Yssabela NAGPATURO ako kay Lola kung paano maglaba. Ikinagulat niya pa sa akin kaya’t sinabi ko na lalabahan ko ang jacket na hiniram ko. Sinabi niya naman sa akin kung anong mga dapat at hindi dapat gawin. Kung anong mga dapat kong gamitin sa hindi. Nakakatuwa naman dahil maayos kong nalabahan ang jacket. Isinisampay ko na ito ngayon para matuyo kaagad at maibalik ko na kay Elia. “Iyan ba iyong jacket ni Elia?” Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Esme. Mukhang kakauwi niya lamang dahil nakasuot pa siya ng uniporme. “Nakauwi ka na pala, Esme,” pagbati ko sa kanya. “Oo. Nilabahan ko na para rin maibalik ko kay Elia bukas.” May kakaiba sa eskpresyon ni Esme at ayoko nang masyadong mag-isip kung anong ibig sabihin nito. “Sana hinayaan mong ako na lang ang maglaba niyan. Nag-ab

