Yssabela NAKATAYO ako sa harap ng malaking bintana ng penthouse. It’s overlooking the city. Normally, nakakatulong ito sa akin para ma-relax. Unfortunately, not today. Nakayakap ako sa aking sarili, at kahit gustuhin ko na kumalma, hindi ko magawa. Kanina pa ako hindi mapalagay. Kanina ko pa rin tinatawagan si Elia pero hindi siya nasagot. Sabi ni Sebastien na siyang nagawa kong tawagan kanina sa pamamagitan ni Faye, nakaalis na raw ng isla si Elia at mukhang papauwi na. I just have to wait. Iyon ang ginagawa ko ngayon. Naghihintay ako sa kanya. Madilim na ang kapaligiran. Kasing dilim ng nararamdaman ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko dahil sa mga sinabi ni Esme. Una, ang pagiging magkapatid namin sa ama. Gusto ko iyong itanggi pero…nararamdaman ko na nagsasabi siya ng totoo. Maram

