Yssabela NAKAPAG-BAIL naman ako, pero mukha ngang itutuloy ang kaso laban sa akin. Unless…mapatunayan ko na wala talaga akong alam sa nangyari, baka…makulong ako. Matapos kong makapag-bail ay nakauwi naman ako. Ilang araw rin ako sa loob ng kulungan bago makapag-bail, at ayoko nang bumalik doon. Nalaman ko rin na si Tita muna ang nag-aalaga kay Ismael, the same tita na tumulong sa aking makapag-bail. Na-grant kasi ang petition niya to have a temporary custodial rights sa kapatid ko since may kaso akong kinahaharap ngayon at nawawala rin ang aking ama. Gusto ko mang makasama ang kapatid, sa ngayon ay alam ko na mas makakabuti na roon muna siya kina Tita. Sa lahat, kay Ismael lang maganda ang pakikitungo ni Tita. Siguro dahil kasing-edaran ito ng namatay niyang anak. Alam ko na hindi

