Yssabela NATIGIL si Dad at nakatingin lang sa akin. Mabigat ang ekspresyon ng mga mata niya kaya’t hindi ko masabi kung hindi niya ba nagustuhan ang sinabi ko o okay lang sa kanya. I hope it’s the latter. “What’s with the sudden change of heart, Yssa?” Ako naman ang huminga nang malalim. Ngumiti ako kay Dad bago magsalita. “Nothing, Dad. Naisip ko lang na hindi rin pala masamang mamuhay sa Buenavista. I hated it before, pero simula nang masanay ako sa buhay nila at magkaroon ng mga bagong kaibigan, naisip ko na masaya rin pala kahit naroroon ako. With that in mind, nagdesisyon ako na hindi na muna lumipat ng school. I want to explore the place more. Sa tingin ko po, marami pa akong matututunan doon. Isa pa, nag-aalala ako kay Lola, Dad. Si Esme lang kasi ang kasama niya at baka malungk

