NAGMULAT ng mga mata si Candice matapos maramdaman ang mabigat na bagay sa kanyang tiyan.
Napahawak siya sa ulo nang maramdaman ang sakit niyon.
Napabangon siya nang makitang wala siya sa condo niya. Huli na para marealize niya ang nangyari kagabi dahil nang dumako ang paningin niya sa side niya.
Agad nanlaki ang mata niya pagkakita sa nakadapang lalaki. At agad nanginit ang ang kanyang mukha pagkakita sa hubad na katawan nito.
"Emil!" bulalas niya at wala sa sariling napatingin sa sarili. Nasapo niya ang noo nang makitang wala rin siyang suot na saplot. Agad niyang binalot ng kumot ang sariling katawan at nanlalaki parin ang matang tumingin kay Emilio na kakabangon lang at iiling iling na tinakpan ng kumot ang sarili.
Galit siyang tiningnan ito. "A-anong ginagawa ko dito? And what is... this?"
"Huminahon ka, mam Candice." anito pero sinamaan niya lang ng tingin.
"Anong nangyari kagabi? May nangyari ba sa'tin?"
Inosente naman itong napatingin sa kabuuan niya na para bang sinasabi nito na di ba obvious?
Napabuntong hininga naman ito. "Maliban sa..." hindi niya alam kung bakit napakagat siya sa labi niya na napansin din naman nito kaya ito natigilan. "M-maliban sa halik, ay wala nang ibang nangyari sa'tin kaya wag kang mag-alala."
"Pero bakit wala akong matandaan?"
"Kaya nga hanggang doon lang ang nangyari mam Candice dahil alam kung wala na ka sa sarili nang gabing iyon. Mabuti na nga lang at inabot kayo ng antok at nakatulog bago pa mangyari yun." anito at muling napabuntong hininga. Hindi niya alam kung nanghihinayang ba ito.
Nabuntong hininga nalang si Candice.
"S-sorry. Hindi ko kasi alam na labag ito sa kalooban mo."
"H-hindi. Ayos lang. Pasensya kana." aniya at kumilos.
Agad siyang nagbihis na sinabayan din nito saka inayos ang sarili bago lumabas sa kwartong iyon.
"Nasan si Darlin?" tanong niya sa sumunod na si Emilio.
Bago pa man sumagot si Emilio ay dumating ang katrabaho nitong si James na kasama ni Darlin kagabi.
"Asan si Darlin?" salubong ang kilay na tanong niya rito.
"Umalis na po, mam. Sabi niya po ay sabihin ko sa inyong mauuna na siyang umalis dahil may trabaho pa daw po siya."
Mas lalo siyang nainis dahil iniwanan siya ng kaibigan niya doon.
Humanda ka talaga, Darlin!
Marahas nalang siyang napabuntong hininga saka iniwan ang dalawa doon.
Derederetso siyang naglakad palabas ng bar na iyon at tinungo ang kanyang kotse.
Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto niyon...
"C-candice."
Nilingon niya si Emilio na nakasunod parin pala sa kanya.
Saka niya lang narealize na hindi pa pala niya ito nababayaran.
Agad niyang kinuha ang wallet sa bag at humugot doon ng lilibuhin.
Kumunot ang noo ni Emilio.
"Para san yan?"
"Hindi mo ba tatanggapin?" nagtataka niyang usal. "Ang akala ko ay kaya ka sumunod para singilin ako sa bill ko kagabi."
Nagsalubong ang mga kilay ni Emilio.
"Bayad na daw sabi ni James."
Umiling siya. "No, it's alright. Tip ko yan sa'yo."
"Pero wala namang nangyari kagabi di ba?" anito kaya napalunok siya.
"H-hindi. Yung pagsama mo sakin kagabi ang tinutukoy ko."
Umiling ito at hindi tinanggap ang inabot niya.
"So bakit mo pala ako sinundan dito?"
Napabuntong hininga ito saka kumamot sa ulo.
"Itatanong ko lang sana kung babalik ka pa rito." anito na ikinabigla niya. Pero natigilan din nang maging blanko ang itsura nito. "Pero wag na lang. Kalimutan mo na yun. Ingat ka sa pag-uwi." natigilan siya nang tinalikuran na siya nito at naglakad na pabalik.
Pakiramdam niya ay nagalit ang lalaki sa inasta niya kaya agad niyang hinabol ito.
"E-Emil." tawag niya at taka namang nilingon siya ng lalaki. Pilit siyang ngumiti rito. "Ganito kasi yan. I think hindi na ako makakabalik dito kaya kita binibigyan..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil nag-aalala siyang iba ang isipin nito sa kanya.
Ngumiti naman ito ng sinsero. "Ayos lang Candice. Ang totoo niyan. Ayaw ko ring tanggapin talaga ang kung ano mang ibibigay mo dahil pakiramdam ko ikaw palang ang naging totoong tao sa harap ko ng gabing iyon." natigilan siya sa sinabi nito. Seryoso ito. "At aaminin kong gusto kitang kausap, Candice. Kaya gusto kitang makita ulit dito."
Napalunok siya at napabuntong hininga sa pag-aming iyon ni Emil.
Malungkot siyang umiling at agad namang rumehistro ang lungkot sa mukha ng lalaki.
"S-sorry, hindi ko kasi ugaling pumunta sa ganitong lugar. Napilitan lang ako dahil sa kaibigan ko."
Malungkot lang siyang ngumiti at tumango.
"Naiintindihan ko."
Maya maya ay kinuha niya ang calling card niya.
"Ganto nalang, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. Anytime pwede mo kong tawagan or puntahan sa company na yan."
Agad namang nagliwanag ang mukha nito na ikinangiti narin niya. Ewan ba, bakit parang naaapektuhan na siya sa bawat emosyong nakikita niya rito.
"Alis na ko, Emil. Thank you nga pala k-kagabi ha."
"Walang anuman, ingat ka." nakangiti paring anito at inihatid pa siya hanggang sa makaalis siya.
Habang nasa biyahe ay naisipan niyang tawagan ang kanyang secretary.
"Hello, ma'am."
"Ericka, mali-late ako ng konti. Ikaw na muna ang bahala diyan." aniya saka ibinaba iyon.
Umuwi muna siya sa kanyang condo at naligo. Pagkatapos ay dumeretso na sa trabaho. Nagpagawa na lang siya ng kape sa kanyang secretary dahil hindi naalis ng ligo ang sakit ng ulo niya.
____________________________________
"HEY bro."
Nilingon ni Emilio ang kasamahang si
Noen. Naroon sila sa beranda.
"Ano bang iniisip mo at kanina ka pa diyan tahimik at tulala?"
Napailing siya at ngumiting napabuntong hininga. "Wala pare, may iniisip lang."
"Ano o sino naman ang iniisip mo? Wag mong sabihing pamilya mo na naman. Hindi ba't nakapagpadala ka na noong isang araw lang?"
"Oo, at nabilhan na daw ng inay ng gamot si itay. Kaya hindi na ako masyadong namomroblema."
"O yun naman pala eh. Ano pa bang iniisip mo?"
"Wala to pare, wag mo kong intindihin." aniya pero sinuntok lang nito nang marahan ang braso niya.
"Naku, wag mong sabihing tungkol yan sa babaeng nakasama mo kagabi?"
"P-pano mo nalaman?" gulat niyang tanong.
"Siyempre, nakita ko kayo. Dadalawa nalang kaming hindi masyadong nalasing kagabi dahil hindi ako masyadong mabenta. At nakita kitang kausap ang babaeng iyon. Sa itsura mo kagabi daig mo pa ang inlove kung makatitig pre." anito at tumawa.
Nanlaki ng bahagya ang mata niya at hindi nakapagsalita.
"O ba't parang luluwa na mata mo diyan, Emil?" biglang dumating si James. "At ikaw, bakit pinagtatawanan mo tong kaibigan ko ha?" singhal pa nito kay Noen.
"Yang kaibigan mo, inlababo dun sa kustomer niya." tatawa-tawang sagot naman nito saka sila iniwang dalawa at bumalik sa pagli-lifting doon.
"Totoo ba sinabi nun, pre?" tanong nito na hindi naman niya masagot. Napabuntong hininga ito. "Patay tayo diyan. Mahirap yan pre. Sa tulad nating mga ganito ang trabaho, walang magseseryoso satin. Meron nga dito, si Adonis, pinakabata sa atin, hindi alam ng girlfriend niya na dito siya nagtatrabaho. Palibhasa ay nakamascara kaya wala pang nakakilala sa kanya." seryosong saad nito.
Naiintindihan niya ito at totoo naman iyon. Bukod sa katawan nila ay wala nang magugustuhan ang mga babae sa kanila.
"Pero alam mo, may pag-asa ka parin naman na makuha ang babaeng iyon eh." anito na ikinakunot noo niya. "Kapag bumalik yun dito, siguruhin mong ikaw parin pipiliin niya. Hanggang maging suki ka niya gabi-gabi. Tapos kapag tumagal, malay mo, bilhin ka niya sa halagang isang milyon. O di ba, may pera kana, may lablayp ka pa!" natatawa pa nitong pagtatapos pero sa isip niya ay totoong nangyayari iyon. Hindi nga lang para sa kanila ng babaeng iyon.
Napabuntong hininga siya. "Hindi na siya babalik dito."
"Ano? Bakit naman?"
"Eh diba nga, napilitan lang siyang pumunta diyan sa bar dahil sa kaibigan niya."
"Ah Oo nga pala. E pano yan?"
Nagkibit balikat nalang siya saka may dinukot sa bulsa.
"Ano yan? Calling card?" tanong nito nang agawin sa kanya. Nanlaki ang mata nito nang mabasa ang card. "Tol, bigatin pala yung type mong babae. Awit ka!" bulalas pa nito at inagaw ang card at ibinalik sa bulsa. "Psh, teka. May balak ka bang puntahan ang babaeng yun ha?" tanong nito na ikinabuntong hininga niya.
"Ewan pare. Di ko alam ang nararamdaman ko. Parang gusto ko nang lumipas ang mga araw para mapuntahan ko na siya. Gustong gusto ko siyang makita."
"Halaka, nabuang na. Inlab ka na talaga, pre. At sa mayamang babae pa ha."
Hindi siya nakapagsalita.
"Pero alam mo, pre. Wag mong mamasamain ha. Kasi mahirap magkagusto sa tao habang ikaw, ibinibigay mo ang katawan mo sa iba. Pero siyempre, parang imposible namang magkakatuluyan kayo nun." natatawa nitong saad pero hindi siya nakasabay.
"Yun na nga eh, parang ayaw ko na tuloy sa gantong trabaho."
"Nako, eh pano naman ang pamilya mo dun sa probinsya? Kakapasok mo pa nga lang dito tapos magku-quit ka agad dahil sa babae?"
"Hindi
naman ako aalis sa bar. Pero magwi-waiter nalang ako siguro ako."
"Yan ay kung papayag si madam." anito.
"Bahala na." aniya saka pinakawalan ang malalim na buntong hininga.