4

1487 Words
Three days later, nanatiling naka confine si mama sa hospital dahil naging unstable na naman ang lagay niya. Tinapat na rin ako ng doctor na kailangan ni mama na ma admit sa hospital dahil lumala na ang komplikasyon ng kanyang sakit. Ipinagtapat na rin sa akin ng doctor na maaari na niyang lisanin ang mundo. Nagimbal ang mundo ko kaya bilang isang anak, sinunod ko ang gusto niyang makapag tapos ako ng pag-aaral. Medyo awkard maging college sa edad kong eto. Dedma na lang ako sa mga sinasabi ng media at bashers sa akin na wala na akong pag-asang maka graduate. I want to prove them wrong. I want them to know na sa edukasyon, walang limit ang edad basta't maging determinado. Alang alang sa nanay ko, gagawin ko ang lahat makapag tapos lang ako ng two years education course. Nasa van kaming dalawa ni Marco dahil sabay kaming papasok dalawa. Fourth year engineering student siya at gagraduate na rin this years. Medyo awkward lang kasi mas matanda ako sa kanya and yet, mauuna pa siyang maka graduate sa akin. "Ate, sigurado ako na dadayo na naman ang media rito kapag nakita ka po nila." Napatigil ako sa pagme make up at napalingon kay Marco. "Ano ka ba? Okay lang naman sa akin dagsain ng media ang school mo. Dapat nga ay maging proud ka dahil ang ate mong artista makakasabay mo sa school." "Sus! Alam na alam naman ng buong campus ang tungkol jan. Good luck na lang sayo kasi marami ang terror na professor sa school namin!" "Para kang sirang plaka jan, nasisigurado ko sayo, kahit gaano kasungit ang professor ko, sigurado ako na bigla silang babait kapag ako na ang naging estudyante nila!" Napangisi si Marco sa sinabi ko. "Good luck na lang, Si Sir Noah pa naman ang pinaka masungit na professor. Sobrang galit yun sa mga taong late!" "Talaga ba? Ewan ko lang kung umubra ang ugali niya sa akin. Ikaw muna ang bumaba at sumalubong sa media, magtotodo make up lang ako dahil marami ang magpapa picture sa akin mamaya sa loob ng campus. Dapat ay maganda ako sa paningin nila!" Isang oras ang makalipas, nakarating na kaming dalawa ni Marco sa campus. Siya muna ang una kong pinababa dahil hindi pa ako tapos sa make up. Sa sobrang dami ng media na nagkumpulan kay Marco, natawa na lang ako sa kapatid ko. Pagkatapos na pagkatapos kong mag make up, bumaba ako kaagad at nagkumpulan ang mga estudyante at media sa akin. Isa isa kong sinagot ang media at pinagbigyan ko ang bawat estudyante na gustong magpa picture sa akin. Supposedly, 7 am dapat ang klase ko pero 7:30 na ako nakarating sa classroom. Pagpasok na pagpasok ko, nagtinginan lahat ng mga classmates ko kaya binati ko silang lahat. "Hello guys, ako nga pala si Ivana. A very famous celebrity and I will be your classmate for six months so please be nice to me!" Nagtayuan ang mga classmates ko at isa isa silang nagpa picture sa akin. Syempre kailangan kong maging friendly sa mga classmates ko para pakopyahin nila ako. "STOP THAT AND RETURN TO YOUR SEATS!" pag uutos ng isang lalaki na pamilyar ang boses. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses hanggang sa napalingon ako sa lalaking nasa table. Damn! Siya yung dorm mate ko na akala ko ay stalker. Kagaya ng kahapon, nakasuot siya ng coat at brown neckties. Sobrang elegante ng hitsura niya. Medyo nayamot ako kasi naalala ko yung pagrereklamo niya kagabi. Subalit professor ko siya ngayon at hindi talaga ako makapaniwala. "Ms. Ivana Buenavista, ikaw ang last enrollee sa list ko. And for sure sinabi na sayo ng kapatid mo na ayaw kong mayroong nale late sa klase. So now, hindi ka lang late, ginulo mo pa ang mga kaklase mo at gumawa ka ng eksena." Tiniklop ko ang kamay ko sa galit. Pero kailangan kong mag timpi sa mga sandaling ito kaya lumapit ako kay Sir Noah at pinilit kong ngumiti sa kanya. "Sir pasensya na po talaga kayo, alam niyo naman kasing sikat ako kaya bago ako makarating dito, marami na ang taong nagpa picutre sa akin. Sobrang nakaka bastos naman po sa fans kung tatanggihan ko sila, diba? Don't you realize how famous I am?" Kumunot naman bigla ang noo ni Sir Noah. "Talaga, hindi talaga ako makapaniwala na artista ka. No offense pero hindi kasi kita kilala at sa classroom ko, lahat kayo ay pantay pantay." Napangisi ang mga estudyante, samantalang ako, namumutla na sa kahihiyan. "Sir, saang lupalop ka ba ng Pilipinas nakatira? Siguro naman kahit na nasa sulok ng Pilipinas, kilala pa rin ang pangalan ko." "Para sabihin ko sayo, minor subject man ang hawak ko pero mahigpit ako sa mga estudyante ko. Sa ngayon, pagbibigyan kita na ma late sa klase ko but next time, I will consider you as absent. Wala akong kainte-interes sa showbiz kaya makakaupo ka na." Gigil na gigil ako kay Sir Noah but I decided na maupo na lang. Naiinis talaga ako sa pagpapahiyang ginawa niya sa akin ngayon. Naupo ako sa third row at narealize ko na more than 60 students pala kaming lahat. Sa pakiwari ko nga, ako lang ang 25 years old dito dahil mukhang bagets pa talaga ang mga kaklase ko." Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Sir Noah, bigla naman akong nakatulog. I don't hate minor algebra pero ni minsan, di ko pinangarap na mag excel pagdating sa subject na yan. Makatanggap lang ako ng 3, masaya na talaga ako. Maya maya pa ay bigla akong nagising. "Ms. Buenavista, why are you sleeping in my class?" ang nakakatakot na boses ni Sir Noah na nagpagising sa akin. Kaagad naman akong nag apologize sa kanya. "Nako Sir, pasensya na po kayo, 5 hours lang po ang tulog ko ngayong araw hehehe!" Hindi naman nawala ang pagiging seryoso ng mukha ni Sir Noah. "And is that how a celebrity like you should behave? Mukhang lumaki na yata ang ulo mo dahil naging artista ka. I literally just told you, the moment na pumasok ka sa campus na ito, hindi ka na isang artista, bagkus ikaw ay isang estudyante and I believe na nandito ka sa klase ko para mag-aral and not to sleep. Isa itong kabastusan!" At the end of this day, wala akong ibang natutuhan kundi ang puro sermon sa akin ni Sir. Pagsakay na pagsakay ko sa van, muli ko na namang tinalakan si Mike. "Hay nako! Naiinis talaga ako!" "Bakit naman Ivana? Balita ko gwapo naman daw ang professor mo kanina eh!" "Gwapo nga pero masama naman ang ugali. Alam mo ba na siya rin ang kutonglupa kong professor? Grabe talaga ang pagpapahiyang ginawa niya sa akin. Binigyan pa ako ng sampong special assignment na kailangan kong gawin!" "Talaga? So ang sinasabi mo ba, si Noah ay ang kapitbahay mo?" Inihampas ko sa ulo ni Mike ang dala kong pamaypay. "Isa ka pang kutonglupa ka, inulit mo lang ang sinabi ko. Dapat sayo mag-aral ka ulit para magka common sense ka!" "Araw ko, nako ikaw talaga! Kapag nagka head injury ako, ikaw ang siguradong may kasalanan." "Okay lang, wala namang laman ang utak mo eh. Sana itry mo ring maging logical." "Teka, ano ba ang subject na tinuturo ni Noah? Baka makatulong ako!" Bumalik ako sa upuan at tiningnan ko si Mike sa front mirror. "Algebra lang naman ang tinuturo niya sa amin. At alam mo naman siguro na hindi lang common sense ang kailangan para magsagot ng algebra!" "Sakto, si Cindy ang magaling sa math! Noong highschool kami, palaga siyang nag eexcel sa subject na yan!" "Knock it off! Kahit na kasing talino niya si Einstein o si Jimmy Neutron, never akong magpapaturo sa kanya." "Look, alam ko na mahirap lunukin ang pride mo. But this time, wala tayong ibang pwedeng lapitan sa problema mo kung di si Cindy. Picturan mo lang ang mga questions tapos ipadala mo sa kanya, sure ako na siya mismo ang gagawa ng paraan para magawa mo ang assignment mo. Sige ka, ikaw din ang mapapahiya kapag mali mali ang sagot mo." May punto naman ang sinabi sa akin ni Mike, as much as possible, kailangan ko munang makipag plastikan kay Cindy para matulungan niya ako sa lintik na assignment ko. Gladly, sinagot naman niya ako kaagad. Pinasa ko sa kanya ang tanong at pag uwi ko sa apartment, naka salubong ko na naman si Sir Noah sa elevator. Hinayaan ko siyang sumakay ng elevator subalit tiningnan niya ako. "Sumakay ka na, 30 minutes ang interval ng elevator kaya kapag hindi ka sumakay, siguradong uugatin ka sa kahihintay mo!" sambit niya. Dinabog ko ang mga paa ko pasakay sa elevator. Pagpasok ko sa loob, biglang nagsalita si Sir Noah. "Look, ayaw ko na mag iingay ka ulit sa condo mo. Gusto ko lang matulog ng mahimbing ngayong gabi kaya bilang respeto sa kapitbahay mo, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD