Yssabela NAIINGIT ako sa mga kasali sa pageant. I really wanted to join, pero hanggang ngayon ay hindi pa totally maayos ang paa ko. Nakakalakad na ako nang maayos kahit papaano after a week, pero hindi pa ako makapag-heels dahil nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa tuwing nagsusuot ako nito. Bukas na ang opening ng CBA week namin at naghahanda na si Esme para sa pageant. Sinusukat niya ang mga long gown na dapat ay ako ang magsusuot. Nagpadala kasi si Dad ng mga gagamitin ko dapat para sa pageant. Kaya lang, nang malaman nila na hindi na ako sasali dahil sa injury ko at kasali naman si Esme, sinabi na lang nina Dad na si Esme na ang magsuot nito para hindi naman masayang. “Kasya sa akin, Lola! Medyo maluwag lang sa may bust area pero mukhang pwede namang i-repair.” Nakasandal ako sa

