Yssabela HINDI ko mahanap si Alessia kaya nagdesisyon ako na magpunta na lamang sa washroom. “Oh, my god!” Halos atakihin kaming dalawa sa puso nang magkasalubong kami. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Papasok na sana kasi ako ng washroom nang biglang labas naman ni Alessia kaya’t nagkasalubong kami at nagkagulatan. “Yssa, ikaw lang pala.” Huminga ako nang malalim nang maalala ko na bigla nga pala siyang umalis kanina. “Saan ka nanggaling? Bigla ka na lang nawala kanina?” tanong ko sa kanya. “Ah, sumakit ang tiyan ko. Kinailangan kong gumamit ng banyo.” Napakamot siya sa kanyang ulo at natawa. Tumaas ang aking kilay at naisip na hayaan na lang iyon. Hinintay niya ako dahil gumamit pa ako ng washroom at sabay kaming naglakad. “Akala ko ay um

