KABANATA 5: DENIAL

2346 Words
Elia “ANONG nangyari?” Nakasalubong ko sina Esme at ang iba ko pang kaibigan matapos umalis ni Yssabela dahil sa mga sinabi ko kanina. Maging ako man, hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Ang alam ko lang, naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Nang makita ko si Craig, isang member ng kalaban naming team kanina, na nakahawak kay Yssabela, parang nagdilim ang paningin ko. “Wala,” sabi ko at patuloy sa paglalakad. “Elia, saan ka pupunta? May celebration pa sa pagkapanalo natin, sabi ni Coach—Elia!” “Hindi na ako pupunta,” sabi ko kay Tomas at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis ang aking bawat hakbang. Naaalala ko pa ang mga sinabi ni Yssabela kanina. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Why did I tell her those harsh words? Hindi ko rin maintindihan. Simula nang dumating si Yssabela rito sa Buenavista, hindi ko maalala na may maayos kaming pag-uusap. For some reason, I don’t…like her o iyon ang gusto kong isipin. Hindi ko namalayan na naglalakad na ako patungo sa bahay nina Lola Isabel kung saan nakatira si Yssabela. Natigilan ako at napahawak sa noo ko. Bakit ako pupunta roon? Anong dahilan ko? Umiling ako at tinalikuran ang bahay bago magpasiya na umuwi sa sariling bahay namin. I should be celebrating with my team right now because we won, but here I am, sulking for some unknown reason because of a girl I barely knew. “Naandito na po ako, Lola.” Nakita ko si Lola na nakaupo sa sofa namin at nanunuod ng TV. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Oh, apo,” pagbati ni Lola. “Naandito ka na pala. Akala ko ba ay gagabihin ka ng uwi?” Nagmano ako kay Lola. “Umuwi na po agad ako.” “Kumusta ang laro ninyo?” tanong nito. “Panalo naman po, Lola. Maliligo na po ako at magbibihis.” Hanggang pagligo, ang mukha at mga salita ni Yssabela ang nasa isipan ko. Kahit anong kagustuhan kong mawala iyon, tila ayaw akong lubayan nito. Panay ang pagpapakawala ko nang mabibigat na pagbuntong-hininga. Simula nang marinig ko ang pakikipag-usap ni Yssabela kanina sa cellphone niya, na-badtrip na ako. Maging ako, hindi ko alam kung bakit. Ano naman kung may boyfriend ito? Nagpaalam na lang ako kay Lola na aalis at kunwari’y may pupuntahan, pero ang totoo ay nagtungo lamang ako malapit sa bahay nina Lola Isabel. Naupo ako sa ilalim ng puno. Natatanaw ko rito ang bahay nina Lola Isabel at makikita mo kung may naglalabas-pasok sa loob. I hate elitist. Hindi ko gusto ang mayayaman. Iyon siguro ang dahilan bakit ayoko kay Yssabela o iyon ang gusto kong paniwalaan. Dahil kung talagang ayoko sa kanya, sana ay una pa lamang hindi ko na siya nilapitan. So, why did I tell her those words? Napasabunot ako sa aking buhok. Ginulo ko iyon at naiinis ako sa kakaisip. “She hates me now,” bulong ko sa sarili. “Sino?” Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita ko si Esteban. Kaibigan ko si Esteban Zendejas at may bahay sila rito, ganoon man ay pinalaki siya sa syudad. Napunta lang sila rito kapag naisipan nila. “Baste,” pagtawag ko sa kanyang pangalan. “Anong ginagawa mo rito?” Naupo siya sa tabi ko at tinitingnan kung saan ako maaaring nakatingin. “Umuwi kami kami para makapag-relax sina Mom,” sabi niya. “Hinanap kita sa bahay ninyo pero sabi ng lola mo ay umalis ka. Rito lang pala kita makikita. Sinong tinitingnan mo rito?” Mula sa mayamang pamilya si Esteban. Ganoon man, hindi masyadong kilala ang pamilya niya rito dahil madalang naman silang naglalagi sa Buenavista. Hindi kagaya ng…mga Sandiego. Napalunok ako at ikinuyom ang aking kamay nang maalala ang pamilyang iyon. “Wala naman akong tinitingnan,” sabi ko at yumuko. Pinagmasdan ko na lamang ang lupa dahil wala akong ibang masabi sa kaibigan. “Hmm, kung ganoon, sino iyong babaeng iyon?” Napataas ang ulo ko nang marinig ang sinabi niya, iniisip na maaaring si Yssabela ang kanyang tinutukoy. “Nasaan?” Wala naman akong nakita sa bahay nina Lola Isabel. Tumingin ako kay Baste at nakangisi siya sa akin. “Base sa reaksyon mo, may gusto kang makita. Babae nga?” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Sa lahat ng kakilala kong mayayaman, si Esteban lang ang nasisikmura ko. “Hindi,” pagtanggi ko. Ganoon man, alam ko na si Esteban lang ang magagawa kong kauspin tungkol dito. “Anong gagawin mo kapag may nasabi kang hindi maganda sa isang tao?” Alam ko na tinataasan niya na ako ng kilay dahil sa tanong ko. Madalas naman ay wala kaming pakealam sa ganoong sitwasyon. “Huh? Wala,” sabi niya. “Pakealam ko sa iba.” Just as expected. Kaya rin gusto ko si Esteban, pareho kami ng pananaw sa buhay. “Unless, gusto mo iyong tao na ‘yon.” Nang mapatingin ako sa direksyon niya, nginingisian niya na ako. Matagal na kaming magkakilala ni Esteban kaya pakiramdam ko ay alam niya kung ano tumatakbo sa isipan ko. “Gusto mo siya?” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko rin alam ang isasagot. “Mayaman siya.” Tumawa si Esteban dahil sa sinabi ko. Masama ko siyang tiningnan dahil doon. “Ano naman kung mayaman? Ako nga ay naging kaibigan mo. May exception naman sa pagkaayaw mo sa kanila.” Hindi ko nagawang makasagot doon. Nanatili akong tahimik hanggang si Esteban muli ang magsalita. “Bakit? Anong sinabi mo sa kanya at nagkakaganyan ka?” Ikwinento ko kay Esteban ang nangyari kanina at kung anong nasabi ko kay Yssabela. “Hindi ko rin alam bakit lumabas iyon sa bibig ko. Nang mapagtanto ko ang sinabi, umalis na siya. I want to convince myself that it doesn’t matter, but it bothers me.” “Eh gago ka pala, eh. Sino bang matinong tao ang sasabihin iyon ganoong iyong babae ang biktima? Bakit siya ang sinisisi mo?” Iyon ang mga binitawang salita ni Esteban sa akin. Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko rin talaga alam. “Hindi ko rin alam. Mali nga ako, kaya nga ngayon ay naiinis ako maging sa sarili.” Tinapik ni Esteban ang aking balikat. “Baka gusto mo siya?” Masama ko siyang tiningnan. “Don’t f**k with me, Baste. Alam mong wala sa isip ko ang mga ganyang bagay—” “Maaari nga, pero kung wala kang gusto sa kanya, hindi ka maaapektuhan nang ganyan. Why would you bother yourself with someone’s feeling if you don’t have any towards her?” Tumayo si Esteban. “Naiintindihan ko na hindi ka sanay. Ang tingin mo sa mga babae ay hanggang kaibigan lang. Ayaw mo sa mga mayayaman dahil sa sirkumstansya mo, pero sa aksyon mo ngayon, sinong niloloko mo? Gusto mo ‘yon, ayaw mo lang aminin.” “I barely know her!” depensa ko sa sarili. “Ano naman? Nagustuhan mo siya kasi nagustuhan mo siya. Kikilalanin mo lang naman ang isang tao kapag interesado ka. Alam ko na interesado ka sa kanya.” Tinapik niya ulit ang balikat ko. “Maybe you’re rude towards her kasi in denial ka. Ayaw mong aminin na gusto mo ‘yong babae.” Hanggang papauwi ako, dala-dala ko naman ang mga sinasabi ni Esteban. Imbis na matulungan ako nito, parang lalong pinalala ang iniisip ko. Interesado nga kaya ako kay Yssabela? Sa spoiled brat na iyon? Nasa bahay kami ngayon ni Lola Isabel dahil tutulong kami sa mga alaga niyang kambing at kalabaw. Simula nang mamatay ang asawa nito, kami na ang tumutulong sa maliit nilang farm. Binibigyan naman kami ni Lola Isabel ng compensation sa pagtulong namin kahit sinabi namin sa kanya na hindi na kailangan. Tinatanggap ko na rin dahil kailangan para sa gamot ni Lola. “Thank you, Lola Bel! The best ka talaga!” Nagluto si Lola Isabel ng merienda matapos ang ginawa namin sa farm. Naririto rin si Esme at kagaya ng parati niyang ginagawa, halos pagsilbihan niya ako kahit sinabi ko sa kanya na hindi na kailangan. “Basang-basa ka ng pawis, Elia,” sabi ni Esme. Binigyan niya ako ng towel na siya namang kinuha ko sa kanya. “Esme, pawisan din naman kami, bakit ayaw mo kaming bigyan ng towel? Parating si Elia, ah?” Nagtawanan ang mga kaibigan ko dahil inaasar na naman nila si Esme. “Ha? Hindi naman! Ito, oh!” Napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Esme pero hindi iyon binigyan ng ibig sabihin. Napatingin ako sa mga kuwarto. Iniisip ko kung naririyan ba si Yssabela. Simula nang magtalo kami sa court, hindi ko pa ulit ito nakikita. “Isay!” Napaupo ako ng tuwid at nagtaasan ang aking balahibo nang marinig ko ang pagtawag ni Lola Isabel sa isa pa niyang apo. “Kumain ka muna rito. May merienda.” Sumilip ako sa kinaroroonan niya at nakita ko nga si Yssabel na kakalabas lang ng kuwarto. “Hi, Miss!” pagbati nina Basil at Tomas dito. Tipid na tumango si Yssabela sa kanila habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Tumingin si Yssabela sa akin, at nagdadalawang-isip pa ako kung babatiin ko ba siya o ngingitian. Inirapan ako ni Yssabela at naglakad papunta sa kanilang refrigerator. Kumuha siya ng pitsel at nagsalin sa baso niya. “Anong gusto mo, Isay? Maraming pagkain,” sabi ni Lola Isabel sa apo. “Nothing, La. I’m not hungry po. Thanks, anyway.” Umalis si Yssabela nang makakuha ng tubig at muling pumasok sa kanyang silid. “Ano kayang problema ng apo ko. Narinig ko siya kagabi na parang may kaaway,” sabi ni Lola Isabel. “Nag-away ata sila ng boyfriend niya.” “Hayaan mo na, La. Magiging maayos din si Yssa sa mga susunod na araw.” Natahimik ako sa narinig, but at the back of my mind, para bang natutuwa akong malaman na nagkakamalabuan sila ng boyfriend niya. Tumabi sa akin si Esme. Hindi ko siya masyadong napansin hanggang sa magsalita siya. “Saan ka nagpunta noong nakaraan, Elia? Hindi ka sumama sa after party ng team ninyo?” Tumingin ako sa kanya at bumalik sa ulirat. Masyado ko na atang tinititigan ang pinto ng kuwarto ni Yssabela kung saan siya pumasok. “Ha? May inasikaso ako,” sabi ko sa kanya. “Ano naman iyon?” “May dumating akong kaibigan mula sa syudad.” Hindi rin naman kasinungalingan iyon dahil dumating naman talaga si Esteban. Hindi ko nga lang din iyon inaasahan. “Ganoon ba?” Marami pang sinabi si Esme, pero hindi ko na magawang makasunod pa sa mga sinasabi niya dahil nakatitig na naman ako sa kuwarto ni Yssabela, umaasa na lalabas siya. Gusto kong humingi ng pasensya sa kanya dahil sa mga sinabi ko, pero sa tuwing iniisip kong gawin iyon ay natutupi naman ang dila ko. “Uuwi na po kami, Lola Bel!” sabi ng mga kasama ko. “Bye, Esme!” Hinabol kami ni Esme. Halatang may gusto pa siyang sabihin pero sa huli ay hindi niya nasabi. Hindi na rin lumabas ng kuwarto pa si Yssabela. Iniisip ko kung galit pa rin ba siya sa akin? Kung sabagay, inirapan niya nga ako kanina at hindi pinansin. Mahina akong hinampas ni Tomas sa likod kaya’t nakuha niya ang atensyon ko. Masama ko siyang tiningnan. “Anong mayroon sa inyo ni Miss?” Kilala ko kaagad ang tinutukoy niya. Miss ang tawag nila kay Yssabela dahil para raw itong prinsesa at hindi nila kayang mag-first name basis. “Wala,” sagot ko. “Wala? Ramdam namin ang tensyon kanina. Ano ba kasing nangyari noon sa court? Nag-away na naman kayo?” tanong ni Basil sa akin. Ayoko sanang sabihin sa kanila. Alam ko na malapit ko silang kaibigan, but they don’t know how to shut their mouths sometimes. “May mga nasabi lang ako na hindi niya nagustuhan.” “Sabi na, eh! Nag-away na naman kayo. Para kayong aso’t pusa. Ngayon ka lang nagkaganyan sa babae, ah? Madalas naman maayos kang makisama sa kanila kahit wala kang nararamdamang espesyal.” Matagal ko na rin namang kilala sina Tomas at Basil. Pinagkakatiwalaan ko rin sila. Madaldal lang talaga minsan. “May gusto ka ba kay Miss?” Nanlaki ang aking mga mata. Ito na naman iyong denial na sinasabi ni Esteban sa akin noong nakaraan. Ayokong aminin pero…parang ganoon nga. “Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Bakit ako magkakagusto sa kanya?” “Huh? Bakit naman?” tanong ni Tomas. “Dahil ba mayaman sila? Sus, mayaman din naman—mayaman ka rin sa pagmamahal!” Natigil sa sinasabi niya si Basil nang mapansin niyang iba na ang timpla ko dahil sa binabalak niyang sabihin. Itinikom niya ang bibig niya. Inakbayan ako ni Tomas. “Alam mo, kung gusto mo siya, hindi dapat ganyan ang pakikisama mo sa kanya.” Sanay sa relasyon si Tomas kaya nakinig ako sa sinasabi niya. “Anong dapat kong gawin kung ganoon?” tanong ko. “Bakit kaya hindi ka humingi ng paumanhin kung ano mang nasabi mo sa kanya noong nakaraan? Hindi naman siguro pinaglihi sa kasamaan si Miss para hindi ka maintindihan. Sabihin mo lang na nabigla ka sa kung ano mang lumabas sa bibig mo at hindi mo sinasadya?” Nanahimik ako matapos nilang sabihin iyon. Hindi iyon nalalayo sa plano ko. Balak ko naman talaga mag-sorry. “Pero paano si Esme?” Tumingin ako kay Basil dahil sa sinabi niya. “Anong mayroon kay Esme?” Nagkatinginan silang dalawa ni Tomas at bahagyang natawa bago umiling. “Wala. Manhid ka ngang talaga.” Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakakunot ang noo ko. Bakit ako naging manhid? Alam kong kailangan kong humingi ng paumanhin kay Yssabela, kahit madalas kapag kaharap ko siya ay nawawala ako sa sarili ko at hindi makontrol ang kung ano mang nararamdaman. Kakayanin ko ‘yon dahil mas hindi ko ata kaya na hindi niya ako pinapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD