Yssabela MALAKAS ang kabog ng dibdib ko na kahit noong makauwi ako, wala akong ibang naririnig kung hindi ang t***k ng puso ko. Wala pa rin ako sa sarili dahil sa confession na ginawa ni Elia. Hindi ko iyon inaasahan. Wala akong nasabi sa kanya. Sa sobrang pagkabigla ko, natameme ako. Ang naaalala ko lang, sinabi ni Elia na maghihintay siya ng sagot. “Hindi kita minamadali na bigyan ako ng sagot ngayon. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa. I want to court you. I want to do it properly. Gusto kong ipaalam sa ‘yo. I’ll wait for you, Yssabela.” Iyon ang mga salitang sinabi ni Elia sa akin na paulit-ulit ngayon sa aking utak. Gusto ako ni Elia! Masaya ako sa narinig. Kung maaari nga ay magtatatalon ako rito dahil sa tuwa. Unfortunately, bigla kong naalala ang kaakibat ng nararam

