Yssabela NA-MENTAL block ata ako nang marinig ko na nagseselos si Elia. Hanggang ngayon, tulala pa rin ako at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa paligid. All I can think about is Elia’s jealousy and how proud he looks like after saying that. “Mariah Yssabela Consuegra!” Roon lamang bumalik ang ulirat ko nang tawagin na ni Alessia ang buong pangalan ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Kung may sinasabi man siya kanina, wala akong naintindihan. “Okay ka lang ba?” tanong niya. “Ilang beses na kitang tinawag pero nakatulala ka lang diyan. Anong nangyari sa ‘yo?” Napalagok ako. Tumingin ako kay Elia pero nakikipag-usap na siya kina Tomas na katabi niya naman. “S-Sorry, may iniisip lang. Anong sinasabi mo?” Ngumuso si Alessia. “Kanina pa ako nagsasalita, wala pala akong kaus

