"MOWNING, Mama ko. Kakain na po ako. Luto po ako ng beakfast ni Papa Rabem." Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Serena nang marinig niya kung ano ang sinabi ng anak. Papa Rabem? Tinawag ba nitong Papa si Raven? She couldn't believe what she heard. Nagising siya na wala na sa tabi niya ang anak. At iyon ang unang pagkakataon na nagising siyang wala ito sa tabi niya. At malalaman niya na nagba-bonding pala ang mag-ama sa kusina na wala siyang kamalay-malay! At sinabi ba ni Raven kay Selena na anak nito ang bata kaya Papa na ang tawag ng anak dito? She couldn't help but to clench her fist. Bakit pinangungunahan siya ni Raven? Hindi ba nito alam ang magiging consequences ng ginawa nito? Ang pagsasabi nito sa anak ng totoo? Paano niya ngayon i-explain kay Selena kung bakit

