Yssabela MAY bago akong kaibigan at Thamia ang kanyang pangalan. Nagkita kami sa isang café, at biglang sumunod sa amin ang boyfriend ni Thamia at si Elia na hindi ko gustong makita. Bakit siya naandito?! “Sa akin na sasabay si Yssabela…” Ngumiti ako kay Thamia dahil ayoko na ring mag-explain. Sumakay ako sa kotse ni Elia at tahimik lamang na nakaupo roon habang hinihintay ko na makapasok si Elia sa loob ng kotse niya. “Sa sakayan mo na lang ako ibaba. Magko-commute ako papauwi.” Ayoko siyang makasama. Hangga’t maaari ay ayokong dagdagan ang dalas ng pagkikita namin. “I’ll drive you home,” he said with the same coldness. “Isa pa may pag-uusapan tayong dalawa.” I smirked. Gusto kong matawa sa sinabi niya. “Sa pagkakaalam ko, sinabi na ng lawyer ko na hindi mo ako pwedeng kausapin na

