Yssabela I TEXTED ELIA. Sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko si Esme dahil kailangan ko itong makausap. Isasama ko naman ang mga bodyguards ko. Sisiguraduhin ko rin na bago ko harapin at kausapin si Esme, harmless siya at nakaposas. Hindi dahil din pupuntahan ko si Esme, ibig sabihin ay naniniwala ako sa mga sasabihin niya. Gusto ko lang marinig kung anong gusto niyang sabihin sa akin, and if I need to confirm it, gagawin ko. After all, kilala ko na si Esme. Hindi ako dapat basta maniwala sa sasabihin niya. Ganoon man, hindi ako mapalagay habang papunta ako kung saan naka-detain ang pinsan ko kaya naman, tinawagan ko si Alessia. “Yssa, napatawag ka?” Alam ko na busy rin si Alessia. Madalang lang kaming magkita dahil siya na ang nagma-manage ng kanilang business. “Busy ka ba? Magpapas

