Halos natuon lahat ng atensyon ng tao sa akin. Napatingin ako sa lalaki sa harapan ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Kasalanan mo ito Ivana, dahil sayo na late ako sa work ng 30 minutes at nagsiuwian ang mga students ko. Sobra akong nai-stress. Kung hindi ka lang sana nagpatugtog ng malakas sa apartment mo, maaga sana ako makakapasok."
"Ha magkapitbahay sila?"
"Grabe, ang swerte naman ni Ivana, sana all kapitbahay ni Sir. Kung ako yan, araw araw kong dadalhan ng spaghetti si Sir Noah, paborito pa naman niya yun!"
"Ha? Baka si Sir Noah ang swerte? Sobrang sikat kaya ni Ivana."
"Eh diba nga siya lang ang bukod tanging tao na hindi kilala si Ivana."
"Nako, ngayong kumalat na ang balitang yan, sigurado akong dudumugin ng lahat si Sir Noah para malaman nila ang bahay ni Ivana."
Ilan lang ito sa maraming bulong na naririnig ko sa paligid at sapat na itong dahilan para magalit ako.
"Nasisiraan ka na ba ng bait Professor? Bakit mo ipinagkakalat na magkapitbahay tayong dalawa? That's invasion of privacy!" bulong ko sa kanya.
"Bilisan mo, pumasok ka na sa classroom at ma late ka. Siguro naman this time, matututo ka na sa pinag gagawa mo!"
Sinundan ko si Professor sa classroom at nagulat ang lahat nang makita kaming magkasabay. Pag upong pag upo, bigla namang nagsalita si Professor Noah na napatingin sa akin.
"Ms. Ivana, please stand up!" pag uutos niya na may seryosong mukha.
Tumayo naman ako kaagad habang hawak ko ang notebook ko. Tiningnan ko ang mga kaklase ko habang masayang nagsasalita.
"Hello mga classmates, tapos ko nang gawin ang assignment ko!"
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko kaya sobra akong natutuwa. Mababaw man ang kaligayahan ko, ngayon ko lang kasi na realize na masarap din pala na mag-aral at magpagawa ng assignment.
Biglang pinaandar ni Sir Noah ang projector at nagsalita ulit.
"Okay Miss Ivana, I want you to answer the first question without looking at your notebook. Sabi mo sa akin, hindi ka man lang pinagpawisan sa pag gawa mo ng assignment. Who knows kung tinulungan ka ni Marco na gumawa- yes alam ko na magkapatid kayong dalawa."
Sa isip isip ko, mahina rin naman ang kokote ni Marco at hate niya rin ang math subject. Pero yung sinabi sa akin ni Professor Noah na kailangan kong iresolba ang algebra sa harap ng mga kaklase ko- that's something na hindi ko kayang gawin ng walang kopya kaya sinabat ko siya.
"Ha? Bakit ako naman ang gumawa nito Prof eh. So kailangan na dala ko rin ito sa harap para naman may guide ako."
Napaupo ng mahina si Sir Noah at dahan dahan siyang lumapit sa akin.
"It seems like you did not know my rules. Sa tinagal tagal kong magturo, halos kabisado ko na lahat ng style ng mga students kaya sa first day pa lang nila, sinusubok ko na ang kakayahan nila. So now, kung ikaw nga talaga ang gumawa ng assignment mo, dapat alam mo rin kung paano mo yan ie-explain sa mga kaklase mo!"
Tagaktak na ang pawis ko at feeling ko ay nabura na ang make up ko sa mukha. Sino ba naman kasi ang matutuwa na on the spot akong pinasagaot ni Prof. Bago pa siya makarating sa akin, pumunta na ako sa board at lakas loob kong sinagutan ang assignment ko.
"Solve 2X-4=x-10!" ang sulat ko sa board. Napakamot na lang ako kasi hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Okay Ms. Ivana, wala tayong buong araw para hintayin ka sa mga susunod mong gagawin so you should answer it immediately!" sambit ni Professor Noah na nakatingin sa gilid.
Bilang isa akong best actress, alam ko na ang magliligtas sa akin sa ganitong sitwasyon ay ang sarili ko lang. Hinawakan ko ang ulo ko na para akong nahihilo at naglakad ako papunta kay Sir Noah. Sinadya kong ibagsak ang sarili ko sa kanya.
Bago pa man ako tuluyang bumagsak sa lupa ay nasalo na niya ako. Dali dali niya akong binuhat palabas sa classroom. Maraming beses ko nang ginawa ang ganitong klase ng eksena sa movie man o teleserye kaya alam ko kung paano i-acting ito ng hindi nahuhuli.
Maya maya pa, naramdaman ko na lang na inihiga ako sa kama at mayroong kinausap si Sir Noah.
"Please take care of my student. Bigla na lang siyang hinimatay sa klase ko. I guess she was really stress bago pa siya pumasok sa klase ko!"
"Wag kayong mag-alala Sir Noah, kami na po ang bahala sa kanya," sambit ng babae na feeling ko ay isang nurse. "I-injection-an lang namin siya bilang first aid."
Takot na takot ako sa injection and there is no way na papayag akong maturukan kaya naman bigla akong gumising.
"Teka lang Ivana, okay ka na ba?" gulat na tanong ni Sir Noah.
Tuturukan na sana ako ng nurse ng bigla kong inihawi ang kamay ko.
"Wag po kayong mag-alala, okay na po ako!" sambit ko sa nurse.
"Ha? Ngayon lang ako naka experience ng pasyenteng hinimatay ng wala pang 20 minutes," gulat na sabi ng nurse.
"Baka naman nagpapanggap ka lang na hinimatay dahil ayaw mo lang isolve ang algebra equation!" sambit ni Sir Noah.
"Actually masama po talaga ang pakiramdam ko ngayon Sir Noah," pagsisinungaling ko. "Pero dahil kailangan kong pumasok kahit na may shooting ako at ibang bagay na ginagawa, inabuso ko pa rin ang katawan ko para sa nanay at kapatid ko."
"Ano ang gusto mong gawin ko ngayon?" nakakunot noong tanong ni Sir Noah sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Sir Noah at nagmakaawa ako sa kanya, "Pakiusap Sir, wag mo na akong pahirapan na sumagot sa harapan ng klase. Sa totoo lang, tatlong oras kong ginawa ang assignment ko kahapon at todong sumakit talaga ang ulo ko."
"Ms. Ivana, bilang isang guro, tungkulin ko na turuan ang mga mag-aaral ko sa subject ko. Kung nag-aaral ka para sa nanay mo at kapatid mo, gawin mo ang best mo para matuto ka at maging proud sila sayo!" pangsesermon ni Sir Noah.
I looked away bilang parte ng pagdadrama ko. "Heto namang si Sir, paano kung bigla ulit akong himatayin sa klase mo!? Baka next time, hindi mo na ako saluhin!"
"Okay fine, kung gusto mo ay tuturuan kitang maigi sa Algebra. Kakatukin na lang kita sa apartment mo, siguro naman ay paglalaanan mo ng oras ang pag-aaral mo diba?"
Alas sais ng gabi ng sunduin ako ni Mike sa school. Maaga kasing umuwi ngayon si Marco dahil babantayan niya ulit si Mama at papalit siya sa nurse.
"So kamusta ang araw mo ngayon Ivana? Sure ako na ikaw ang may pinakamataas na score ngayong sa exam mo!" excited na sabi ni Mike.
"Hay nako," napabuntong hininga ako ng malalim bago ko ikwento ang nakakabugnot na pangyayari. "Naiinis ako kasi bigla akong pinasagutan ng mokong kong Professor kanina sa klase. Siguro intensyon niya na ipahiya ako at dinahilan na lang na gusto lang niyang itest ang kakayahan ko pagdating sa algebra."
"Ha? Nako, eh di nalaman niya na hindi talaga ikaw ang sumagot nun dahil si Cindy ang gumawa ng homework mo!"
Napangisi naman ako, "Sa tingin mo ba ay hahayaan ko yang mangyari? Syempre kailangan na maging mautak tayo. Bilang artista, ginamit ko ang kakayahan ko sa pag-arte at nagpanggap na hinimatay sa harapan niya. Maraming beses ko na yang ginawa sa pelikula at movies kaya alam na alam ko kung paano hindi mabisto."
Tiningnan ko si Mike sa front mirror at halata kong natatawa siya.
"Grabe, ang galing naman ng ginawa mo Ivana. Sure ako na naguilty siya sa ginawa niyang pagpapahirap sayo. Ano ang sumunod na nangyari?"
"Eh di sinalo niya ako bago ako mahulog sa sahig. And then binuhat niya ako papunta sa clinic, then nung i-injection-an na ako, bigla akong bumangon. Bata pa lang ako ay takot na ako sa injection kaya kailangan kong i-drop ang act ko."
"Yun lang, eh di nabisto ka na ni Noah?"
"Actually pinakiusapan ko siya na kung pwede ay wag na akong pahirapan sa subject niya, but ang ending, wiling raw siyang turuan ako ng algebra."
"What? Tuturuan ka niya ng algebra eh hindi mo nga kabisado yung multiplication table tapos algebra pa?"
Muli kong binatukan si Mike sa ulo, "Ang dami mo pang sinasabi diyan! As if may choice naman ako, kapag hindi ko naipasa ang subject niya, hindi ako makakatuntong sa second sem at di ako makaka graduate. Kailangan kong makuha ang diploma ko para maging proud sa akin si Mama!"
"Sabagay! Mukhang nakahanap ka na talaga ng katapat mo, Ivana!"
"Hindi ako magpapatalo sa mokong na 'yun! Makapasa lang ako sa subject niya, sisiguraduhin kong lalo ko siyang aasarin!"
"Kung yan ang gusto mo, wala naman akong magagawa. Pero suggestion lang, bakit hindi mo i-try na bigyan siya ng cake mamaya o kahit na anong presence bago ka niya turuan? Sa ganung paraan, baka gumaan bigla ang pakiramdam niya sayo!"
Napasandal si Ivana sa upuan at naalala niya ang sinabi ng isang chismosa kanina.
"Spaghetti! Kailangan nating bumili ng Spaghetti kasi yun ang paboritong pagkain ni Sir Noah. At least kahit papaano makukuha ko ang loob niya para maipasa niya ako."
"Eh di ba alergic ka sa pasta? Paano yan?"
"Hay nako Mike, siyempre si Sir Noah lang naman ang kakain at hindi ako."
Pasadong 7 ng gabi ng makauwi si Ivana dala ang isang paper bag na may lamang Spaghetti. Pagsakay niya sa elevator, wala si Noah kaya dumiretso siyang umakyat.