PABALING-baling si Serena sa kinahihigaan. Kanina pa niya gustong matulog pero hindi pa din siya dalawin ng antok. Tumila na nga ang malakas na ulan, wala na ang kulog at kidlat. Mahimbing na natutulog na ang anak niya sa tabi niya. At sigurado siyang tulog na din si Raven pero ito siya, mulat na mulat pa din ang mga mata. At kahit na anong gawin niya ay hindi pa din siya dalawin ng antok. Hindi din kasi mapigilan ni Serena ang paglakbay ng isip niya ng sandaling iyon. Naglalakbay iyon patungo sa lalaking pinatulog niya sa bahay nila. Si Raven. Aaminin niya, hindi iyon ang unang beses na hindi siya nito pinatulog dahil sa kakaisip sa lalaki. Simula noong muli silang magkita apat na taon na ang nakakaraam ay ginugulo na nito ang isip niya. Lagi na lang itong pumapasok sa isip niya. S

