HINDI napigilan ni Raven ang mapakuyom ng kamay nang mapansin niya ang reaksiyon ng ina nang sulyapan nito si Serena ng sabihin niyang bisita niya ito at hindi ito nagmamalimos sa kanya. Nakita nga niya ang pagyuko ni Serena at alam niyang napansin din nito ang naging reaksiyon ng ina niya dahil kita niya ang pagbalatay ng hiya sa ekspresyon ng mukha nito. And right now, he wanted to protect Laura and his daughter from his mother. Kilala kasi ni Raven ang ina niya, kapag hindi nito gusto ang isang tao ay hindi ito magpapaka-plastic kahit na alam nitong politician ang anak nito at pwedeng makasira iyon imahe niya kapag kumalat ang ugaling ipinapakita ng ina. Aaminin niyang may pagka-matapobre ang ina siguro dahil simula bata pa lang ito ay hindi na nito naranasan ang maghirap. Her mother

