"LOVE niyo po ako, Papa Rabem?" Narinig ni Serena na tanong ng anak kay Raven matapos sagutin ng lalaki ang tanong ni Selena mu g sino pa ang ang babaeng mahal nito. At nang sandaling iyon ay hindi pa din nagbabago ang t***k ng puso niya, sobrang bilis pa din iyon na para bang nakipag-karera siya. At bago pa makasagot si Raven sa tanong na iyon ng anak ay inunahan na siya nito. "H-hindi ka nilalamig, Selena?" tanong niya sa anak para mawala ang atensiyon nito sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi pa siya handa na pag-usapan ang tungkol doon, lalo na at hindi lang sila ang nasa kotse, may ibang tao. At hindi maintindihan ni Serena kung bakit kinakabahan siya, kinababahan siya sa anumang sasabihin ni Raven sa anak. "Konti po, Mama," sagot naman ni Selena sa kanya ng balingan siya nito.

