tanong ni Marianne. “Paano mo nasabi?” “I called him earlier. I heard a woman’s voice. Basta! Iba ang kutob ko.” “Hindi pa namin nakikita ulit si Joshua, pero sige at sasabihan ka namin,” saad naman ni Janela. “My god! Kung totoo man na nambababae ‘yang boyfriend mo, ang kapal naman.” Minsan ay pasmado lang talaga ang bibig ni Marianne pero alam ko na totoong kaibigan ko sila. “Fine, we’ll gather evidence. Hiwalayan mo na ‘yan kung totoo man.” “Thanks, girls! See you soon.” Nagpaalam na sila sa akin at ganoon din ako. Isang malalim na pagbuntong-hininga na naman ang aking pinakawalan. Nakasandal lang ako sa puno nang humampas ang malakas na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ito siguro iyong wala sa Manila. Iyong preskong hangin habang nasa lilim ka ng puno. Walang polusyon at hindi amoy usok mula sa mga sasakyan. Wala ka rin masyadong maririnig na busina ng mga kotse at ingay ng traffic. Dito, tahimik lang. May narinig akong kaluskos sa itaas na bahagi ng puno. Napatingin ako roon at inisip pa na baka ahas iyon o hayop. Nang may tumalon mula roon, napasigaw ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat. Natigil lang ako nang makita ko ang isang lalaki—si Elia. “Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko. Sinilip ko pa ang itaas na bahagi ng puno kung saan siya nanggaling. “Natutulog ako,” saad nito. “Kaya lang ay may maingay na babae kaya nagising ako.” Alam ko na ako ang sinasabihan niyang maingay. Nanlaki ang aking mga mata at handa na sanang patulan ang sinabi niya nang maisip na huwag na lang. Inirapan ko na lang si Elia. Ilang araw magmula nang sabihin ni Elia na hindi niya ako type, ngayon na lang ulit kami nagkitang dalawa. “Kanina ka pa ba riyan?” Naisip ko tuloy kung narinig niya ba ang naging pag-uusap kanina. “Oo.” Nagsalubong ang kilay ko. “Nakikinig ka siguro sa mga pag-uusap namin ‘no?” Tumaas ang isang kilay niya, like he’s mocking me. “Hindi ako interesado. Isa pa, natutulog ako kanina. Sa tingin mo ba ay may maririnig ako?” Inirapan ko na lang siya. Naisip ko na umalis na. Ang awkward kasi talaga kapag nasa paligid si Elia. Bukod pa roon, para bang hindi ako komportable kapag nakikita ko siya. “Kung sa tingin mo ay nambababae ang boyfriend mo, bakit hindi mo pa hiwalayan?” Natigilan ako roon at nanlaki ang aking mga mata. Nilingon ko si Elia. Nakasandal siya sa puno at nasa loob ng bulsa ang kanyang magkabilang kamay. “So, nakikinig ka nga?!” Lumapit ako sa kanya. Naiinis dahil nakikiisyoso siya sa buhay ko. Nagkibit-balikat si Elia. “Hindi naman. Narinig ko lang. Hindi ko naman gustong malaman ang kwento ng buhay mo.” Gusto ko siyang sakalin. He seriously knows how to get under my skin! Magsasalita pa sana ako nang may marinig akong mga boses. Naandito na iyong mga kaibigan ni Elia. “Elia! Kanina ka pa namin hinahanap. Halika na at malapit nang magsimula ang laro.” Napansin ako ni Tomas kaya agad niya akong binati. “Naandito pala si Miss.” Hindi ko rin alam bakit Miss ang tawag nila sa akin ganoong alam naman nila ang pangalan ko, but whatever. Humalukipkip lang ako habang pinagmamasdan sila. “Dude, bilisan mo. Baka-malate tayo,” sabi ni Basil. “Saan ang punta ninyo?” Hindi ko na napigilan na magtanong. “May laro kami ng basketball sa court. Punta ka, Miss. Panoorin mo kami,” si Tomas ang sumagot sa akin. Tumingin ako kay Elia, and for some reason, nakatingin din siya sa akin. “No, thanks. Ayokong makita ang pagkatalo ninyo.” Inirapan ko si Elia at naglakad na. Narinig ko pa ang pagtawa nina Basil at Tomas dahil sa sinabi ko. Nakarating ako sa bahay. Mabuti na lamang at hindi ako naligaw. Kahit papaano naman ay natatandaan ko na ang pabalik sa bahay namin dito. Nakasalubong ko sina Esme at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila at nagtitilian din. Nang mapansin nila ako ay agad silang tumahimik. “Hi,” pagbati sa akin nina Esme. “Hello.” Napansin ko ang kanilang mga suot. Mukhang may pupuntahan sila. “Saan kayo pupunta?” “Ah, may laro sina Elia ng basketball. Manunuod kami…” Nagkatinginan sina Esme at ang mga kaibigan niya, tila hindi malaman kung iimbitahan ba nila ako o hindi. “Gusto mo bang sumama?” Alam ko na sinabi ko kina Elia kanina na ayokong sumama, pero naisip ko rin na wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tumango ako kina Esme. “Sige, magbibihis lang ako sandali.” Pumasok ako sa kuwarto ko at agad na nagbihis. Itinali ko rin sa isang ponytail ang aking buhok. Nang matapos ako ay lumabas na ako. Sneakers na lang ang sinuot ko dahil baka mahirapan na naman akong maglakad mamaya. Sabay-sabay kaming umalis ng bahay at nagpunta sa court. Naglakad na lang kami, at mabuti na lang din talaga at nag-sneakers ako. Hindi sumakit ang paa ko sa paglalakad. Maayos naman ang naging pwesto namin sa court. Nakaupo rin naman kaagad kami. Marami ring tao, and mostly, mukhang halos lahat ay naririto para kay Elia. Paano ko nalaman? May mga pa-banner pa ang ibang babae na naririto sa court. Ngumuso ako at humalukipkip. Wala akong pakealam sa mga trip nila sa buhay. Naandito lang ako dahil wala akong magawa sa bahay. Nagsimula na ang laro. Ang lakas ng sigawan at panay ang dinig ko sa pangalan ni Elia. Maging itong mga katabi ko, sina Elia ang bukambibig. Pinagmasdan ko ang pinsan ko. Ngayon ko lamang siya nakita na ganito ka-hyper. Normally ay akala mo, mahinhin siyang tao, pero pagdating kay Elia ay akala mo ibang-iba siya. Ipinatong ko ang aking baba sa likod ng aking palad habang tamad na pinagmamasdan ang mga tao rito na tila nababaliw kay Elia. I don’t get it. Oo na at gwapo siya, but I don’t like him. Hindi ko gusto ang pasmado niyang bibig, but come to think of it, parang sa akin lang naman siya ganoon. “Elia!” Nang lumabas ang team ni Elia ay halos dumagungdong dito sa court. Pakiramdam ko ay lahat ng naririto ay sina Elia and chini-cheer. Malapit kami sa bench nila. Pinagmamasdan ko si Elia habang kinakausap sila ng coach nila. Napansin niya ata na may nakatitig sa kanya kaya’t nagtaas siya ng tingin. Bahagya akong napapitlag nang magtama ang paningin naming dalawa. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil ayokong magpatalo. Nagsimula na ang laro. Pagtatawanan ko talaga siya kapag bench player lang siya. To my surprise, nasa starting lineup si Elia. Noong una, wala naman talaga akong interes sa paglalaro nila dahil siguro iniisip ko na hindi sila magaling. Kaya lamang, nang makita ko na magaling maglaro sina Elia, roon na ako nahigit sa panunuod. Hanggang sa hindi ko na napapansin ang sarili na nagchi-cheer na rin. Nang mapansin ko iyon, agad kong pinigilan ang sarili. “Go, Elia!” sigaw ni Esme. Naka-three points si Elia matapos iyon kaya’t lalong nagsigawan ang mga nanunuod. “Mukhang ganado si Elia, ah? Parang ayaw pa-score-in ang kalaban.” Narinig ko mula sa dalawang babae na nasa harapang bahagi namin. “Baka nagpapasikat. Naandito ba naman si Esme.” Tumaas ang isang kilay ko. Hindi ko iyon nagawang kontrolin. “Sila na ba?” tanong naman ng isa. “Hindi ko rin alam. Sana naman ay hindi. Mabo-brokenhearted pa ata ako.” Tumingin muli ako sa court at napansin na lamang na lamang na ang team ni Elia. Noong third quarter, nagkainitan pa. Muntikan nang magsuntukan sina Tomas at iyong nasa kabilang team pero agad na pumagitna sina Elia. Sa fourth quarter naman, hindi na pinahabol nina Elia ang mga kalaban nila at mas nilamangan pa ang score. Sa huli, sina Elia ang nanalo. Agad na bumaba ng bleachers ang mga kasama ko at nilapitan sina Elia. Nakita ko pa si Esme na may dalang towel at tubig. Nilapitan niya kaagad si Elia. Kinuha ni Elia ang tubig habang si Esme ay tinanggal ang pawis sa mukha ni Elia gamit ang towel. Naiwan ako sa bleachers. Halos lahat ng nasa paligid ko kanina, pinagkakaguluhan na ang team nina Elia. I heard, hindi taga-rito ang kalaban at mukhang taga-ibang bayan kaya’t wala silang masyadong fans. Tumayo ako. Uuwi na ako. Wala na naman akong gagawin dito. “Miss…” Tumigil ako sa paglalakad. Napansin ko na nasa harapan ko na ang ibang players ng kalaban nina Elia kanina. “Kanina ka pa namin napapansin. Mag-isa ka lang ba?” Hindi ko na dapat sila papansinin at lalagpasan na lamang nang humarang sa daraanan ko iyong isa. “Kung gusto mo, sumama ka na lang sa amin. Kakain kami sa labas. Huwag kang mag-alala, treat namin.” Tiningnan ko iyong lalaki at nginiwian siya. “No, thank you. I can buy my own food. I don’t need other people treating me. Excuse me.” Baka kayo pa ang ilibre ko. Sinubukan ko ulit na umalis, but this time ay hinawakan na ako ng isa. “Suplada naman nito. Talo na nga kami sa laro ay ganto pa ang pagtrato mo sa amin. Gusto lang naman naming makipagkilala.” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin pero masyado iyong mahigpit. “It’s not my fault na talo kayo sa game ninyo, and it’s not my obligation na pagaanin ang loob ninyo. Ayokong makipagkilala. Get your hand off of me!” Panay ang pangungulit nila sa akin habang ako ay tinatangka pa rin na alisin ang pagkakahawak sa akin. “Bitawan mo nga ako! Sinabi nang alisin mo ang kamay mo—” May humawak sa kamay ng lalaki. Natigilan ako at tumingin sa kanya. Nakita ko si Elia. Madilim ang tingin niya sa lalaki at tila iritable. “Hindi ninyo ba narinig iyong sinabi niya? She clearly said to let her go.” Hinawi ng lalaki ang kamay ni Elia at ako naman ay nagtago sa likod nito. “Aba, pabida ka na nga sa basketball, pati ba naman sa babae? Magbigay ka naman, Sandiego!” sabi ng lalaki habang mayabang na nginingisian si Elia. Umiling lamang si Elia at tinalikuran na ang mga lalaki. Tumingin siya sa akin at akmang lalapitan na ako nang hawakan siya ng isa. “Kinakausap ka pa namin. Girlfriend mo ba iyan para pagbawalan kaming pormahan ‘yan, ha?” Tinanggal ni Elia ang kamay ng lalaki. Ipinilipit niya iyon at dinala sa likod ng lalaki kaya’t napadaing ito sa sakit. “Hindi, pero alam ko na hindi magandang hawakan ang babae lalo na’t ayaw nito. Now, get lost!” Itinulak ni Elia ang lalaki kaya’t kinailangan siyang saluhin ng mga kasama para hindi matumba sa sahig. Umigting ang panga ng lalaki. “Hindi pa tayo tapos, Sandiego.” Matapos magbanta ng mga lalaki, umalis na sila. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis ang mga lalaki. Thank goodness! Mabuti na lang din at wala nang gulo ang nangyari. Humarap si Elia sa akin. Tumingin ako sa kanya. Magpapasalamat na sana ako nang maiwan sa ere ang aking mga sasabihin. “Thank you—” “You really like it, huh?” Nagtaka ako sa sinabi niya kaya’t hindi kaagad nakapagsalita. “Getting other people’s attention.” Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Na-offend din ako dahil hindi naman ganoon ang intensyon ko. “What?” Umiling siya na parang dismayado. Nilagpasan niya ako. Ikinuyom ko ang aking kamay, naiinis sa mga lumabas na salita mula sa kanya. “Well, excuse me lang, Elia. Una sa lahat, hindi ko kasalanan na nilapitan nila ako. Pangalawa, kung ayaw mo pa lang tulungan ako at para sa ‘yo ay malaking istorbo iyon, sana hindi ka na lang lumapit. I can handle and protect myself!” Nanggigilaiti ako sa galit dahil hindi ko gusto ang mga narinig kong salita. It feels like he’s belittling me! “And here I was, planning to thank you for helping me. But whatever! You can think ill about me, pero wala akong intensyon na makuha ang atensyon ng kahit sino, and don’t blame me ‘cause I am the victim here!” Matapos ang sinabi ko ay tinalikuran ko na siya. Naiinis ako. Alam ko na hindi kami magkasundo at parati kaming nagtatalo sa tuwing nagkikita, but what he said deeply hurt me. Bakit kasalanan ko? Nananahimik nga lang ako sa isang tabi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD