KABANATA 6: ALONE

2333 Words
Yssabela “SIGURADO ka bang hindi ka sasama, Isay? Maiiwan kang mag-isa rito?” Kanina pa ako tinatanong ni Lola kung gusto kong sumama sa kanila sa kabilang bayan. May pupuntahan siya roon at baka raw bukas na siya makauwi. Si Esme kasi ay aalis din ng bahay at may sleepover siya sa bahay ng kaibigan niya. “Okay lang po ako, Lola. Huwag kayong mag-alala.” Wala rin kasi akong gagawin doon at mas gusto ko na lang dito sa bahay. Kahit papaano, na-appreciate ko ang katahimikan ng probinsya. “Kung ganoon ay aalis na ako. Kung gusto mo, sasabihan ko si Esme na isama ka na lang sa sleepover nila.” Umiling ako. “Hindi na po, Lola. Okay na po ako rito. Mag-ingat po kayo.” Bumagsak ang kanyang balikat dahil sa sinabi ko. Alam niya na hindi na ako papapilit pa at wala nang magpapabago ng desisyon ko. Wala rin ako sa mood. Bukod sa may kutob ako na may ibang babae si Joshua, hindi rin ako pinapatahimik ng mga sinabi ni Elia noong nakaraan. How dare he victim-blamed me? Ako na nga iyong biktima ay para bang kasalanan ko pa. Tapos magpapakita siya rito at titingin-tingin sa akin. Bahala siya sa buhay niya! Umalis na si Lola. Naipagluto niya naman ako ng kakainin ko at iinit ko na lang mamaya. Marunong na naman ako kahit papaano at nasasanay na. Ilang araw na lang, pasukan na. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-excite roon. Kapag ganito kasi, pakiramdam ko ay nagbabakasyon lang ako. Kapag nagsimula na ang pasukan at nag-aral ako rito, lalo kong mararamdaman na parusa ito ng aking ama. Since maganda ang panahon, naisip ko na umalis at magpunta sa beach. May dala akong mga gamit at nakamanipis na dress ako at ang panloob ko ay swimsuit. “Saan ang punta mo?” tanong ni Esme sa akin. Nasa bahay pa siya at hindi pa naalis. Mamaya pa ata siya pupunta sa bahay ng mga kaibigan niya. “Sa beach lang,” sagot ko. “Alam mo na ang papunta roon?” Tumango ako sa kanya. Nakapunta na naman ako roon noong wala akong magawa at alam ko na rin ang pabalik. “Oo.” Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na at nagtungo na sa beach. Maraming tao rito. Magkahalong mga turista at lokal. Ang iba siguro ay roon sa mga hotel sa hindi kalayuan nag-stay habang ang iba ay rito naman talaga nakatira sa Buenavista. Humanap ako ng magandang spot at naglatag ng mat para makaupo at hindi madumihan ang aking suot. Nagpahid na rin ako ng sunscreen sa katawan, so I don’t get burn. Habang tahimik na nakaupo roon. Pinagmamasdan ko ang kagandahan ng karagatan. Totoo nga ang sinabi nina Mommy na maganda ang beach dito. Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang baba ko habang pinapanood ang mga bata na maglaro at magtampisaw sa dagat. Hindi ko napansin na napapangiti na pala ako. Kung hindi iisipin na parusa ito dahil sa pagiging troublemaker ko, I might actually enjoy staying here, pero hindi matagal! Bumuntong-hininga ako. Kailangan ko lang ayusin ang performance ko at makakabalik na rin ako ng Manila. “Look who’s here!” Naglaho ang pagiging relax ko nang marinig ko ang boses na iyon. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko kilala ang lalaki. Nilingon ko ito at nakita ko iyong nambastos sa akin noong nakaraan. Iyong nasa kalabang team nina Elia sa basketball. Napairap ako. Tumayo ako at agad na kinuha ang mga gamit. Ang ganda ng mood ko kanina ay sinira na naman ng mga ito. Bakit ba sila naririto? “Hey, sandali lang. Aalis ka na kaagad? Baka pwede munang makipagkilala.” Mabilis akong umiwas sa paghawak nila sa akin. Hindi ba nila alam ang consent? Ayokong magpahawak sa kanila! “Hindi ako interesado. Ibang buhay na lang ang guluhin ninyo.” Inirapan ko ulit sila at mabilis na umalis. Mabuti na lang din at hindi na sila sumunod sa akin. Nagkulong na lamang ako sa bahay. Nang maghapon ay nagpaalam na si Esme sa akin na pupunta sa bahay ng kaibigan niya. Nakapag-init na ako ng pagkain ko. Tahimik akong kumakain at napagtanto na ang hirap palang mag-isa. Hindi ko talaga gusto kapag mag-isa lang ako. Nilinis ko ang pinagkainan at nilagay sa lababo. Dahil hindi naman ako sanay na maghugas ng pinggan, iniwan ko nalang iyon doon. Papasok na sana ako sa aking kuwarto nang may marinig akong lagabog sa labas. Bumagsak ang aking balikat at iniisip na maaaring pusa lamang iyon. Nag-inat ako nang katawan at naglakad. Nasa may pinto na ako ng kuwarto ko nang tila ba may nagbubukas ng pinto ng bahay. Natigilan ako at nakaramdam ng kaba. Gabi na at madilim na ang paligid. Mga ganitong oras, halos nasa loob na ng bahay ang mga kapitbahay namin. Isa pa, kung bisita ito, kakatok sila nang maayos. Kinabahan ako. Hindi kaya, masamang loob? Mag-isa pa naman ako sa bahay ngayon! Huminga ako nang malalim. Kumuha ako ng panghampas kung sakali ngang masamang loob. Hindi ko naman bubuksan ang pinto, pero baka lang makapasok pa rin sila. Nasa may gilid na ako ng pinto at sinilip ko sa bintana kung sino iyon. Napasandal ako sa pader nang makita kung sino ang mga nasa labas. Hindi lang isa, kung hindi tatlong lalaki! Iyong mga nasa team ng kalaban nina Elia sa basketball! Bakit ba ayaw nila akong tigilan? Nasundan ba nila ako kanina?! Naririnig ko silang nag-uusap sa labas pero hindi ko maintindihan kung ano iyon. Kinuha ko sa pocket ko ang aking cellphone, pero hindi ko rin naman alam kung sinong dapat tawagan. Si Lola ay nasa kabilang bayan at baka kung anong mangyari sa kanya kapag sinabi ko ang sitwasyon ko ngayon. Si Esme kaya? Tinawagan ko si Esme. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay mabubuksan na nila ang pinto. Hindi sumagot si Esme. Nakailang beses pa akong tawag sa kanya pero wala talaga. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Mahigpit ang hawak ko sa panghampas na nakuha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at nananalangin na sana ay matapos ang sitwasyon kong ito nang hindi ako nasasaktan. Nakarinig ako ng ingay muli sa labas. Para bang may nahulog sa hagdanan at may inihampas sa pader. Napapatalon ako sa tuwing nakakarinig ng ingay. Ilang sandali pa’y binalot ako ng katahimikan. Gusto kong isipin na umalis na ang mga lalaki. May kumatok sa pinto. Napaigtad ako dahil sa gulat. “Yssabela?” Napamulat ako ng mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko inaasahan na naandito siya pero nagpapasalamat ako na naririto ito. “Yssabela, si Elia ito. Naandiyan ka ba? Okay ka lang?” Gusto kong maiyak dahil kanina pa talaga ako hindi makahinga nang maayos dahil sa sobrang takot. Binitawan ko ang hawak ko at binuksan ang pinto. Nang makita ko na naroroon si Elia, hindi ko na napigilan ang sarili at halos mapasandal sa pint dahil sa panghihina ng tuhod ko. Maaaring inis ako sa kanya dahil hindi kami nagkakasundo, pero kumpara sa tatlong lalaki na tila may masamang balak na gawin sa akin alam ko na mas ligtas si Elia. “Elia…” “Okay ka lang ba—” Hindi na niya nagawang matapos ang sinasabi nang yakapin ko siya. Sobra ang panginginig ng aking katawan at hindi ko ito magawang pigilan. “It’s okay now,” sabi ni Elia. “Wala nang magtatangkang saktan ka. I'm here, Yssabela.” Sobrang lambing ng kanyang boses na hindi mo aakalain na siya ang Elia na kilala ko. Napansin ko ang tatlong lalaki na nakahiga sa sahig. Ang isa pa sa kanila ay nahulog sa hagdanan ng aming bahay. “Thank you.” Tinawag ni Elia ang mga tanod at hinuli ang tatlong lalaki. Matapos ang ilang pahayag na ibinigay ko sa kanila, umalis na rin sila at naiwan kami. Sobrang awkward namin ni Elia nang kami na lamang dalawa. Hindi ko akalain na yayakapin ko siya kanina at ipapakita sa kanya ang ganoong kondisyon ko. “T-Thank you ulit,” pag-uulit ko. “Walang anuman. Mabuti at walang nangyaring masama sa ‘yo.” Humugot ako nang malalim na paghinga at humarap sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang mapansin ko na namumula at may sugat ang kamao niya. Hinawakan ko iyon at napansin na dumurugo ito. Siguro ay sinuntok niya iyong mga lalaki at nasugatan din sa ginawa. “May sugat ka!” saad ko. “Halika at gamutin natin sa loob.” “Hindi na.” Binawi ni Elia ang kanyang kamay sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. Medyo madilim ang paligid kaya’t hindi ko masyadong makita ang ekspresyon ng mukha niya. “Hindi! Gamutin natin.” Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at hindi na naman siya nanlaban pa at sumunod na sa akin. Pinaupo ko siya sa sofa at kinuha ang first-aid kit. Mabuti na lang at alam ko kung saan ito nakatago. Naupo kaagad ako sa tabi niya. Nilinis ko muna ang sugat bago iyon lagyan ng gamot. Alam ko na nakatingin si Elia sa akin kaya hindi ko magawang magtaas ng ulo at tingnan siya. Kinakabahan din ako dahil pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ang ginagawa ko. “Done!” Nalagyan ko rin ng bandage ang kanyang sugat. Ngumiti ako sa ginawan ko dahil perfect iyon! Muli kaming napalibutan ng katahimikan. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko pa rin magawang makatingin sa kanya. “Thanks,” sabi nito at ibinaba ang kanyang kamay. Napansin ko na medyo malapit kami sa isa’t isa kaya bahagya akong lumayo sa kanya. Nahihirapan akong huminga at para bang ang init ng paligid kapag malapit siya sa akin. “Nasaan sina Lola Bel?” tanong ni Elia. “Umalis. Bukas pa siya uuwi.” Kung alam ko lang na may masasamang loob ang magtatangkang gumawa ng masama sa akin, sana pala ay sumama na lang ako kay Lola. “Si Esme?” “May sleepover sila ng mga kaibigan.” I am looking at anything other than his direction. Gusto ko nang umalis dito pero ayoko namang basta iwanan na lamang si Elia. “Ibig sabihin ay mag-isa ka lang dito?” Tumango ako na siyang ikinabuntong-hininga niya. “Good thing you locked the door.” Muli kaming nabalutan ng katahimikan na dalawa. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ako mapakali dahil sa tahimik na paligid nang biglang magsalita si Elia. “I would like to apologize.” Napatingin ako kay Elia nang sabihin niya iyon. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatingala. Nakapikit ang kanyang mga mata at tila may malalim na iniisip. Nang imulat niya iyon, tumingin siya sa akin. “Sa mga sinabi ko sa ‘yo noong nakaraan. Hindi ko sinsadyang sisihin sa ka sa nangyari. I’m sorry.” Umawang ang labi ko dahil sa narinig. Hindi ko akalain na hihingi siya ng paumanhin sa akin. “Uhm…” Ano bang dapat kong sabihin? “Wala iyon.” Wala iyon? Ilang araw nga akong naiinis sa kanya dahil sa mga lumabas sa bibig niya, but since he saved me today, I’ll let it slide. “Huwag na lang sanang maulit.” Muli kaming natahimik, at si Elia muli ang bumasag nito. “So, mag-isa ka lang ngayon dito sa bahay?” Tumango ako kay Elia. “Oo.” “Gusto mo, rito na muna ako matulog. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari. Para lang may kasama ka. Mababait naman ang mga tao rito pero hindi rin natin masasabi.” Nanlaki ang aking mga mata. I appreciate the offer, really. Kaya lang… “Hindi ba may lola kang kasama sa bahay? Iiwan mo siyang mag-isa roon?” Nang mapagtanto ko iyon, alam ko na kailangang kong tanggihan ang offer niya kahit na pakiramdam ko ay nag-iwan ng takot sa akin ang nangyari kanina. “Oo, pero…” “Hindi, okay lang! Kaya ko naman nang mag-isa. Hindi na naman siguro babalik ang mga iyon.” Tumingin si Elia sa kamay ko. Itinuro niya iyon. “Kung okay ka lang, bakit ka nanginginig?” Napatingin din ako sa aking kamay. Napansin ko nga na nanginginig iyon. Just thinking that I’ll spend the night alone, and some creepy man might end up thrashing the door, natatakot na naman ako. Hindi ko nagawang makasagot. Hindi ko rin naman alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Ayoko namang samahan niya ako rito, knowing na mag-isa naman sa bahay ang lola niya. May pagkamaldita man ako, hindi naman sagaran ‘no. “Tatawagan ko si Esme. Sasabihin ko na isama ka sa sleepover nila o kaya ay umuwi siya rito—” “Hindi na!” Isipin pa nina Esme ay umeepal ako sa bonding nila. “Okay lang talaga ako. Hindi na naman siguro babalik iyong mga lalaki. Kasama na sila sa barangay.” Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti para matakpan ang takot kapag mag-isa na lamang ulit ako rito. “Umuwi ka na. Gabi na rin at baka nag-aalala na ang lola mo sa ‘yo.” Nanatiling nakaupo si Elia at tila ba may malalim siyang iniisip. Nang tila may pumasok na ideya sa utak niya, dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “I have an idea,” sabi niya. Ikiniling ko ang ulo ko at nagtataka sa kung ano iyon. “Kung gusto mo ay sa bahay ka na lang namin matulog. At least ay may kasama ka. Ipapaliwanag ko na lang kay Lola ang nangyari.” Noong una ay para bang hindi kaagad rumehistro ang sinabi niya sa isipan ko. Nang maproseso ng utak ko iyon ay nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong mas masamang ideya: ang matulog na mag-isa sa bahay na ito matapos may magtangka kanina o ang magpalipas ng gabi sa bahay nina Elia?! Sa bahay nina Elia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD