Yssabela WALA pa namang masyadong ginawa sa unang araw ng eskwela. Halos introduction lang naman. Kagaya ngayon, gusto ng isa sa mga professor ko na magpakilala ako sa harap ng klase. Bukod daw kasi sa akin, lahat dito ay nanggaling sa iisang school noong senior high sila. Ako lamang iyong bago ang mukha. Inayos ko ang sarili at humarap sa lahat. Wala namang ganito sa ibang subject. Hindi ko lang alam kung anong trip nitong professor ko ngayon at gusto niya na mag-introduce pa ako. “My name is Mariah Yssabela J. Consuegra.” Ngumiti ang professor ko at tumango sa akin. “Tell us something about yourself. Para naman makilala ka namin.” “You can call me Yssa. I’m 18 years old, and I graduated from an international school in Manila.” Nagsimula na silang magbulung-bulungan nang sabihin ko

