Yssabela LUMABAS ako ng CR. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Elia. Naghihintay siya sa akin sa labas ng washroom ng mga babae. Napatigil ako sa aking paglalakad. “Elia…” Nakuha ko kaagad ang atensyon niya. Nilingon niya ako at matagal na tumingin sa akin. Bumagsak naman ang aking balikat. Naglakad ako papalapit sa kanya. Wala nang masyadong tao sa paligid dahil siguro tapos na ang mga hearing. “What are you doing here?” tanong nito. Kalmado naman si Elia, pero medyo…kinakabahan ako. Bukod kasi sa sinabi niya mismo sa akin na huwag nang pumunta rito, iyong…kaso ng kliyente niya. “Sorry…” Iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Huminga nang malalim si Elia. Hinawakan niya ang kamay ko. “Umalis na tayo rito.” Nanginginig ang aking kataw

