Yssabela HINILA ako ni Dad nang makita niya ako. Nilagpasan niya lamang si Elia na para bang wala siyang pakealam kung sino ito. “Daddy!” Napasigaw ako nang simulan niya akong hilahin papalabas ng bahay nina Elia. Hindi nagsasalita si Daddy pero alam ko na galit siya, which is mas nakakatakot. Hindi ko alam kung bakit siya naririto o kung paano niya nalaman na nasa bahay ako nina Elia, pero alam ko na may nasa likod nito. Nilalabanan ko ang paghawak ni Daddy sa akin. Gusto kong makawala sa kanya dahil hindi ako pwedeng umalis dito nang ganoon lang. “Yssabela!” Napalingon ako kay Elia nang marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Naabutan ko na pinipigilan siya ng mga tauhan ni Daddy para makalapit sa amin. Nang tangkain na lagpasan ni Elia ang mga tauhan ni Dad, tinulak siya

