Yssabela ILANG beses na ako nagpagulong-gulo sa kama ko. Umalis na si Elia kanina nang sinabi ko na matutulog na ako. Matapos ang sinabi niya, para makaiwas ay nagpanggap akong inaantok. I can’t sleep! Ilang oras na simula nang mahiga ako sa kama. Ala-una na ay hindi pa ako makatulog, all because of what he said earlier! Was that a confession? Hindi ko alam! But that looks like a confession to me. Hindi na naman bago ito sa akin. Maraming umaamin na gusto nila ako pero bakit ganito na lang ang reaksyon at nararamdaman ko sa sinabi ni Elia? Dahil siya si Elia! Bumangon ako at nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto ko. “Calm down, Yssa! He didn’t tell you he likes you! Ang sinabi niya ay want ka niya pero hindi like, okay?!” Kung ano-anong sinasabi ko sa sarili para lamang kum

