MEDYO masama pa din ang pakiramdam ni Raven, medyo nanakit din ang ulo niya pero kailangan na din siyang gumigising. Hindi dahil aalis na siya, kundi gusto niyang pagsilbihan ang mag-iina niya. Oportunidad na din kasi ni Raven na pagsilbihan ang dalawa dahil hinayaan siya ni Serena na matulog sa apartment ng mga ito. At ayaw sayangin ni Raven ang oportunidad na iyon. It's still early. Kung hindi siya nagkakamali ay alas sinko pa lang ng umaga. Dahan-dahan naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa maliit na sofa ni Serena. Medyo nananakit ang buong katawan niya, hindi dahil sa lagnat, kundi dahil din sa paghiga niya sa sofa. Malaking bulas siya at maliit lang ang sofa na kinahigaan niya. Hindi naman nagre-reklamo si Raven. Hell, kahit na sa sahig siya matulog ay okay lang basta

