Yssabela “AT GANOON po ang nangyari, Lola.” Nasa bahay na kami ngayon nina Elia. Mas maliit ito kumpara sa bahay nina Lola. Sinalubong kami ng Lola niya kanina at agad na ipinaliwanag ni Elia ang sitwasyon ko. Halata naman na nag-alala ang kanyang lola dahil sa nangyari. “Nako! Kung ganoon ay mas maganda na ngang dito ka magpalipas ng gabi, hija. Baka kung ano pang mangyari sa ‘yo roon kung iiwan ka ng apo ko na mag-isa. Halika at pumasok kayo sa loob.” Magalang akong tumango at nagpasalamat sa lola ni Elia. Pumasok kami sa loob ng bahay. Maaliwalas naman ang bahay nina Elia. Malinis at nakaayos ang lahat ng gamit. Bungalow ito at makikita mo kaagad sa hindi kalayuan ang dalawang pinto na sa tingin ko ay kuwarto ng mag-lola. “Maglalabas ako ng panibagong unan at kumot para sa ‘yo, h

