Chapter 6

1541 Words
MATAGAL silang nagkatitigan bago mahimasmasan si Candice. Iniwas niya ang paningin niya sa lalaki at tumingin sa itinuturo nito. Hayon at nakita nga niya ang kaibigan. Napabuntong hininga siyang makita itong nilalagok ang alak sa kopita habang may naka-akbay ditong isang lalaking wala ring suot pang-itaas katulad ng kasama niya. "Siya ba ang hinahanap mo?" napalingon siya sa lalaki. Taka siyang napatango. "Oo, p-pano mo nalaman?" "Hindi naman sa alam ko, hinulaan ko lang." "Hinulaan?" salubong ang kilay na sabi niya. Ngumiti ito at hindi niya inasahang may kung ano siyang naramdaman pagkakita niyon. "Kasama ako sa kinuha niya para samahan siya. Inutusan niya akong abangan ang kaibigan niya. At tama nga akong ikaw iyon." hindi nawawala ang ngiti nito. Pasiring niyang inalis ang paningin dito at inis na nilingon ang kaibigan. Marahas siyang napabuntong hininga bago nagpasyang lapitan ito. Umupo siya sa tabi ng kaibigan at sinamaan ng tingin ang lalaking katabi nito. Tumikhim ang lalaki at inalis ang pagkakaakbay sa kaibigan niya. "That's enough, Darlin." sita niya dito na hindi man lang yata siya naramdaman. Lumingon ito at nagliwanag ang mukha pagkakita sa kanya. "Oh, sis, you came!" agad siyang niyakap nito. "Let's go na, Darlin. Lasing kana." "Ako lasing?" anitong natatawang tinuro ang sarili. "Ano ka ba, sis? Matagal akong nalalasing. O halika, samahan mo kong uminom." "Tsk, I'm not here to drink alcohol. Tara na, umalis na tayo dito." aniyang akmang patatayuin ito pero agad itong nagpumiglas. "No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ako nalalasing." "Darlin?" naninita niyang tawag dito pero nagmaktol lang ito. "Akala ko ba ay handa kang damayan ako?" "Yes, but not here." aniya. "Pwede naman natin itong pag-usapan sa bahay ko o kaya sa inyo." Umiling siya nang umiling pagkuway umiyak. "You don't understand, Candice. Ito ang paraan ko para makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko." Napabuntong hininga siya dahil hindi niya mapilit itong umalis sa lugar na iyon. "S-sige..." pasya niya. "I'll stay here, sasamahan kita." Agad namang sumilay ang tuwa ni Darlin at muli siyang niyakap. Bumaling pa ito sa katabing lalaki at pinalo ng marahan ang dibdib nito. "See? Sobrang bait talaga nitong bestfriend ko!" napailing siya nang makitang naghaharutan pa ang dalawa. Napayuko siya at nasapo ang noo. "Psst, Emil. Ano ka ba? Ba't nakatayo ka lang diyan? Tabihan mo ang kaibigan ko, single yan kaya dapat pasayahin mo ha." Salubong ang kilay niyang napalingon sa likuran niya. Doon niya napagtantong naroon parin pala ang lalaking iyon. Emil huh. Pinanuod niya pa itong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi niya nagawang umusod palayo dahil katabi na niya si Darlin na halatang pinipigilan ang paglayo niya sa lalaki. Hindi man niya tinitingnan ang lalaki ay naiilang siya dahil magkadikit ang mga balat nila lalo na nang maisip niyang nakahubad pa ito. Panay ang buntong hininga niya. At dahil doon ilang beses niyang nararamdaman ang pagsulyap ng lalaki sa kanya. Maya maya ay biglang tumayo sina Darlin at ang lalaking kasama nito. "Diyan muna kayo, sasayaw lang kami ni James." Agad siyang napatayo. "Ha? Ba't mo ko iiwan dito?" inis na aniya. "Sis, sasayaw lang kami. Kung gusto mo ay sumayaw narin kayo ni Emil." "H-hindi, ayuko ko!" tanggi niya. "Edi diyan kalang, hintayin mo ko. Mag-usap kayo diyan at malay mo..." makahulugan siya nitong kinindatan at bumaling sa lalaking nagngangalang Emil. "Hoy, Emil. Samahan mo ang kaibigan ko ha." "Yes, mam." Maya maya lang ay nakaalis na ang mga ito. Inis siyang umupo malayo sa lalaki. Panay ang sulyap at panunuod niya sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Sa sulok naman ng mata niya ay nahuhuli niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. "W-wag mo nga akong titigan." aniyang hindi ito nililingon. "Pano mo nalamang nakatitig ako sayo?" Marahas niya itong tiningnan. "Nakikita kita sa sulok ng mata ko." pairap niyang tugon. Mahina itong natawa na siyang ikinainis niya. "Anong nakakatawa?" Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Akala ko kasi hindi mo ko napapansin. Para lang kasi akong hangin sa iyo. Hindi mo ko kinakausap." "Excuse me, bakit naman kita kakausapin?" Sa halip na sumagot ay nakagat nito ang ibabang labi para pigilan ang muling pagtawa nito. "Ano ba kasing nakakatawa?" inis na talagang aniya. "Hindi naman ako tumatawa ah." anitong nakangiti. Sumama ang mukha niya. "Sinungaling." "Totoo ang sinasabi ko. Sadyang natutuwa lang ako dahil iba ka sa mga customer namin." "Tsk, hindi niyo ko customer. Pinilit lang ako ng kaibigan ko." "Pero customer ka parin namin. Kaya nga andito ako kasama mo, para i-intertain ka." "Intertain ka diyan, iniinis mo nga ako eh." singhal niya na agad namang ikitawa nito. "Kakaiba ka talaga." natigilan siya nang makitang matamis ang ngiti nito. Nailang pa siya nang ipatong nito ang siko sa hita nito at nakapalumbabang tumunghay sa kanya. "Sa lahat ng customer, ikaw ang gusto ko." Natigilan siya pagkarinig niyon. Mukha namang seryoso ito sa sinabi nito dahil nakikita niyang ang sensiridad sa mukha nito. Napalunok siyang nag-iwas ng tinging dito. Hindi niya alam ang gagawin. Kung saan saan niya idinako ang paningin pero ang katutuhanang naroon ang presensya ng lalaki ay naghuhurumintado ang kalooban niya. Dumako ang tingin niya sa mga alak na nasa babasaging mesa. Mabilis niyang nilagyan ang babasaging baso ng alak at inilagok iyon. Napangiwi siya at hindi man lang nakakalahati ang ininom na alak. Inilibang niya ang sarili doon upang mawala ang ilang sa lalaki. Ilang beses niyang sinimsim ang alak hanggang sa maubos iyon. Maya maya ay may pagtatakang nilingon niya ang lalaki. "Bakit di ka nga pala umiinom?" "Hanggat hindi kami inuutusang uminom ng aming customer ay hindi kami umiinom." Tumaas lang ang kilay niya sa dahilan nito. Kinuha niya ang isang baso at sinalinan ng alak saka inabot dito. "Edi uminom ka ngayon." Agad naman nitong inabot ang alak at walang kahirap hirap na inilagok ito. Pinagmasdan niya muna ito bago uminom narin ng hawak niyang alak. "Kung di mo mamasamain, pwede ba akong magtanong sayo?" maya maya ay tanong niya. "Oo naman, ano ba yon?" "Matagal kana ba rito?" Tumingin muna ito sa kanya bago ngumiti. Naging makahulugan iyon para sa kanya. "Alam kong kanina mo pang napapansin ang mga kilos ko." anito. "Alam kong nawi-werduhan ka na sakin dahil hindi ako katulad ng ibang mga kasamahan ko." napakamot pa ito sa ulo. "Bago pa lang kasi ako rito at sinasanay ko pa ang sarili ko sa gantong trabaho. Sa probinsya pa ako nanggaling kaya marami pa akong dapat malaman at pag-aralan dito sa maynila." Tumango-tango siya. Naiintindihan na niya kung bakit kakaiba ito kaysa sa mga kasamahan nito. Ganoon ang tipo ng lalaking gusto niya. Hindi mahangin at totoo sa kanyang sarili. Edi gusto mo siya? Marahas niyang ipinilig ang ulo sa naisip. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito kaya natigilan siya. Tutok ata ang paningin nito sa kanya dahil ultimo yung ganoong kilos niya ay napansin pa nito. "H-ha? Ah oo okay lang ako." pilit ngiting aniya at sinenyas ang mga alak. "Sige, uminom nalang tayo." Wala sa sariling naitungga niya ang bote ng alak. "Uy, dahan dahan lang, mam?" Agad na pinigilan nito ang kamay niya dahilan para maglapat ang kanilang mga balat. Bahagya siyang nabigla sa kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Naramdaman niya rin kaya yon? Pero mukhang ganoon na nga, dahil nang tumingin siya rito ay nakatitig na ito sa kanya. Ilang siyang inilayo ang kamay rito at napayuko habang kagat ang sariling mga labi. Hindi niya mawari ang kakaibang t***k ng kanyang puso sa sandaling iyon. Matagal silang tahimik lang habang iniinom ang kanya kanyang mga alak. Maya maya ay naramdaman na niya ang pag-init ng buo niyang katawan pati ang pagkaliyo. Ni hindi nga niya namalayang kanina pa naroon sina Darlin. Nagpatuloy lang ang inuman at talaga ngang lasing na lasing na silang pareho ni Darlin. Unti unting nawawala ang kanyang kamalayan at lumalabo narin ang kanyang paningin. Kahit pilit niyang imulat ang kanyang mga mata ay sadyang bumibigat iyon at pumipikit. Pati ang pandinig niya ay nagkanda loko loko. Pero bilib din siya sa kaibigan niya. Kahit na lasing na lasing na ito ay nagagawa parin nitong magsalita at makipag-usap. Hanggang sa makatulog na siya doon. Maya maya lang ay naramdaman niyang umangat ang kanyang katawan. Kaya naman pilit niyang inaaninag kung kaninong mga bisig ang bumubuhat sa kanya ngayon. Ngunit hindi niya iyon magawa sa halip ay mahinang ungol lamang ang lumabas sa bibig niya. Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at naramdaman ang pagdantay niya sa malambot na kama. Kusang gumalaw ang mga kamay niya para hawakan ang mga brasong iyon at hilahin, dahilan para mapadagan sa kanya ang lalaki. Doon ay nasisilayan niya ang mukha ni Emilio na kahit lasing ay nagulat sa ginawa niya. Awtumatikong ngumiti ang labi niya at hinawakan ang mga pisngi nito. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa sa sandaling iyon dahil dinoble ng natural na init ng kanyang katawan ang init na dala ng ininom niyang alak. Dumausdos ang kanang kamay niya sa batok nito at hinila palapit sa kanya . Naramdaman niya ang paglapat ng labi nila. Siya ang unang kumilos at kahit gulat ay tinugon iyon ni Emilio. Naging mapusok ang halik na iyon at hindi na niya maalala ang mga sumunod na pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD