Yssabela NASA school na ako ngayon. Kuhanan na kasi ng grade. Sinabi ni Alessia sa akin na uuwi na rin naman siya para rito. Pumunta na muna ako sa room kung saan naka-assign para sa aming klase at naabutan ko na marami nang tao roon. Medyo na-late na rin kasi ako ng punta dahil na-late ako ng gising kanina. Pumila ako sa pinakadulo. Tumatango at kahit papaano ay binabati naman ako ng mga kaklase kong bumabati rin sa akin. “Hello, Miss!” Narinig ko kaagad ang boses nina Basil at Tomas. Ngumiti ako sa kanila at binati rin sila. “Nakabalik ka na pala galing Manila,” tanong ni Tomas sa akin. “Oo, last week pa. Si Elia ba?” Nag-text naman na ako kay Elia at sinabi na papunta na ako ng school. Dapat ay magsasabay kami pero may kailangan pa raw siyang daanan kaya sabi ko ay huwag na at m

