Yssabela KANINA ko pa tinititigan ang sarili ko sa salamin. Tapos na akong magpalit ng damit at nakapag-ayos na rin. Kagaya ng inaasahan, malaki sa akin ang jacket ni Elia pero mas okay na ito kaysa sa basang damit ko. Mabuti na rin at hindi masyadong nabasa ang skirt ko. Inamoy ko rin ang jacket ni Elia. Kanina ko pa ito ginagawa, and I can’t help but to do it over again. Ang bango. Ito iyong amoy na parati kong naaamoy kay Elia. It smells like citrus, amber, lavender, and there’s an aqua—sea note. Normally, hindi ko gusto ang pabango ng mga lalaki, but…this is different. Lumabas na akong washroom at halos madulas ako sa gulat nang makita ko si Elia na nakahilig sa pader sa labas ng washroom ng mga babae. “Naandiyan ka pa rin?” Tumingin siya sa akin matapos na tila may malalim na i

