KABANATA 45: BIRTHDAY

1782 Words

Yssabela SIMULA na ng 2nd semester, at magkaklase pa rin naman kami nina Elia. Wala namang masyadong nagbago pero hindi kagaya noon, hindi na namin ganoong sinisekreto ang relasyon namin. Hinahayaan na lamang namin ang ibang tao sa kung anong gusto nilang isipin. Mailap si Esme sa amin, not that I care. Ganoon man, parati ko siyang nakikita na tumitingin sa direksyon namin ni Elia. Pakiramdam ko, alam niya na o may hinuha na ito pero pilit niyang itinatanggi. Pag-uwi ko isang beses, nagulat ako na makita si Mommy. Tiningnan ko pa ang paligid kung kasama niya ba sina Daddy, pero mukhang siya lamang ang naririto. “Mommy, ano pong ginagawa ninyo rito?” Tumayo siya mula sa pagkakaupo at niyakap ako. Ikinabigla ko iyon, dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. I mean, my mot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD