Yssabela HINDI ko na ulit nakita si Elia magmula nang araw na iyon. Parati ko ring nakikita na malungkot si Esme dahil siguro walang paramdam si Elia. Narinig ko pa silang magkakaibigan na nag-uusap at naitanong ng isa kung nasaan si Elia. Sinabi ni Esme na babalik din iyon bago magpasukan. Alam ko na alam ni Esme kung nasaan si Elia. Gusto ko mang malaman din, pero ano namang dahilan ko para alamin? Hindi naman kami close. Nagbibihis na ako ngayon. First day of classes namin at hindi man ganito ang inaasahan kong magiging sitwasyon ko noon, excited pa rin akong pumasok. Matitiis ko naman siguro ng isang semester. Confident naman ako na magagawa kong mag-top sa klase. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Maayos na ang lahat. Nagpadala rin sina Daddy ng mga gamit na request ko kagaya ng

