CHAPTER 5

1078 Words
Tinaasan ko na naman ng kilay si Noah. "Excuse me! Kung ayaw mo nang maingay na kapitbahay, mas maigi pa na maghanap ka ng ibang apartment." "Pang ilang lipat ko na ito ng apartment at ayaw ko nang lumipat ulit dahil ito ang pinaka malapit sa school." "Eh di magpalipat ka ng ibang floor!" Nagbukas ang elevator at hindi ako pinansin ng mokong kong kapitbahay. Muli ko siyang sinundan papunta sa kanyang apartment. "Hoy, sino ka para hindi pansinin ang isang sikat na artistang kagaya ko? Sobrang bastos mo naman, professor ka pa man din!" Nanatiling dedma si Sir Noah sa akin at pagkatapos niyang i-enter ang password ay muli niya akong binagsakan ng pinto. Pumasok ako sa apartment ko at dahil sa bwisit na bwisit ako kay Sir Noah sa pagpapahiyang ginawa niya sa akin kanina sa school at sa hindi niya pagpansin sa akin, nag soundtrip ako at nilakasan ko ang sound para masigurong maririnig niya ito. Habang tumutugtog ang kanta ay todo naman ang sayaw at hiyaw ko. Bilang isang party girl, sobra kong na miss ang pagpunta sa party kahit ilang araw lang ang nakalipas. "WOOOHHH PARTY PARTY! WOOOOHHH PARTY PARTY! INISIN ANG KAPITBAHAY!" malakas kong sigaw. Maya maya pa ay may narinig akong malakas na kabog ng pinto. Napangisi ako dahil naiimagine ko si Noah na nakasimangot pag pinagbuksan ko siya ng pinto. Excited akong tumakbo papunta sa pinto at pagbukas ko, nagulat ako dahil wala siyang ibang suot kung di boxer shorts. Nakakunot ang noo niya, naka cross ang kanyang mga kamay at masama ang titig niya sa akin. Akala ko talaga ay papangit ang hitsura niya subalit mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko. "Nananadya ka ba talaga? I was about to sleep tapos bigla kang nagpatugtog. Nakakabulahaw ka na at pangalawang beses na ito!" Tinaasan ko ang pride ko at lalo akong naging mapagmataas, "Apartment ko ito at gagawin ko kung anong gusto ko." "Ilang beses ka bang ipinanganak? At tsaka ginawa mo na ba ang assignment mo na pinapagawa ko sayo?" Nginitian ko siya, "Tapos na ang pinapasagutan mong assignment sa akin. Sa katunayan nga hindi man lang ako pinag pawisan!" pagyayabang ko kay Sir Noah. "Ms. Ivana, nakaka apat na strike ka na sa akin. Bukod sa maingay kang kapitbahay, late ka pang pumasok sa klase ko at natulog ka pa habang nagtuturo ako. You should act your age. Hindi ka na batang puslit na kailangang pagsabihan ng paulit ulit!" This time, nawala na talaga ang katiting na pasensya na meron ako at binulyawan ko si Sir Noah. "Talaga ba? Ganyan ang sasabihin mo sa kapitbahay mong stress sa trabaho, pag-aaral, at sa pag intindi sa kapatid mong pasaway. Idagdag mo pa ang isang katutak na bashers ko na walang ginawa kung di pintasan ako dahil bano raw akong umarte at wala akong utak? Gusto ko lang mag release ng stress at sumayaw sa apartment ko and then pagbabawalan mo ako? Kung tutuusin nga, masyado na akong mayaman para bumalik sa pag-aaral pero dahil hiniling ito ng nanay ko, kailangan ko siyang sundin!" "Look, wag mo sanang laliman ang usapan natin. Kung nai-stress ka na sa buhay, tandaan mong hindi lang ikaw ang may matinding pinagdadaanan. Parehas tayong stress at sana ay maging responsableng kapitbahay ka naman at irespeto mo ang pagpapahinga ng ibang tao." Bigla kong binagsakan ng pintuan si Noah kagaya ng pagbagsak niya sa akin ng pintuan niya kanina. Pagsara ko ng pinto, natuwa naman akong bigla dahil naibalik ko ang pagpapahiyang ginawa niya sa akin. Althoug hindi ko rin makalimutan na titigan ang maganda niyang katawan kanina. Siguro ay nakahubad talaga siya ng damit kapag natutulog. Kinabukasan, pumasok ako sa school kasama ang kapatid ko, si Mike at si Steph na todo ulit ang pagme make up sa akin. "Ivana, sigurado akong mapapahiya yang professor mo dahil nagawa mo na ang assignment mo!" sambit ni Mike. "I know that very well!" pagyayabang ko. "Anyway, sobra ko siyang pinikon kagabi kasi magkasabay na naman kaming dalawa sa elevator. I was trying to be nice to him pero siya mismo ang mean sa akin." "Eh bakit naman kasi pinipilit mong ipakilala ang sarili mo sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman porket isa kang sikat na artista, eh kilala ka ng lahat ng tao dito sa Pilipinas. Sadyang may mga tao lang na walang kahilig hilig sa mga artista," pananabat ni Marco. "Hoy Marco, ikaw ha pasyota syoto ka pang nalalaman jan! Lagot ka talaga sa akin kapag napabayaan mo ang pag-aaral mo dahil sa kakalandi mong hinayupak ka!" "Nako parte talaga yan ng buhay natin, Ivana. Eh noong college days ko nga, marami ring mga babae ang nahuhumaling sa akin." "Talaga Mike? Mayroon pa lang pumapatol sa hitsura!" Natawa si Marco at Steph sa joke ko. "Aray ko naman Ivana. Wala naman sa hitsura ang basehan ng pagiging habulin ng babae." "Actually meron po," sambit ni Marco. "Lalo na sa school namin, ultimate crush nga ng kababaihan si Sir Noah dahil sa pagiging gwapo at tahimik niya. Not to mention na matalino pa siyang lalaki. Kung ako nga ang tatanungin, bagay na bagay silang dalawa ni ate." "Nako Madam, kaya pala sinabi mo sa akin na kailangan palagi kang maganda sa school. Siguro kaya gusto mong inaaway si Noah ay dahil crush mo siya!" "Oo nga, tama ang sinabi ni Steph, ang sabi nga nila, the more you hate, the more you love!" Muli ko na namang binatukan si Mike dahil sa sinabi niya sa akin. "Ang kulit mo talagang lalaki ka, dapat sayo mag drive ka na lang." "Aray ko naman," pagrereklamo ni Mike. "Bakit naman kasi kailangan pang may batok sa akin sa tuwing maiinis ka!" Muli ko siyang binatukan ulit, "dahil ayaw ko nang makulit at tinutukso ako sa taong ayaw ko. Isa pang sabi mo niyan, ipapatanggal na kita kay Sir Kent." "Wag naman, kailangan ko pa ng trabaho ngayon. Nanghihingi ang nanay ko ng pera eh. But tanong ko lang, paano kung si Professor Noah naman ang biglang mainlove sayo? Ano naman ang gagawin mo!" Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, pagkatapos ay sinagot ko ang tanong ni Mike. "Simple lang, basted kaagad siya sa akin. Hindi isang kagaya niya ang type kong lalaki." 30 minutes later, nakarating kami sa school at as usual, maraming mga estudyanteng ang nagpapicture sa akin. Nagulat naman ako ng biglang may humatak sa kamay ko at hinila ako papasok sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD