3

1428 Words
"Oh bakit ang sama yata ng titig mo sa akin?" taas kilay kong tanong sa kanya. Tinuro niya sa akin ang mamahaling orasan sa kamay niya. "Miss, alam mo ba kung anong oras na? 10 pm na ng gabi tapos kung makasigaw ka, feeling mo ay binili mo na ang buong floor. May kapitbahay ka, baka nakakalimutan mo lang!" Syempre artista ako at ginamit ko ito para sagutin ko siya, "Hoy, hindi mo ba alam na isa akong VIP sa condo na ito? Ano namang problema kung sumigaw sigaw ako? Artista ako and I have the privilege na gawin kung ano ang gusto ko." He crossed his arms over his chest, "Kahit na artista ka pa, tao ka rin kagaya ng ibang tao. Dumudumi kapag hindi naliligo. Kaya wag mong gagamitin ang pagiging artista mo para makabulahaw ka ng ibang tao." I rolled my eyes para makita niya na maldita talaga ako. "Whatever! Kahit anong sabihin mo sa akin, gagawin ko pa rin ang gusto ko kasi condo ko to." Sinaraduhan ko ng pinto ang kapitbahay ko. Mukhang sensitive yata siyang tao at sobrang introvert. Kakain sana ako kaya lang natatakot akong maging sintaba ni Cindy. Kinabukasan, maaga akong kinatok kinatok sa bahay ni Mike. Kasama niya si Steph na dala ang aking make up kit. "Magandang araw sayo Ivana, mukhang maganda ang tulog mo ha?" nakangiting tanong sa akin ni Mike. "Ha? Ano bang pinagsasabi mo? I haven't take my breakfast yet kaya sa hospital ako kakain." "Ivana, gusto ko lang ipaalala sayo na saglit lang tayo dadalaw sa nanay mo. Mayroon ka pang endorsements na kailangan nating attendan!" Pinapasok ko sila Mike sa loob ng condo ko. "Grabe, ang ganda talaga ng pagkaka arrange ng architecture sa bahay mo Madam. Sigurado ako na may peace of mind ka na sa lugar na ito!" Pinaupo ko muna sila Steph at Mike sa sofa bako ko sagutin si Steph. "Alam mo, bwisit na bwisit ako kay Mike dahil ang buong akala ko, wala akong kapitbahay. Na solo ko ang buong floor, pero tingnan mo naman, palpak na naman siya kasi parang nakatira yata sa kweba ang kapitbahay kong reklamador." Napakamot na naman ng ulo si Mike, "Maging mabait ka na lang sa kapitbahay mo Ivana. Sigurado naman ako na magkakasundo kayo. At tsaka may mga tao talaga na kahit minsan, never nai starstruck sa artista kagaya ng lalaki na yun!" Bigla na namang bumanat ng joke si Steph, "Baka alien kasi siya kaya hindi ka niya kilala madam?" "Hay nako, wag na nga natin siyang pag-usapan. Maliligo muna ako kaya maghintay kayo jan!" Pag alis ko, narinig ko na nag usap silang dalawa sa sofa. "Akala ko ba tapos nang maligo si Madam?" tanong ni Steph kay Mike. "Eh alam mo namang palagi siyang ganyan, di ba? Pag sinabi niyang naliligo pa lang siya, usually kagigising niya pa lang. Tapos yung on the way niya, kakatapos lang niyang maligo noon." Naligo ako, nag bihis, nagpa make up kay Steph bago kami umalis sa condo. Isang oras ang nakalipas nang makarating kami sa hospital, nakita ko si Marco na naglalaro sa kanyang cellphone habang binabantay niya si mama. Sa sobrang tutok niya sa kanyang ginagawa, hindi niya yata namalayan ang presence namin kaya nagsalita ako kaagad. "Marco kamusta ang lagay ni mama?" Napatingin kaagad sa akin si Marco na halatang naistorbo sa ginagawa niya. "Ate... o-okay naman po si mama. Gumising siya kanina pero nakatulog ulit. Sabi sa akin ng doctor baka next week pa raw po natin siya pwedeng maiuwi sa bahay." Umupo ako sa tabi ni Marco at napangiti siya. "Sakto, may gala po kami ng mga tropa ko ngayong araw. Ikaw muna po sana ang bahala kay mama!" "Gala ng tropa mo? Bakit naging mahalaga pa yan kaysa sa pagbabantay mo kay mama? Saglit lang ako bibisita rito kagaya ng napag-usapan nating dalawa kagabi. So wala munang barkada ulit, Marco!" Kitang kita ko ang pagkasuya sa akin ng kapatid ko dahil muli ko na naman siyang hindi pinayagan. "Bakit kasi hindi ka na lang mag hired ng care taker ni mama? Wag mo sabihin sa akin na habangbuhay kong gagawin ito?" Tinaasan ko ng kilay si Marco, "Hay nako, ang tigas tigas talaga ng ulo mong lalaki ka! Napag usapan na nating dalawa na bawal ang care taker dahil inilihim natin ang kalagayan ni mama sa publiko. Paano kung nalaman ng mga tao na may malubhang sakit si mama at gamitin yan ng media para pabagsakin ako? Lalo tayong magiging kawawang dalawa. Ano ba talaga ang nangyayari sayo, Marco? Nawala lang si dad, nagkakaganyan ka na?" "Hindi ko man lang kasi na enjoy ang two months vacation ko sa school. Tapos every time na uuwi ako galing sa school, ako na naman ang magbabantay kay mama!" "Bakit ka nagrereklamo jan? Lahat naman ng gusto mo binibili ko diba? Sunod ka nga sa uso nang dahil sa akin, magmula sapatos, damit, hanggang sa mamahaling gadgets binigay ko sayo tapos ni isang beses, di man lang kita narinig na mag thank you sa akin." "Marco, wag kang mag-alala, sa edad mong iyan, alam ko naman na matropa kang tao. Hayaan mo linggo naman bukas kaya pwedeng ako muna ang magbantay dito sa hospital para naman makagala ka rin." Napangiti namang bigla si Marco sa narinig niya kay Mike. "Talaga po? Salamat naman, birthday kasi ng nililigawan kong babae kaya kahit isang araw lang sana ay mapagbigyan ako!" Pinitik ko si Marco sa tainga. "Jan ka magaling, daig mo pa ako! 25 na ako pero single pa rin!" "Ate naman, 21 na rin ako at gusto ko na rin sanang maranasan magkaroon ng syota. Ikaw, bakit ba kasi ayaw mo!" Bago pa man ako magsalita, bigla akong inunahan ni Mike. "Hinihintay kasi ni Ivana si Sir Jeff, yung anak ni Sir Kent na uuwi dito sa Pilipinas next week. Gwapo yun at may lahing American kaya sigurado akong magiging compatible silang dalawa ni Ivana." Napatingin ako kay Mike sa pagkagulat. "Wait, mayroong anak si Sir Kent? Tinago niya yan sa akin for almost five years na nagtatrabaho ako sa kanya?" Napatingin ako kay Mike sa pagkagulat. "Wait, mayroong anak si Sir Kent? Tinago niya yan sa akin for almost five years na nagtatrabaho ako sa kanya?" "Oo naman. Anak yun ni Sir sa pagkabinata. Eh alam mo namang malihim na tao yun si Sir Kent. Nalaman ko lang din ang tungkol jan ng pinapunta niya ako sa bahay niya tapos may yayang nag chismis sa akin tungkol kay Jeff." "Oh ate chance mo na yan. Mag asawa ka na para may bagong taga bantay si mama dito sa hospital!" muling banat ni Marco sa akin. Binatukan ko si Marco, "Jan ka magaling! Kapag nag asawa ako, malalaos ako at si Cindy ang papalit sa trono ko. Sa tingin mo ba gugustuhin ko yung mangyari? Bukod doon, mawawalan tayo ng kita at hindi ko na masusustentohan si mama kaya kailangan kong kumayod para sa pamilya natin." "Siya nga pala ate, ang sabi sa akin ni Mama nitong nakaraang araw, sobrang proud siya sayo at gusto ka niyang makapag tapos ng pag-aaral. Alam mo naman na gusto ka niyang makatapos kahit na 2 years course lang." "Ha? Nahihibang ka na ba talaga Marco? Sa sobrang hectic ng schedule ko, sa tingin mo ba ay makakapag aral pa rin ako? At tsaka ano ang mapapala ko sa pag-aaral na yan kung kumikita naman ako ng malaking pera?" "Tama si Marco anak, gusto ko lang na bago ako mawala sa mundong ito, makita man lang kitang nakasuot ng toga," sambit ni mama Lucy na biglang nagising. Napatayo ako at may bakas ng luha sa mga mata ko nang makita mo si Mama na nagising dahil alam kong senyales na ito ng tuluyan niyang pag galing sa HIV. "Ma, finally nagkausap rin tayo. Sabi sa amin ng doctor, makakalabas na po kayo!" "I am so proud of you Ivana, dahil sa kabila ng kasikatan mo ngayon, hindi mo nakalimutan na may nanay kang may sakit." Hinaplos ko ang mukha ng nanay ko, sa ganitong paraan, maramdaman man lang niya na sobra akong masaya sa mga nangyayari. "Ma, lalabas na po kayo sa hospital sabi sa amin ng doctor. Finally, sa bahay na po kayo mag i-stay dahil pagaling na po kayo." Nginitian naman ako ni mama, "Ivana, pakiusap anak, makapag tapos ka rin sana ng pag-aaral. Hindi permanente ang showbiz at sa isang iglap, maaari kang mawala sa limelight. Kaya ang gusto ko lang sana, maging handa ka kapag dumating ang panahon na yun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD